San Diego, California. Busy streets. Maingay. Kabi-kabila ang mga sasakyan, pati na ang mga taong paroo’t parito sa kanilang pupuntahan. Matatayog ang mga gusali na animo’y humahalik na sa langit. Matindi ang sikat ng araw kahit hindi naman summer sa San Diego. In fact, it was already early fall. However, due to the typically warm and pleasant weather, the conditions felt more like summer at that time. Napahagod sa kaniyang ulo si Adelhine. Habang palapag ang private plane na sinasakyan nila nina Harper kanina, nagsimula na namang sumakit ang ulo niya. Hindi niya sigurado kung dahil ba iyon sa mahabang byahe, o dahil sa pakiramdam na roon talaga siya nagmula. Baka nagsisimula na siyang madama ng familiarity sa lugar. However, she still doubted that. Kahit naman nasa US siya, hindi nama

