“Where are we going?” nakangiting tanong ni Adelhine kay Matteo habang nasa harap ito ng manibela. “Somewhere . . .” tipid nitong sagot. Ang hawak-hawak nitong kamay niya ay masuyo nitong ginawaran ng halik. “Siguraduhin mo lang na hindi ako mahuhuli sa flight ko mamaya,” banta niya rito. May ganoon kasing ugali si Matteo na kapag nagbago ang desisyon, napipilitan siyang hindi umalis sa tabi nito. “No. That won’t happen. Alam ko kung gaano kaimportante ang lalakarin mo sa US. Kaya kahit alam kong mapanganib ang gagawin mong ito, hindi kita tinutulan. Kung p’wede nga lang akong sumama— sinamahan na kita. But you know, I have so many things that need to be done here.” Napangiti siya sa sinabi nito. Nang magpaalam kasi siya, mabilis itong sumang-ayon. Ang mahigpit lang nitong bilin ay u

