Pagkaalis ni Matteo kinabukasan ay madaling tinawagan ni Adelhine si Harper. “Why didn’t you tell me sooner?” iyon agad ang katanungang lumabas sa bibig niya pagkasagot na pagkasagot ni Harper sa kabilang. “Tell you what, Miss de Dios?” tanong nito, halata ang pagtataka sa tinig. “That Bernard del Castillo is Matteo’s brother.” Nanggigigil siya sa kaalamang niloko siya nang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tao— nang isa sa pinagkakatiwalaan niya ng kaniyang buhay, maging ng kaniyang mag-ama. Si Bernard talaga ang may kasalanan ng lahat ng iyon. At kung anuman ang koneksyon nito kay Miss Anita, hindi na niya gusto pang malaman. She’s furious. Kaya hindi niya mapapatawad si Bernard sa mga ginawa nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya. He even had the guts to change her features, kahit ang

