Adelhine went to Bernard’s detective agency. Nangiba pa siya nang makarating doon dahil malaki na rin ang ipinagbago ng lugar. Deretso siyang nag-park sa basement parking ng gusali nito. Pagbaba niya sa sasakyan, hinanap niya agad ang mga CCTV camera’s. Pagkatapos, nilingon niya ang isa pang sasakyan na sumusunod sa kaniya— sina Jackson. Bumaba sa kotse si Jackson. Tinanguan niya ito bago tumuloy sa elevator na si Bernard lang ang gumagamit. Tumatahip ang dibdib ni Adelhine habang ramdam niya ang pag-angat ng sinasakyan. Ang galit na namamahay sa kaniyang dibdib ay hindi nawawala. She’s ready. Handa na siya sa lahat-lahat ng malalaman niya mula kay Bernard. Nang tumigil ang elevator, huminga siya nang malalim. Then, she walked out like she’s going to a war. Hindi pa rin nagbabago a

