“W-what . . .?” Napakapit si Adelhine sa gilid ng lamesa ni Bernard dahil pakiramdam niya, bibigay anumang sandali ang mga tuhod niya. “A-again?” tanong niya rito. “They requested that to me . . . your parents.” Kung hindi siya nasalo ni Bernard at iupo sa upuan nito, tuluyan na siyang napaupo sa sahig. Muling bumalong sa kaniyang mga mata ang mga luha. “But . . . why? W-why’d they do that? Bakit sila nagdesisyon nang ganoon?” nanginginig ang mga labing wika niya. Of all people, ang mga magulang pala niya ang nagdesisyon para bigyan siya ng panibagong katauhan. Her parents who gave nothing but the whole universe to her. Pero, bakit?! Bakit?! Naninikip ang dibdib ni Adelhine na agad iyong hinagod nang mariin. She couldn’t breathe knowing that the people whom she knew would do anythi

