Lesley's point of view Kanina pa ako nakatingin sa mga damit ko. Hindi ko alam kung anong isusuot ko sa date namin mamaya ni Treavor. Susunduin niya raw ako pagkatapos ng duty niya. Wala siyang sinabing oras basta nangako ito sa akin na matutuloy ang date at susundo siya ano man ang mangyari. "Ano ba kasing sinusuot sa date? Kailangan ba 'yung pang sosyal na nakikita ko sa TV o kung saan ako komportable. Pero paano kung dinala niya ako sa mamahaling lugar, nakakahiya." kausap ko sa sarili ko. Napag desisyunan ko na tawagan si Hanna at Xandra sa video call. Gumawa sila ng group sa messenger namin at tinuruan nila ako paano gamitin. Ala kong sila ang makakatulong sa problema ko ngayon. Mas may alam din sila sa mga ganitong pagkakataon. Unang sumagot si Hanna na nasa kama pa. "It's too

