Lesley's point of view Dinala ako ni Treavor sa rooftop ng building, maganda ang pagkaka-ayos ng lugar. Nagkalat ang mga puting rosas na nilagyan ng pailaw para lumiwanag ang paligid. Nagkalat din ang puti at itim na lobo sa sahig ng lugar. Masasabi kong napaka ganda ng pagkaka ayos at magical ang dating. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Treavor na naka-alalay sa akin papunta sa pangdalawahang tao na lamesa at may naka-handa na ring pagkain. "Gustong-gusto ko, salamat. Ni isang beses hindi ko naisip na may isang tao na gagawa ng ganito para sa kin," emosyonal na sabi ko. Sanay ako na ako lagi ang nagsisilbi para sa mga tao sa paligid ko at sanay ko na nakikita silang masaya sa mga surpresang natatanggap nila habang ako ay nanunuod lang. Ni minsan hindi ko naisip na magyayari sa akin ang

