Lesley's point of view Mula ng umalis si Mosh at bumalik sa Manila. Hindi ito nakalimot na tawagan ako pag hindi ito busy sa mga pasyente niya. Minsan naman ay magugulat na lang ako na nasa kwarto ko na siya para lang ibigay ang rosas at bulaklak sa akin, bago bumalik agad sa Manila. Masaya naman ako na kahit kami na ay nakukuha pa rin niya akong ligawan at pasayahin. Isa sa napansin ko mula nuong umalis si Mosh dito sa bahay. Lagi ng nagkukulong sa kwarto si Lola Encarnasion. Tinatanong ko siya lagi kung okay lang siya. Minsan naman ay halos hindi na ako umalis sa kwarto nito buong gabi dahil nahihirapan itong huminga. Gusto ko sanang sabihin kay Treavor ang nararamdaman ni Lola pero kinausap niya ako na wag na raw sabihin kay Treavor at ayaw niya itong mag-alala. Kaya ang ginagawa ko

