Ms. A's point of view Ala sais na ng umaga ng makapagpahinga si Treavor. Nagkaroon nang salpukan ang dalawang bus at ang mga biktima ay dinala sa hospital nila. Agad namang tinawagan ni Treavor si Lesley. Ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses nitong sunubukang tawagan ang girlfriend pero walang sumasagot at puro ring lang. "Come on, Moo. Answer my calls," bulong ni Treavor. "Doc, kailangan po kayo ngayon sa Emergency room." Sabi ng nurse. Papatayin na sana ni Treavor ang tawag ng may sumagot sa kabilang linya. "Moo, nagising ba kita?" Malambing na sabi nito sa girlfriend. "M-mosh," tawag ni Lesley na hindi na mapigilang umiyak. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Anong nangyari? Are you okay?" Sunod sunod na tanong ni Treavor. "M-mosh, s-si Lola-" "Anong nangyari kay Lola?

