Seis

1806 Words
Author's point of view Magkakasama ngayon sa club ang magkakaibigan na sina Treavor, Lance, Andrei, and Zeus. Nagsasama ang magkakaibigan sa tuwing pare-parehas silang may oras para mag unwind. "Hindi ka pa rin niya kinausap hanggang ngayon?" tanong ni Andrei kay Zeus. "Yeah, denial F-boy eh!" naiiling na sabi ni Zeus habang hindi matanggal ang tingin sa cellphone nito. "Dude naman kasi. Ano ba kasi ang nangyari nang sinamahan mo si Lesley? Bakit close agad kayo, may pasundot pa sayo hahaha! Ayan tuloy nagselos si Doc." sabi naman ni Lance na nakatingin kay Treavor na may dalawang babaeng kasayaw. Nagkayayaan ang magkakaibigan na mag-nom at inaasahan din ni Lance at Andrei na magkakaayos ang dalawa. "Namo, dude. Si Lesley ang ka-chat mo. Lagot na, tinamaan ka rin ba?" sabi ni Andrei na nakasilip sa phone ni Zeus. Binaba naman ni Zeus ang phone at tumatawang tumingin kay Treavor, kaya napatingin din ang dalawa kay Treavor. "Haha, si Lesley ay parang kapatid para sa akin. Ang gaan ng loob ko sa kanya, hayaan niyo si Treavor na isipin ang gusto niyang isipin. Dr. Denial," sabi nito. "Hindi magtatagal, matatauhan din yan kung totoo ang nararamdaman niya kay Lesley o tawag laman lang." Naglakad si Treavor papunta sa mesa nila at ngumisi kay Zeus. "She likes you," sabi ni Treavor pagkaupo at nilaklak agad ang whiskey sa harap nito. "Who?" tanong ni Zeus. "Ang mangkukulam na 'yun. Ang kapal ng mukha na gayumahin ako tapos sayo rin pala magkakagusto, that's B-sht!" galit na sabi nito at mariing tumingin sa kaibigan, "That woman is dangerous. I didn't know what ritual was done and I always thought of her even when I was at work! I can't believe this"" "Lesley said that she likes me?" Manghang tanong ni Zeus na may ngiting mapang-asar kay Treavor. "Theif," sabi ni Treavor bago tumayo at iniwan ang mga kaibigan na natatawa sa reaction nito. "Natamaan na nga, ayaw pa kasing umamin." sabi ni Andrei. "Hindi ko naman masisi si Treavor. Even I was stunned when I saw her," sagot naman ni Lance. "Ako din, Dude. 'Yung ngiti niya ang amo. Partida wala pa ni kahit anong nilagay sa mukha nun. Kahit lipstick nga wala," sabi ni Andrei. "Ikaw Zeus, nagandahan ka ba kay Lesley?" "She's pretty, smart, and naive." Puro puri ang tatlo kay Lesley. Habang si Treavor naman ay dumeretcho sa hospital. "Good evening, Dr. Cross." bati ng dalawang nurse ngunit hindi sila pinansin ni Treavor. "Ang gwapo talaga ni Dr. Treavor, sayang nga at nilipat ako ng department. Isa sana ako sa mag- aassist sa kanya," bulong ng isang nurse. "Kaya nga, kung hindi lang ako nurse dito inakit ko na talaga siya. Nabalitaan ko kasi babaero si Doctor pero ayaw niya ng mga babaeng  katrabaho dito sa hospital," sabi ng isang nurse. Alam ng lahat na hindi santo at hindi mabait ang isang Treavor Cross. Matinik sa babae, at iba iba ang kahalikan nito lagi pag nasa club. Hindi rin uso dito ang pakikipagrelasyon, tikiman lang ang hanap nito. Gayun pa man, marami pa ring may gusto rito lalo na ang mga nurse. Magandang lalaki, may magandang pangangatawan, mayaman at matalino.  "Are you drunk, Dr. Cross?" tanong ni Dr. Samson ng makasalubong niya si Treavor. "No," tipid na sagot ni Treavor at lalagpasan na sana si Dr. Samson ng harangin pa rin siya nito. " Do you need anything from me, Dr. Samson?" Doctor Raul Samson ang may galit na nararamdaman kay Treavor dahil sa kayabangan nito. Isa ring kinagagalit ni Dr. Samson ay isa ang anak nito sa napaiyak ng isang Dr. Treavor Cross. "I just want to remind you that you are not allowed to enter here drunk. You are a Doctor, you know the prohibitions here." sabi ni Dr. Samson. Isang ngisi ang lumabas sa labi ni Treavor bago tinignan ang matandang Doctor. "Lagi kang nakabantay sa galaw ko, Dr. Samson. Hinay hinay lang kasi kunti na lang iisipin kong may gusto ka sa akin," nakangising sabi nito. "Basto-" "Kaya ko hiniwalayan ang anak mo. Pag hinahalikan ko siya, mukha mo ang nakikita ko. Gross," maanghang na sabi ni Treavor bago nilagpasan ang Dr. "Mapapaalis din kita sa hospital na ito," bulong ni Dr. Samson bago umalis. Pagkapasok ni Treavor sa kanyang opisina ay agad niyang tinawagan si Lesley ng makita nitong madaming missed calls ang dalaga. "Why are you calling?" tanong na pambungad niya. "Ah Sir-" "Call me, Treavor. What is it?" nakapikit na sabi ni Treavor. "Ah-ano- gusto po ni Lola Encarnasion na puntahan ka at kaninang umaga niya po sinasabi sa akin na tawagan ka, kaya po tumawag ako." "Okay, hintayin niyo ako susunduin ko-" "Tinawagan ko na po si Kuya Zeus. Papunta na po sila rito kasama si Andrei at Lance." kinakabahang sabi ni Lesley. Ingat siya sa kanyang pananalita dahil halata sa boses ng doctor na wala pa rin ito sa mood, galit pa rin. "The He<k! Bakit sa kanya pa?" Galit na sigaw ni Treavor at agad pinatay at tawag. Agad niyang tinawagan si Zeus. " Zeus!" "I'm driving, Treavor. I'll call you ba-" "Don't push my limit, Zeus. Ako ang susundo sa kanila," nagtitimping sabi ni Treavor sa kaibigan.  " You're drunk. Hindi ka pwedeng bumyahe ng malayo, baka madisgrasya pa ka-" "You bet," matigas na sabi ni Treavor at agad umuwi sa bahay niya para kunin ang Ducati Desmosedici D16 NCR M16, isa sa pinaka mahal na motor. Natatawa naman ang tatlong magkakaibigan na nakasakay sa VAn ni Zeus ng binaba ni Treavor ang tawag. Agad itong kinuha ang sasakyan ng sinabi ni Lesley na magpapasundo sila. " Hahaha, ayaw pa kasing umamin. Walang uuwi, tuloy tayo sa Pangasinan. Ayoko pang umuwi sa bahay, pipilitin na naman akong mgpakasal ni mommy." sabi ni Lance. "Buti sana kung kasing anghel ng mukha ni Lesley ang mga nirereto niya sa akin. Handa akong magpakasal sa mangkukulam. hahahaha." "Ul0lz ka, Bro. Ang ganda kaya nung isang nireto sayo, ang alam ko isa siyang model. Ang hot," sabat ni Andrei. "Oo, ang hot sa pula ng labi. Tapos napaka pabebe pa." sagot ni Lance. Hindi umuwi ang tatlo at napagdesisyunan na pumunta kina Lesley. "Ay, putcha men. Di ba motor ni Treavor yun?" sabi ni Lance na tinuro ang isang Ducati motor na mabilis nag overtake sa kanila. "Si Treavor nga, haha. Kakailanganin niya tayo, paano niya isasakay si Lola Encarnacion at Lesley sa motor. HIndi nag-iisip," panunuyang sabi ni Zeus. "NAkakabubo ang pagmamahal. Kaya ayokong magmahal eh." sagot ni LAnce at nagtawanan pa sila. Alas dos ng madaling araw nakarating ang magkakaibigan sa Pangasinan. Nadatnan nila si Lesley na naglilinis. "Nasaan si Treavor? Bakit gising ka pa?" tanong ni Zeus. Habang si Lance at Andrei naman ay agad naka idlip agad sa sofa. "Nasa kwarto na kuya. Nililinisan ko lang ito, nagsuka kasi siya. TApos nagbasag din siya pagdating niya, galit kasi siya sa akin." naiiyak na sumbong ni Lesley habang nag momop. Tumayo si Zeus at nilapitan si Lesley.  "Wag mong pansinin ang pinagsasabi niya, sigurado ako na hindi niya sinasadya ang mga bagay na 'yun." pang aalo ni Zeus. "Sabi niya wag daw kitang landiin, di naman eh. May asawa ka na tapos kuya kuya lang ang tingin ko sayo," paliwanang ni Lesley na ikitatawa naman ni Zeus. "Ang inosente mo, nakakagigil ka! haha." natatawang sabi ni Zeus rito "Kuya naman, eh. Seryoso kaya ako, hindi ko din naman alam kung paano lumandi. Tapos ang tanda ko pa manamit, paano ako mang-aakit? Tapos sayo pa daw, ang gwapo mo kaya." Ginulo ni Zeus ang buhok ni Lesley. "Kuya, wag ang buhok ko." mahinang sabi ni Lesley. "Maganda ka, Lesley. Hindi mo na kailangang mang-akit para magustuhan ka ng lalaki. Wala ka pang ginagawa, mahuhulog na sila. " sabi nito at tumalikod. "Ibig mong sabihin may gusto kasa akin, kuya?" inosenteng tanong ni Lesley na ikinatawa ni Zeus. "I have a wife, little sis. " sabi nito bago tuluyang pumasok sa kwarto kung saan naroon ang mga kaibigan. PAgkatapos maglinis ni Lesley ay pumasok na siya sa kwarto ni Lola Encarnacion. Akala ni Lesley tulog na ang matanda pero gising pa pala ito. "Bakit gising ka pa, Lola?" tanong ni Lesley at tumabi sa kama. "Hindi po kayo makatulog?" "Nagising ako sa sigaw ng apo ko. Nagbasag pa siya,  may alitan ba kayo?" tanong ni Lola Encarnacion. "Pasensya na po, Lola. Ayaw niya po atang lumalapit ako sa mga kaibigan niya, kaya nagalit siya akin." Hinawakan ni Lola Encarnasion ang kamay ni Lesley. "Hindi sa sinisiraan ko ang Apo ko sayo, Iha. Hangga't maari, ikaw na sana ang lumayo sa kanya. Protektahan mo ang puso mo. Ayokong umiyak ka sa huli ng dahil lang sa Apo ko," payo nito kay Lesley. "Ano pong ibig niyong sabihin Lola?" "Hindi nararapat ang apo ko sayo. Marami ka ng pinagdaanang hirap, ayokong dagdagan ng apo ko iyun. Hangga't maari, wag kang bibigay sa kanya. Kasi pagbumigay ka, wala na tayong magagawa kundi sumugal. Tulog na tayo," sabi ni Lola Encarasion bago matulog. Pala isipan naman kay Lesley ang mga sinabi ni Zeus at Lola Encarnasion sa kanya. Kinabukasan ay lumuwas silang lahat papuntang MAnila. Wala sanang balak sumama ni Lesley pero pinilit siya ni Treavor. Sa pananatili ni Lesley sa bahay ni Treavor, nagtataka siya sa pinapakita nitong kabaitan. Sinasama siya nito sa mall para mamili. Lagi rin siya nitong kinakausap, parang nawala ang galit na nakita niya nung pumunta ito sa Probinsya. Minsan ay sinama siya nito sa Hospital. Nagkaroon ng emergency kaya naiwan siya sa office nito. TAhimik lang na naghihintay si Lesley sa pagbalik ni Zeus ng may pumasok na babae. "Magandang umaga po," bati ni Lesley sa bagong dating na babae. Umirap ang babae at umupo sa harap ni Lesley. Pinakatitigan ng babae si Lesley bago siya nito irapan.  "Who are you? Where is Dr. Treavor?" tanong ng babae. Hindi sumagot si Lesley at nakatingin lang sa babaeng sexy ang pananamit at maganda rin. "Are you deaf? o hindi mo ako naiintindihan? sabi ko kung nasaan si Treavor at kung sino ka? Isa ka ba sa pasyente niyang umaarteng may sakit para maakit ang boyfriend ko?" Nagulat si Lesley sa narinig, "Boy friend? Iniibig mo po si Sir Treavor?" "Yeah, so back off. Iba na lang ang landiin mo dahil iba ako magalit. Lalo na sa mga babaeng lumalandi sa boy friend ko," maanghang na sabi ng babae. "Sorry po. Ah- ano. Katulong po ako ng Lola niya," nauutal na sabi ni Lesley. Tamang tama naman ang pagbukas ng pinyo at niluwa nuon si Treavor. "Rachel? What are you doing here?" gulat na sabi ni Treavor sa babae.  Hindi naman inaasahan ni Lesley ang paglapit ng babae at agad nitong sinunggaban ng halik sa labi si Treavor. "I missed you, babe. I missed your touch and your pet down there."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD