Lesley's point of view
Agad kong tinakpan ang mata ko ng makita ko kung paano humalik ang babae kay Treavor. Ayokong makita ang gagawin nila.
"Sh!t, Rachel. Get off me!" rinig kong sabi ni Treavor.
"Come on, babe. I know you missed my body, my tongue around your pet-" sabi ng babae na tinawag ni Treavor na Rachel.
"Gracious, Rachel. Stop it!" galit na sigaw ni Treavor. Base sa tono ng boses nito.
Ano ba kasi 'yang pet na sinasabi niya. Wala naman akong alam na may alaga si Treavor. Kahit sa bahay niya wala siyang aso o pusa. Ang bilis pang mag-english hindi ko tuloy maintindihan ang iba na sinasabi nito.
"Darn, stop kissing me!"
Naghahalikan pa rin sila? Wala namang masama kasi magsing irog sila. Pero bakit siya mabait sa akin kung may girlfriend na pala siya?
Haitz, Lesley. Mabait lang siya dahil ikaw ang nag aalaga sa Lola niya. Tata-n-g-a-tan-g-a ka kasi at binibigyan mo ng malisya ang pinapakita niya_sabi ko sa sarili ko.
"Your place or my place?- or we can do it here," rinig kong sabi ng babae.
"Shut up, Rachel!" rinig kong galit na sabi ni Treavor. Kasabay nun ay may kamay na nagtanggal sa kamay kong nakatakip sa mata ko. Bumungad sa akin si Treavor na nakatingin sa akin ng matiim.
Nilagay niya ako sa likod niya bago hinarap ang babae.
" Go away, Rachel. Una pa lang alam mo na kung ano ang ginagawa ko sa mga babae," sabi ni Treavor.
"I know, Babe."
"Then why are you here?" tanong ni Treavor.
Ayaw kong marinig ang pinag-uusapan nila kaya tinanggal ko ang kamay ni Treavor na nakahawak sa kin.
"Mawalang galang na po, sa labas na lang ako maghihintay." sabi ko at agad na lumabas. HIndi ko na hinintay ang sagot ni Treavor.
Pagkalabas ko ay tinawagan ko si Kuya Zeus.
"Kuya may ginagawa ka ba?" tanong ko.
"Papunta ako sa bahay namin ng asawa ko. Why? " sagot nito sa akin.
"Kuya sasama na lang ako pwede? Nasa hospital kasi ako, sinama ako ni Treavor pero dumating yung girlfriend niya. Nag-aaway ata sila," sabi ko.
"Girlfriend? Jade?"
"Rachel ang pangalan Kuya," sabi ko.
"Haha, yeah Rachel. Hintayin mo na lang ako sa labas ng hospital, dadaanan kita."
Agad naman akong pumunta sa harap ng hospital para hintayin si Kuya Zeus. Hindi na nga din naka labas si Treavor sa opisina niya eh. Umupo ako sa gilid at hinintay si kuya Zeus.
" Excuse me, Miss. "
Nag angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. Hanla ang gwapo at ang kinis ng mukha.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang likod ng pants ko.
"Bakit po?" tanong ko rito. Hindi ko mapigilang mapatingin rito sa mukha nito. Siguro ay kaedad ko lang siya.
"May hinihintay ka ba rito o pasyente sa loob?" tanong nito.
"Hinihintay ko lang po si kuya Zeus ko," sagot ko rito.
"Ah, haha. Akala ko kasi may problema ka o nawawala ka base sa itsura mo kanina. Ako nga pala si Teejay," pakilala nito.
"Lesley po, una na rin ako nandyan na ng sundo k." paalam ko, aalis na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo o makuha ang numero mo magandang binibini?" sabi nito kaya natawa ako. "Ayun tumawa ka rin, mas maganda ka pag nakangiti."
Namula naman ako sa sinabi nito, naramdaman ko na lang na may umakbay sa kin. Pagtingin ko, nakita ko si Kuya Zeus na nakatingin kay Teejay.
"Anong kailangan mo sa little sis ko," mangas na sabi kuya Zeus kaya napakamot sa ulo si Teejay. Ang cute niya magkamot.
"Makikipagkilala lang sana ako sa kapatid mo Kuya. Ang ganda kasi," nahihiyang sabi nito.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ni kuya Zeus.
"22 po," sabi ni Teejay na nakatingin sa akin.
"Look at me, stop looking at my sister like you want to kiss her in front of me." sabi ni Kuya kaya napaharap sa kanya si Teejay. "Are you working?"
"Graduating po ako-"
"Bigay mo na ang number mo, Lesley. Mas maganda ang magkaroon ka ng ibang kaibigan." sabi nito sa akin kaya binigay ko agad ang number ko kay Teejay. Sinabi nitong tatawagan na lang daw niya ako, natawa pa ako ng binantaan siya ni Kuya Zeus.
" Nasaan ba si Treavor? Bakit hinayaan ka niyang mag-isa?"
"Kausap niya pa ang girlfriend niya. Umalis na ako dahil nag-aaway na sila."
"Hindi ka pwedeng iwan mag-isa dahil pansinin talaga ang ganda mo," sabi nito. Nag-usap pa kami ni Kuya Zeus habang nasa byahe. Tumawag din si Treavor at tinatanong kong nasaan na ako. Si kuya Zeus na ang kumausap rito. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila dahil puro tawa lang si Kuya Zeus.
Nakarating kami sa isang bahay. Sinalubong ami ng iang babae na sa tingin ko ay mas bata pa sa kin.
"Kainis ka talaga! bakit ngayon ka lang? Kahapon pa kita hinihintay," sabi ng babae na agad yumakap kay Zeus.
Nakita ko ang pagtanggal ni Kuya Zeus ng kamay ng babae.
"I told you to-"
"Hindi nga kasi ako pwedeng lumayo, pag nakikita kasi kita parang may magnet ang katawan nating dalawa. Napapadikit talga ako kahit ako," biro nito kaya natawa ako. Duon ako napansin ng babae at tinignan ako nito pataas pababa.
"Magandang umaga, ako pala si Lesley. Pasensya na at napasama ako kay Kuya Zeus pag punta rito," nakangiting sabi ko.
"Kuya Zeus? wala naman akong kilalang kapatid na babae ng asawa ko," taas kilay na sabi nito. "Isa ka ba sa mga babaeng may gusto sa asawa ko?"
Sunod sunod na iling ang ginaa ko rito.
"Stop interrogating my visitor, Hanna." malamig na sabi ni Kuya Zeus at pumasok na sa lob ng bahay.
"Kainis naman ng asawa ko walang kasweet sweet sa katawan." nakapout nitong sabi kaya natawa ako. Humarap ito sa akin at pinakatitigang mabuti. "Wala ka talagang gusto sa asawa ko??"
"Wala, magkaibigan lang kami. Hindi ko siya gusto," sagot ko. Ngumiti naman ito at humawak sa kamay ko.
"Good, naniniwala na ako. Ngayon lang may isinama sa bahay si Zeus. Magkaibigan na rin tayo huh, dalawin mo ako lagi." sabi nito.
Sa pagbabantay ko sa dalawa napansin ko kung paano pakitunguhan ni Kuya Zeus ang asawa nito. Lagi itong galit at hindi man lang nginingitian si Hanna.
Nagkausap din kami ni Hanna. Tinanong ko siya kung paano niya naging asawa si Kuya Zeus, ang sagot nito ay biglaan lang ang lahat.
Maggagabi na ng ihatid ako ni Kuya Zeus sa bahay ni Treavor.
Matutulog na sana ako ng pumasok si Treavor sa kwarto kong saan ako natutulog.
"May kailangan ka po?"
"Sasabihin ko lang na hindi ko girlfriend si Rachel," sabi nito at umupo sa upuan sa tabi ng kama.
"Ah hindi ko naman po tinatanong k-"
"Gusto kita kaya ayokong isipin mo na may girlfriend ako."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Gus-gusto mo ako??" ulit na tanong ko.
"Yeah, I like you. Alam ko na si Zeus ang gusto mo, pero wala akong paki. Kung kailangang ligawan kita para magustuhan mo ako-gagawin ko!" sabi nito at agad lumabas ng kwarto.
Gusto niya ako?
Gusto ko raw si Kuya Zeus?
Liligawan niya ako? Bakit?
Sir Treavor, ano itong nararamdaman ko. Bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Ano itong nararamdaman ko?
Sinusubukan kung makatulog pero mukha ni Treavor ang nakikita ko pagpikit ko.
Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog kaya tinawagan ko si Hanna. Sabi naman niya sa akin ay pwede ko siyang tawagan kahit anong oras.
"Kung sino ka mang baliw-"
"Hanna si Lesley 'to," mahinang sabi ko.
"Oh, Lesley. Anong demonyo ang sumanib sayo at bakit nanggigising ka sa madaling araw," sabi nito.
"Pasensya na sa abala bu-"
"Dyan ka nakatira kay Kuya Treavor di ba? Pupuntahan kita hindi na rin ako makakatulog, gimme 25 minutes." She said.
Agad naman siyang nakarating at dinala niya ako sa isang 24/7 na kainan.
"Kakakilala lang natin kanina tapos ngayon kasama na kita. I like it, friend na talaga tayo. Anong problema?" tanong nito.
Hindi na ako nahiyang magkwento kaya sinabi ko sa kanya ang kalagayan ko. Sinabi ko rin sa kanya yung sinabi ni Treavor sa akin na gusto niya ako. Alam kong hindi ko na dapat sinasabi sa iba ang bagay na yun, pero kailangan ko ng ibang tao kung ano ang tingin sa sinabi ni Treavor sa akin.
Nagtaka naman ako ng hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.
"Narinig mo ba ako?" tanong ko kay Hanna.
"Hahaha, nakakatawa ka Lesley. Mas matanda ka sa akin pero napa ka naive mo," sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
Pinunasan muna nito ang labi bago ako tinignan.
"Naive, yung inosente sa mga bagay bagay in tagalog walang muwang. Alam mo kasi Lesley, ang daming matatamis na salita ang maririnig mo sa mga lalaki rito sa Manila at hindi lahat ng yun totoo. Si kuya Treavor? haha, sa isang linggo pustahan tayo hindi lang ikaw ang sinabihan niyang gusto niya. hindi ko siya sinisiraan huh."
"Nagsisinungaling lang siya ng sinabi niyang gusto niya ako?" tanong ko rito.
"Hindi naman. Pwedeng totoo na gusto ka niya, pero lahat ata ng babae na maganda gusto nun. HAha, sa kanilang magkakaibigan si Andrei at Kuya Treavor ang mahilig sa babae. Hmmm, hindi pala mahilig, matinik sa babae. Si lance ay sakto lang sa pambababae habang ang asawa ko naman ang pinak matino sa kanila."
"Ahhh," wala akong maisagot kaya tumango na lang ako.
Nasaktan ako sa narinig ko mula kay Hanna. Masyado akong umasa sa sinabi ni Treavor na gusto niya ako.
"MAy gusto ka na kay Kuya Treavor nuh," nakangiting sabi ni Hanna.
"Hindi-"
"Bumibilis ba ang t***k ng puso mo pag nakikita mo siya? Iniisip mo ba siya lagi? NApapatitig ka na lang ba sa kanya na hindi mo namamalayan?"
"Oo," pag-amin ko.
"Haitz, mahirap yan. Baka maging pareho tayo ng sitwasyon. Pero sige, go with the flow lang. Pero wag mong isusugal ng buo ang puso mo huh, wag kang papayag na masama sa mga babaeng napaiyak niya."
Pagkatapos namin mag-usap ni Hanna ay hinatid niya na ako pag-uwi. Sa mga kwento niya masasabi kong babaero si Treavor.
Pero bakit gusto ko pa ring subukan kahit alam kung dilikado.
Unti-unti na ba akong nahuhulog sa kay Doctor Treavor?