Otso

1739 Words
Lesley's point of view Pagkagising ko ay nakita kong alas nueve na kaya agad kong inayos ang sarili ko bago bumaba. Iang maluwag na puting t-shirt at maluwag din na short na hanggang sa tuhod ko. Nadatnan ko sa kusina si Treavor na may ginagawa sa kanyang laptop. Ang gandang lalaki talaga ng apo ni Lola Encarnasion. "Magandang umaga po," tawag pansin ko rito. Agad naman itong napatingin sa akin na may nakahanda ng ngiti sa labi nito Simula ng sinabi nitong may gusto ito sa akin, naiilang na ako sa bawat titig niya. Hindi ko din maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil sinabi nitong gusto niya ako pero natatakot din ako dahil alam kong hindi iyun totoo. Tulad na din ng sinabi ni Hanna sa akin na si Treavor ay malabong magseryoso sa isang tulad ko. "Good morning, Lesley. Tara kumain ka na, ang ganda mo sa umaga. Hindi nakakasawang titigan ang mukha mo," sabi nito sa akin at inalalayan akong umupo. Ngumiti lang ako at agad na umupo. Agad naman nitong nilagyan ng pagkain ang plato ko. "Kumain kang mabuti, ako ang nagluto niyan." sabi ni Treavor kaya napatingin ako sa sunog na itlog at hotdog, " nasobrahan naman kasi ng luto. Kung ayaw mo pwede naman tayong magpaluto kay manang ng-" "Okay lang, maraming salamat sa pagluto. Sana ginising mo na lang ako nakakahiya kasing ikaw pa ang nagluto eh bisita ka ni Lola." sabi ko rito ang inumpisahan ng kumain. "Just want to impress you," sabi nito kaya ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang salitang impress. Alam ko ang mga madaling Englis o tamang sabihin na yung madadali lang ang alam ko. Nahihirapan na ako sa mga ganung salita lalo pag kinakausap na ako nito ng tuloy tuloy na englis kaya sinabi ko rito kahapon na unti lang ang alam ko sa englis kaya kung maaari magtagalog na lang. Hindi niya lang siguro matanggal ang pananalita nito ng englis.. Lihim akong napangiti ng matikman ko ang sunog na niluto nito. Halatang walang alam sa kusina. Ang cute niya sigurong magluto. "Why are you smiling?" nagtatakang tanong nito. "Nilagyan mo ba ng asin ang itlog?" tanong ko dahil walang lasa ang itlog... lasang sunog pala. "Salt? nilalagyan ba ng asin? sorry, hindi ko alam." nahihiyang sabi nito. Sinabi ko naman rito na okay lang. Hindi ko din naman masisi, nakwento kasi ni Lola Encarnasion sa akin na si Treavor daw ay lumaking nakukuha ang gusto. Ang hindi lang matanggap ng magulang nito ay ang pagdo-doctor nito. Kaya si Lola ang sumuporta sa apo. "Ah, nasaan si Lola Encarnasion? Pasensya na nahuli ako ng gising, hindi kasi ako nagising sa alarm na sinet ko. Kumain na si Lola?" tanong ko. "Sinundo siya rito nila Papa kanina, iuuwi ko na kayo sa friday. Magiging busy ako sa hospital hindi ko kaya mahaharap, pero wag kang mag-alala lagi kitang dadalawin-" "Si Lola ang dalawin mo, wala naman akong sakit para ako ang dalawin mo." biro ko kaya napatingin ito sa akin. "Mas maganda ka pag nakangiti ka," sabi nito. Tulad nga ng sabi ni Hanna, si Treavor ay bolero. May matatamis na salita na nagpapahulog sa mga babae. "Naiilang ka ba sa kin? Dahil ba sa sinabi ko?" Hindi lang ako makapaniwala dahil may maamo siyang mukha, at mabait rin siyang apo ni Lola. "Sir- Ah Treavor pala. Y-yung sinabi mo sa akin kagabi-" "I'm serious, Lesley. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainum mo sa kin basta ang alam ko araw araw mas tumitindi ang pagkagusto ko sayo," seryosong sabi nito habang hawak ang kamay ko. Mababakas sa mukha nito ang pagiging seryoso. "Ilang babae na ang nasabihan mo niyan?" tanong ko. Kumunot naman ang noo nito sa narinig. "What do you mean by that?" nagtatakang tanong nito. Hindi ako sumagot at binawi ang kamay kong hawak nito. "Lesley, may sinabi ba sayo si Zeus tungkol sa akin?" tanong nito na iba na ang timpla ng mukha. "Wala, natanong ko lang sayo. Tsaka iniisip ko lang paano mo ako nagustuhan. Ang layo layo ng itsura ko duon sa babaeng kausap mo kahapon. Ang ganda ganda nun, mukhang mayaman at halata ring may pinag-aralan. Walang wala ako kumpara sa kanya kaya bakit mo ako magugustuhan," sabi ko. Nang makita ko ang babaeng nagpakilalang Rachel kahapon, nanliit ako sa sarili ko. Sa suotan pa lang ng babae alam na ang pagkakaiba naming dalawa. Nakaramdam ako ng inggit dahil alam ko sa sarili ko na ganuon ang babaeng magugustuhan ng mga lalaking katulad ni Treavor na isang Doctor.  Sino ba naman ako na isang hamak na probinsyana lang. "Mahirap bang paniwalaan na magugustuhan kita?" seryosong tanong niya sa kin. "Kumpara sa mga babaeng taga rito sa Ma-" "Maganda ka-" "Mas maganda siya," sagot ko. Biglang tumayo si Treavor at inis na ginulo nito ang buhok niya. Sumandal ito sa may kusina at inis natumingin sa kin. "Hindi mo ba napapansin kung paano tumingin ang mga kaibigan ko sayo? Lesley, mga babaero ang-" "Babaero ka rin ba?" tanong ko. Hindi siya nakasagot agad sa tanong ko. Alam ko naman ang sagot sa sarili kong tanong. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya kung ano ang isasagot niya sa akin. ayaw ko mang maniwala kay Hanna pero alam ko na totoo ang sinasabi nito. May ilang naintindihan rin akong sinabi ng Rachel na yun nung nag-uusap sila.  Dahan dahan siyang lumapit sa akin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.  "Dati, aminado ako. Pero kaya kong maging loyal pag hinayaan mo akong ligawan ka. Seryoso ako sayo Lesley, gusto kita. Ni minsan hindi ko naramdamn ang magkagusto ng ganito sa isang babae," sabi nito habang hinahaplos ang mukha ko. " Hindi sa kagaya mong manamit ako nagkakagusto, ayaw ko sa babaeng inosente, ayaw ko sa babaeng hindi kayang sabayan ang gusto ko sa kama, ayaw ko sa babaeng pakipot..." Agad ko siyang tinulak sa narinig ko. Hindi na rin ako komportable kung paano niya ako hawakan. "Ayaw mo pala pero- a- anong..." utal kong sabi ng hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa dibdib niya. "Kahit ako hindi ko ala kung bakit sobra ang pagkagusto ko sayo. Pero itong puso ko siguradong sayo lang tumibok ng ganito," sabi nito. "Pasensya na-" "Ayaw mo bang tanggapin kasi ang gusto mo ay si Zeus?" sabi nito. "Mas gusto mo ba na siya ang manligaw sayo?" "Hindi ko naman siya gusto-" "Then let me court you," nakangising sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lang ako. "Hayaan mo akong ligawan ka at ipakita na seryoso ako sayo." Ilang minuto siyang nakatingin sa akin ng bigla niya akong halikan. Gulat akong nakatingin sa kanya habang nakalapat ang labi niya sa kin. "Sweet and soft," bulong nito. "Treavor-" "I like you," bulong nito. Hinayaan ko siyang angkinin ulit ang labi ko pero agad ko rin siyang tinulak ng maramdaman ko ang kamay niya na pumapasok sa loob ng damit ko. "Kung gusto mo akong ligawan, hahayaan kita. Pero sana alam mo ang limitasyon mo. Alam kong inosente pa ako sa maraming bagay, pero sana irespeto mo ako. Hindi ako gaya ng mga babae na nakakasalamuha mo." Iniwan ko siya duon at dumeretcho sa kwarto ni Lola Encarnasion. Inayos ko ang mga gamit niya dahil uuwi na rin kami sa friday. Pagkatapos kong mag ayos sa kwarto ni Lola sinunod ko ang gamit ko. Hapon na ng matapos ako at maisipan kong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa sala sina Andrei at Lance. "Hello po," bati ko sa kanila. Humarap naman sila sa akin. Lumapit si Andrei at inakbayan ako. "Congrats, pero sure ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Andrei sa akin. Tumatawa namang nakatingin si Lance. "Huh? Ano pong sinasabi niyo?" "AHyiee, wag ka ng mahiya sa amin. Tumawag si Treavor sa amin para pumunta dito, magcecelebrate raw tayo." mukhang kinikilig na sabi ni Andrei. "Birthday  niya po?" naguguluhan pa ring tanong ko. "Haha, hindi niya birthday. Pinayagan mo na ba siyang ligawan ka?" tanong ni Lance kaya tumango ako. " Ibig sabihin may pag-asa siya sayo." "Gusto ko naman siya sa tingin ko po. Kasi pag lumalapit siya lumalakas ang t***k ng puso ko," sabi ko at umupo. Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya inangat ko ang tingin ko. " Bakit po?" tanong ko sa dalawa na nakatitig sa akin. "May gusto ka sa kanya?" tanong ni Lance. "Siguro po, hindi ko kasi alam. Ngayon ko lang naramdaman ito. Ilang linggo o buwan po ba dapat ang panliligaw? Dapat ba sagutin ko siya agad?" naguguluhang sabi ko sa kanila. "Seryoso ka?" "Kuya- ay Andrei po pala. Hindi ko pa naman po nasubukang ligawan ng lalaki. Hindi ko din po alam ang mga gagawin kong niligawan niya na ako," paliwanag ko. "Tang !na, naka-jackpot ang gag0. Sana all na lang," rinig kong sabi ni Andrei. "Swerte siya ang makaka-una sa babaeng gusto niya," sabi naman ni Lance. Ano kaya ang sinasabi nila. Bakit kailangang ibulong. Ang gulo naman nila. "Malas ni Lesley," rinig kong sabi mula sa likod ng inuupuan ko kaya napalingon agad ako. "Kuya Zeus," sabi ko at agad akong yumakap rito pagka-upo niya sa tabi ko. "Baby girl, kamusta ang pagtira sa bahay ni tigre?hahaha," tawang tanong nito sa akin. "Okay lang, Kuya. Pinagluto nga niya ako kanina," bulong ko kay Kuya Zeus, agad naman itong tumawa. Bago ako akbayan. "Tinamaan na nga siya sayo," bulong nito sa akin. "Hoy, Zeus. Dumistansya ka baka masuntok ka na ni Treavor pag nakita ka dyan. Tapos nakayakap pa sayo si Lesley!" "Tama si Lance. Dito ka na lang umupo sa tabi ko," sabi ni Andrei. Nagtataka naman akong tumingin sa tatlo. "Masama bang yumakap ako-" "Hindi naman masama Lesley, kung gusto mo yakapin mo rin- ARAY! ANONG PROBLEMA MO LANCE? MAKABATO KA NG UNAN WAGAS." "Mamaya sasabihan ko si Treavor na gusto mo ng yakap. Yakapin mo, huh!" Dumating si Treavor na may dalang mga alak at nakangiting lumapit sa min. PAgkababa nito ng mga dala ay tumabi ito sa kabila ko at humalik sa pisngi ko. "Moo, buti naisipan mo ng bumaba." nakangiting sabi nito. "Moo? Sino yun?" tanong ko. "HAhahahahaha, Moo daw. Baka MoMo, hahaha."sabi ni Andrei na walang pumansin. "Moo- My only one, ikaw ang nag-iisa para sa akin." bulong nito sa tainga ko kaya namula ako. Ito na ba yung panliligaw niya? Bakit kinikilig ako sa moo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD