Nueve

1785 Words
Lesley's point of view Nakatambay ako sa pwesto ni Tina sa may palengke. Hindi pa ako pwedeng umuwi dahil nanduon ang ilang kamag anak ni Lola. Sinabihan niya ako na wag munang umuwi dahil hindi daw kagandahan ang ugali na ilang kamag-anak nito. Sa una akala ko nagbibiro lang si Lola pero sinabihan din ako ni Treavor na umiwas muna. Kaya heto ako ngayon nakatambay sa pwesto ni Tina. iniisip ko na baka ayaw lang ni Lola na insultuhin ako ng mga bisita niya. "Paano nagkaroon ng kamag-anak na masama si Donya Encarnasion eh sobrang bait nun, pati yung apo niyang gwapo di ba mabait din?" sabi nito sabay tingin sa akin. "Sabagay ikaw nga ang bait mo, tapos yung mga kamag-anak mo mga kampon ng kadiliman. Mga demonyo na nagkatawang tao. Minsan kasi ang ugali inaayon sa ganda, yung Tita mo wala na ngang ganda ang pangit pa ng ugali." "Mabait naman sila-" "Hay naku, kung mabait sila bakit ginawa kang Cinderella? Base sa kwento mo mga animal sila, hay naku ako talaga ang nabbwesit pag naaalala ko ang kwento mo sa kin. Inalila ka na parang mga hindi kadugo," inis na sabi nito kaya natawa ako. "Pinapakain naman nila ako at pinatira sa bahay nila, para sa akin kabaitan na nila yun na dapat kong pasalamatan. Atsaka tapos naman na, hayaan mo na sila. Malayo na ako sa kanila, mahal pa rin naman ako ng Diyos at binigay ako kay Lola." sabi ko. "Ewan ko sayo, sobrang bait mo. Minsan talaga nakakainis ang mga taong mabait, lalo ka na. Pwede ka na ngang gawan ng rebulto sa kabaitan," sabi nito sa akin. "MA'AM, SARIWANG ISDA. 150 NA LANG ISANG KILO. " Hindi ko na lang siya sinagot dahil busy ito sa pagbebenta. "Pogi, bili ka na ng isda ko napaka-sariwa nito. Hindi ka magsisisi," sabi nito sa lalaki. Natawa naman ako ng hindi siya pinansin ng lalaki. "HOY, GAGs ka tyong. Ako ang tindera pero sa kaibigan ko ka lumapit." "Tinitignan ko lang kung talagang sariwa," sabi ng lalaki na nakatitig pa sa akin. "Sariwa nga." Nailang ako sa pagtitig nito. Nagulat ako ng buhusan ni Tina ng tubig ang lalaki. "TONTA KA, BOY. ANG MANYAK MO, ABA LAYAS. WAG ANG KAIBIGAN, BISUGO KA!! BUTI SANA KUNG KAMUKHA MO YUNG IDOL KO NA SI MIN YOONGI- IKAW MIN BISUGO, HAYP!" sigaw nito. Umalis naman ang lalaki at si Tina ay nakatingin sa akin."minsan talaga hindi ko alam kung maiinggit ako sayo o mapproud. Balot na balut ang katawan mo, ni wala kang nilalagay sa mukha mo. Pero litaw na litaw pa rin ang ganda mo. Aba, paanong maging ikaw? Sana all na lang talaga," tuloy tuloy na sabi ni Tina. "Maganda ka din naman-" "Wag mo na akong bolahin ui, may salamin kami sa bahay. Kaya siguro pinaranas ni Lord sayo yun para maging fair ang buhay. Bawing bawi naman sa ganda," puri pa nito sa akin. " Hanla dito ka, ikaw ang magbenta para maubos ang paninda ko. Ngumiti ka para naman pumasok ang swerte at maubos lahat ng benta ko. " Umupo ako sa pwesto niya at inalok ang mga dumadaan. Wala pang alas onse ay ubos na ang benta kaya masaya itong si Tina at nilibre ako sa kainan ng halo-halo. "Salamat talaga, Tisay. Ang bilis talaga ng paninda kung maubos pag ikaw ang nagbebenta. Matutuwa si Inang panigurado. Pag maganda talaga madaming bibili, anong ritwal mo at ganyan ka kaganda? kahit ibayad ko puri ko maging ganyan lang ako hahahahahah" biro nito. "Walang anuman, wala rin kasi akong magawa. Tsaka bayad ko na yun sa pagtambay ko sa pwesto mo," sabi ko na lang. "Alam mo, Tisay. Matagal ko na talagang gustong itanong sayo kung ampon ka," sabi nito kaya napaharap ako rito. "Sa pinakita mo kasing family picture sa akin, ang layo talaga ng itsura mo sa kanila. Wala ka talagang pagkakahawig sa kanila, baka iba ang magulang mo. Para kang may lahi, tapos ang puti mo." "Loko ka, Tina. Anak ako ng magulang ko," natatawang sagot ko. Tama rin naman si Tina. Nuon pa man alam ko ng iba ako sa kanila. Kahit naman ang mga kamag-anak ko lagi nilang pinaparinig sa akin ang pagkakaiba ko sa kanila. Hindi naman maputi sina Nanay at tatay , pati ang mga kamag-anak namin. Ako lang talaga, ewan ko ba bakit nangyari yun. Pagdating ng alas kwatro ay umuwi na ako. Nadatnan ko si Lola na nasa harden niya. "Hello po, Lola. wala na po ang mga bisita niyo?" tanong ko rito pagkatapos kung magmano. "Pinaalis ko na sila, pinapasakit nila ang ulo ko." sabi ni Lola sabay hawak sa ulo nito kaya agad ko siyang nilapitan at hawakan. "Ayos lang po ba kayo?" "Ayos lang ako. Pasensya na pala pag hindi kita pinakilala, mga matapobre kasi ang mga yun. Ewan ko ba kung bakit ganun sila, ang iksi lang ng buhay para gumawa ng masama. Madaming tao talaga ngayon ang nagbabago dahil sa pera, hindi nila alam na ang totoong kasiyahan ay wala sa pera. Ako pinili ko dito sa probinsya dahil napaka sariwa ng hangin at hindi toxic ang mga nakikita ko, miss ko nga lang ang paboritong apo ko. Minsan nga gusto kong hilingin sa kanya na kung pwede manatili siya rito ng medyo matagal, alam mo na matanda na ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ilalagi ko sa mundo." sabi nito sa akin. "Lola, malakas pa kayo. Sigurado akong matagal pa ang lalagiin niyo rito," sabi ko. "Hindi natin alam ang buhay, Lesley. HIndi natin alam kung hanggang kailan na lang ang ilalagi natin dito sa mundo.  Kaya ikaw Lesley pag-isipan mo ang offer ko sayo, gusto ko pag nawala na ako ay nasa maayos kang kalagayan. Ayoko ring maliitin ka ng kung sino sino dyan," sabi ni Lola. Ang offer na sinasabi ni Lola ay ang pag-aaral ko. Gusto niya akong pag-aralin pero tinanggihan ko ito, ayaw kong abusuhin ang kabaitan ni Lola sa akin. Gusto ko munang suklian ang pagkupkop siya sa akin, yun ay ang alagaan siya. Gusto kong mag-aral, gusto kong maging isang teacher. Hindi pa ngayon, pagttrabahuan ko pa. Hindi man ngayon pero sisiguraduhin kong matutupad ko yun. Malaki na ang naitulong sa akin ni Lola, at para sa pagbawi- aalagaan ko siya. Pagkatapos kong kausapin si Treavor sa cellphone ay pumasok si Lola sa kwarto na tinutulugan ko. "May kailangan po kayo Lola?" tanong ko. Hindi ako sinagot ni Lola at umupo sa tabi ko. Hinawakan nito ang aking kamay. "Bakit po?" "Nililigawan ka ba ng apo ko, Lesley?" Hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Lola. Nahihiya ako sa kanya baka kung anong isipan niya sa akin. "Hindi naman ako magagalit kung liligawan ka niya." "Pasensya na po Lola-" "Okay lang naman na magpaligaw ka sa Apo ko. Walang problema sa kin, nag aalala lang ako sayo. Nag-aalala ako na baka ang apo ko ang unang lalaking magpaiyak sayo. Babaero kasi ng apo kung yun, hindi ko alam kung seryoso siya ngayon o hindi." sabi ni Lola sa akin. "Sa tingin niyo po seryoso sa akin si Treavor?" tanong ko kay Lola. "Sa tingin ko seryoso siya, basta ang ipapayo ko lang sayo ingatan mo ang puso mo. Apo na rin kita at sa akin ka nakatira kaya gusto kong nasa maayos ka rin. Sundin mo ang puso mo, Apo." sabi ni Lola bago ako iwan sa kwarto. ------ "Magandang umaga po, Lola." masayang bati ko rito. Nagdidilig ako sa harden niya ng lumabas si Lola. "Maganda ata ang gising mo Apo." "Lagi naman po akong masaya, Lola. Ang ganda po ng mga bulaklak dito sa harden niyo Lola, namumulaklak na. Ang gandang tignan," sabi ko. Lumapit si Lola sa akin, " May iba sa iyo Apo. Para kang bulaklak na na namumulaklak at ang tingkad. Ang ganda mo, kaya hindi ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng Apo ako. Mabait ka pang bata, ang swerte niya sayo. " Akala ko magagalit si Lola sa akin pag nalaman niyang nililigawan ako ni Treavor. Nagkamali ako, mabait talaga si Lola at hindi siya matapobre katulad ng pinanuod sa akin  ni Tina. Na aapihin rin ako ng pamilya ng lalaking magugustuhan ko lalo pag mayaman ito. "TISAY, LUMABAS KA DYAN. HOY, LESLEY LUMABAS KA DYAN. MALANDI KA, LUMABAS KA." sigaw galing sa labas kaya agad kung binaba ang host na hawak ko. Nakita ko ang isang babae na galit na galit na nakatingin sa akin. "A-anong problema?" kinakabahang sabi ko dahil sa nakikita kong galit sa mata nito. "Inaka, buksan mo itong gate. Malandi ka!" galit na sigaw nito habang hawak ang gate. "H-hindi ko po alam ang sinasabi mo-" "KUNWARI KA PA! KUNWARI INOSENTE KA, KUNWARI PA VIRGIN KA EH ISA KA NAMANG MALANDI!! NILANDI MO ANG  BOYFRIEND KO!" sigaw nito kaya napayuko ako dahil sa pang-iinsulto nito sa akin at sa dami ng taong nakatingin. "Ano hindi ka magsasalita? kunwari mabait ka huh! Malandi ka, tisay. Ang -" "Sino ka para pagsalitaan si Lesley ng ganyan? Ang aga aga nanggugulo ka," sabi ni Lola Encarnasion na nasa likod ko na pala. "Donya Encarnasion hindi niyo po kilala ang babaeng yan, malandi siya. Inaakit-" "Pumasok ka at sa loob natin pag-usapan ang problema mo. Ayoko ng eskandalo," sabi ni Lola. Ngayon ko lang nakita si Lola na galit kaya mas natatakot ako. Pagdating namin sa loob, galit pa rin nakatingin sa akin ang babae. Sinabi nito kay Lola ang lahat.  "Totoo bang ba ang sinasabi niya, Lesley?" tanong ni Lola sa akin. "Bumili lang po yung lalaki ng isda sa pwesto ni Tina at ako ang nagbinta. Hindi ko po siya inakit o nilandi, Lola. Yang picture na po yan, sinabi niya lang sa akin na kung pwede magpicture kami. Wala pong ibig sabihin yan," sabi ko sabay turo sa picture na dala ng babae. Picture ko kasama ang lalaking boyfriend nito. "Pero-" "Kung ako sayo iha, umalis ka na kong ayaw mong ipadampot kita sa barangay dahil sa panggugulong ginawa mo kanina." sabi ni Lola sa babae. Agad naman umalis ang babae. "Lola pasensya na po-" "Lesley, alam ko namang mabait kang bata at hindi mo kayang tumanggi sa mga bagay na ganun. Pero sana matuto kang tumanggi sa mga lalaking magpapapicture sayo, baka ikapahamak mo yan." "Naiintindihan ko po, pasensya na po ulit." sabi ko. Kinagabihan kwenento ko kay Treavor ang nangyari at humingi rin ako ng pasensya rito dahil sa pang eeskandalo ng babae. Hindi pwedeng mastress si Lola kaya na g-guilty talaga ako. "Okay ka lang ba? HIndi ka naman sinaktan ng babaeng yun? " sabi nito sa kabilang linya. "Hindi naman-" "Uuwi ako bukas, magbabakasyon ako dyan ng dalawang linggo. See you tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD