Lesley's point of view Narito kami ni Hanna sa national books store para bumili ng kakailanganin pag tuturuan niya raw ako. Nagpasya kasi ito na tutulungan niya ako na mag-review para makapasa sa ALS. Ang aga pa lang ay nasa bahay na siya ag inaya agad ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mosh dahil hindi ko na siya nadatnan paggising ko. Duty niya na sa hospital. "Madali lang naman ang exam sa ALS sabi ni Attorney, kakayanin mo 'yun sigurado ako. Hmm, here some english books bongga lahat na talaga ngayon mabibili. Tagalog books for high school, math books at Science. Sa major subject muna tayo mag-focus," nagsasalitang sabi nito habang namimili ng mga libro. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya mula kanina. "Paano kung bumagsak ako?" Mahinang tanong ko. "Papasa ka, ano ka ba! Tiwala l

