Veinteotso

1810 Words

Lesley's point of view Nagpadala ako ng mensahe rito. _Mosh, Nasaan ka na? _Anong oras ka uuwi? _Dito ka ba kakain? Alas nueve na ng gabi wala pa rin si Treavor. Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero walang sumasagot. Kaya pinadalhan ko na lang ng mensahe. Lumipas ang dalawang oras na wala pa rin siyang reply sa mensahe ko kaya kumain na lang ako at natulog. Busy lang ito siguro sa hospital. Nagising ako ng may yumakap sa akin. "I'm sorry, Moo. Sobrang busy sa hospital. Hindi ko nakita ang tawag at text mo sa phone ko," bulong nito sa akin. Hinarap ko siya. "Okay lang, kumain ka na?" Tanong ko. "Hindi pa," sagot nito kaya inaya ko siya sa kusina. Pinainit ko ang mga niluto ko kanina. Pagkalapag ko ng pagkain sa harap niya ay nagpasalamat ito at tumitig pa sa akin. "Hindi ka b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD