Chapter 5

2163 Words
Excited ulit si Lorabelle nang mag-uwian na sa university dahil susunduin na siya ni Alejandro. Paglabas niya sa gate ay wala pa ito kaya't nanatili na lang siya roon para hindi na sila magkasalisi. Hindi pa nga pala niya alam ang cellphone number ng asawa. "Hi, Lora! Puwede bang sumabay?" tanong ni Clarence na nasa likod niya. "M'-may sundo kasi ako," sagot niya na hindi niya alam kung paano sasabihin na si Alejandro iyon at mag-asawa na sila. Hindi niya alam kung hanggang saan umabot ang balita sa hacienda na ikinasal sila. "Sayang naman. Yayayain pa naman sana kitang magmeryenda muna," dagdag nito. "Salamat na lang. Mauna ka na, baka maya maya pa ang sundo ko," pagtataboy niya para umalis na ito. "Halos madilim na ah, wala kang kasamang maghihintay dito, samahan na lang kita." "Huwag na, okay lang ako," pagpupumilit niya. Pero hindi niya napilit na umalis ang kaibigan. Ilang sandali lang ay natatanaw niya na ang paparating na kotse ni Alejandro habang kausap niya si Clarence. "Si Sir Alejandro ang sundo mo?" Bago pa siya makasagot ay huminto na ang kotse sa harap niya. Binuksan ni Alejandro ang salamin ng kotse at kinausap si Clarence imbes na siya. "Pauwi ka na rin ba, Clarence?" "Opo, Sir Alejandro," sagot nito sabay kamot sa ulo. "Si Lora ho pala ang susunduin niyo. Sinamahan kong maghintay kasi gabi na ho eh." "Sumabay ka na," utos nito bago hinintay silang makasakay. Sa harap siya umupo habang si Clarence ay sa backseat. "Pumapasok ka pa pala?" tanong ni Alejandro kay Clarence habang nasa daan sila. "May ilang units pa ho akong naiwan. Sayang ho eh. Para makatapos din ng pag-aaral kahit paano." Nag-usap pa ang dalawa tungkol sa mga pananim pero hindi na siya nagsalita. Hanggang sa makarating sa mansyon ay walang namutawi sa bibig niya dahil hindi naman siya kinausap ni Alejandro. "Salamat," tipid niyang wika kay Clarence nang makababa sila sa sasakyan. "Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Marahan siyang umiling. Alam nito na nagtatrabaho siya sa hacienda. At base sa mga tanong nito ay wala itong alam na ikinasal sila ni Alejandro. "Sige, mauuna na 'ko," wika nito sa kanya bago bumaling sa asawa niya. "Salamat ho ulit, Sir Alejandro." Isang tango lang ang isinagot ni Alejandro na kaagad nang pumasok sa kabahayan. Nagmadali naman siyang umakyat sa silid para makapagbihis. Nang tawagin siya para maghapunan ng katulong ay mag-isa siyang kumain sa komedor. Ang sabi ni Tonet at Cecil ay may pinuntahan daw ang mag-anak. Sila lang ni Alejandro ang nasa mansyon dahil tumanggi itong sumama. "Magdadala ka ng pagkain sa silid mo?" takang tanong ni Tonet nang maglagay siya ng pagkain sa tray. "Dadalhan ko si Sir... si Alejandro ng pagkain sa opisina niya. Baka marami pang ginagawa," sagot niya. "Matanda na 'yon, wag mo nang pagsilbihan," wika ng katulong. "Hay naku, hayaan mo na 'yan dahil nagpapaka-wifey duties," sabat naman ni Cecil. "Sige na, dalhan mo ng pagkain nang umayos na ng trato sa 'yo." Gusto man niyang ipagtanggol si Alejandro ay minabuti niyang huwag na lang. Gugulatin niya na lang ang mga tao roon na isang araw ay maayos na ang pagsasama nila. Kumatok siya sa opisina nito na mabilis naman nitong binuksan. Nagulat ito nang makitang may dala siyang pagkain. "Did I request that food?" nakakunot ang noo nitong tanong. "N-naisip ko lang kasi... baka nagugutom ka na..." "Oh, please... I don't want to be disturbed when I'm working. Hindi ka na dapat nag-abala, kakain ako kung kailan ko gustong kumain. Don't do this again.". "I-I'm sorry..." paghingi niya ng paumanhin bago mabilis na tumalikod dahil sa pagkapahiya. Umakyat siya sa silid at gumawa ng assignments. Nang matapos ay naglinis siya sa silid dahil hindi pa siya inaantok. Ilang araw na siya sa mansyon pero hindi pa rin masanay ang sarili niya na matulog nang maaga. Sa kawalan ng gagawin ay binuksan niya ang drawer para ayusin sana ang gamit ng asawa pero wala nang laman ang ilan doon. Kagabi lang ay nakita pa niya ang mga damit doon na magulo pa ang ilang nakatupi. Nanlumo siya sa kaisipang lumipat ng silid si Alejandro dahil hindi siya nito gustong makatabi. Sukat doon ay gumuhit ang sakit sa dibdib niya. Ang akala niyang kaya niyang ayusin ang pagsasama nila ay mahirap mangyari. Baka hindi lang buwan ang kailangan niyang hintayin. Sumandal siya sa tokador at pinagmasdan ang kabuuan ng silid ni Alejandro. Sa gilid ng dingding ay malaking larawan nito noong naging Mr. Campus ito sa college. May hawak itong gitara dahil ang talent na ibinahagi nito ay ang pagkahilig sa musika. Katabi rin ng larawan nito na nakasabit ang gitara na pag-aari nito. Lahat ng gamit doon ay mamahalin. Pero gaano man kagarbo ang silid na tinutulugan niya ngayon, hindi iyon nagbibigay ng kasiyahan sa kanya. Lumabas siya sa balkonahe para magpahangin nang mahagip ng mga mata niya ang isang pares ng babae at lalaki sa hardin. Si Erika ang kausap ni Alejandro roon. May panaghili siyang naramdaman dahil ibang babae ang kasama ng asawa niya imbes na mag-usap silang dalawa. At dahil nasasaktan siya sa nakikita ay mas pinili niya na lang na pumasok sa silid. Sa kawalan ng makakausap ay tinawagan niya ang Inay niya sa Hongkong. Sa kabila nang pagkukubli niya ng lungkot ay hindi pa rin nakaligtas sa Inay niya na may pinagdadaanan siyang sakit ngayon. "Sabihin mo nga sa akin, Lora, sinasaktan ka ba ng asawa mo?" "H-hindi ho, 'Nay," sagot niya na kinagat ang ibabang labi para pigilan ang emosyon. "Nami-miss ko lang 'yung dating buhay ko. Nakatira nga ako sa malaking bahay, abala naman lagi ang mga tao dito." "Hay naku, ikaw bata ka. Ganyan talaga ang mayayaman, madalas walang oras sa pamilya. Unawain mo na lang ang asawa mo. Pag dumating, pagsilbihan mo. Ipakita mo na mahal mo siya." Marahan siyang tumango kahit hindi naman nakikita ng Inay niya. At hinayaan na lang din niyang isipin nito na oras lang ang hindi naibibigay ni Alejandro. Na abala ito sa pamamahala sa hacienda kaya siya nalulungkot. "Kailan ho ba kayo uuwi?" "E, hindi ba kaka-renew ko lang ng contract? Paano ako uuwi, anak?" malambing namang wika ng ina. "Sisikapin kong magpaalam sa pasko kung papayagan ako. Para makasama naman kita ulit. Miss na miss na rin kita, anak." Tumulo ang luha niya nang hindi niya napigilan. Sinikap na lang niyang huwag iparinig ang paghikbi. Nagpaalam siya kaagad na inaatok na para maituloy niya ang pag-iyak nang hindi nalalaman ng Inay niya. Katutulog lang niya nang may marinig na kaluskos sa silid. Bahagya niyang idinilat ang mata at nakitang hinakot pa ni Alejandro ang natitirang gamit nito. Lalong bumigat ang pakiramdam niya at sa huli ay napaiyak na naman. Hindi talaga nito gusto ang makasama siya. Sa kabila ng sakit na naramdaman niya sa nagdaang gabi ay nakangiti siyang humarap kay Alejandro kinabukasan. Nagtaka naman siya nang makasabay niya ito sa hapagkainan kasama ang buong mag-anak. Si Lawrence ay lagi namang magiliw sa kanya. Si Denisse na dating mataray ay nakikipag-usap na rin sa kanya ngayon. Hindi niya mapaniwalaan na bahagi na siya ng pamilyang tinitingala ng lahat sa bahay na 'yon. Pero lumipas ang ilang isang buwan na mag-asawa na sila ni Alejandro ay kumibo-dili lang ito sa kanya. Ni hindi siya makalapit kapag abala ito sa trabaho sa opisina. Abala na rin ang mga magulang nito sa pamamalakad sa hacienda kaya't hindi na sila nabibigyan ng atensyon kung nagsasama ba sila nang maayos. Isang gabi ay kasama pa nitong dumating si Erika na masaya nitong katawanan. Ni hindi man lang siya nilingon dahil nasa sofa siya noon at nagbabasa ng libro. "Hey, Lora, come with me," hikayat ng kapatid ni Alejandro na si Denisse sa kanya isang araw. Nakabihis na siya at papasok na dapat sa eskwela. Si Alejandro ay nasa garahe na para ihatid siya tulad ng dati nitong ginagawa. Isang obligasyon lang na hindi naman bukal sa loob nito. "B-bakit ho?" tanong niya na nakalimutang mas matanda siya rito ng isang taon. Nakasanayan niya nang ituring itong amo kahit na hipag niya na dapat ito. "I saw how my brother treats you. Hindi nga lang halata kapag kaharap sila Daddy at Mommy." "M-magbabago din 'yon," katwiran niya na wala sa loob. Kung noong una'y naniniwala siya na kaya niyang ayusin ang pagsasama nila, matapos mag-alsa balutan ni Alejandro ng gamit sa silid nito, malabo na yata iyong mangyari. "My brother is an asshole sometimes. Pero hindi ka dapat nagpapadaig do'n." Iniabot nito sa kanya ang ilang damit nito. "A-ano ho ito?" "My God, Lora! Stop saying po and opo to me, I'm your sister-in-law. Isa pa, tanggalin mo 'yang pagkamahiyain mo. Kahit hindi ka pa naging asawa ng kuya ko, mas matanda ka sa 'kin." Tila naman siya napahiya sa inasal. Marahan siyang tumango. "P-para sa 'kin 'to? Bakit?" "Masyado nang luma ang suot mong damit. Although nasuot ko na ang mga 'yan minsan, bago pa rin naman. May ilan na sa atin ang nakakaalam na asawa ka ni Kuya. Ano na lang ang sasabihin nila kapag ganyan ka pa rin manamit? And besides, ayaw ni Kuya ng manang. Lalo kang hindi papansinin no'n." "Salamat... Sa Sabado mamimili ako ng bagong gamit," aniya. Nagpadala naman ang Inay niya ng allowance niya na hindi niya magagastos dahil hatid sundo naman siya ni Alejandro. "Another tip if you want my brother to treat you nice, be smart. Huwag mong ipakita na kakaya-kayanin ka lang niya. Isa pa 'yang si Erika na akala mo siya ang asawa." Akala niya'y hindi iyon napapansin ng iba. Harap-harapan din kasi madalas magharutan ang dalawa sa mansyon. Nakikita niya ang pagkadisgusto ni Denisse kay Erika na madalas nitong barahin kapag kaharap sila. Pareho kasing mga spoiled-brat. Walang gustong magpadaig. Pero mabait naman si Erika sa kanya noong hindi pa sila mag-asawa ni Alejandro. Kinuha niya ang damit na iniabot ni Denisse para isukat sa banyo nang pigilan siya nito. "D'yan ka na magsukat sa harap ko, pareho naman tayong babae," inis na wika nito. Hindi kasi siya sanay na may nakakakita ng katawan niya. "You're sexy!" bulalas ni Denisse nang mahubad niya ang suot na lumang damit. "Kung makikita ka ng Kuya ko ngayon, hindi ka na naman palalagpasin no'n." Hindi niya sinagot ang papuring iyon ng hipag. Isinukat niya Sunday dress at agad na bumagay sa kanya. Mas tumambad ang maputi niyang hita dahil mas matangkad siya kay Denisse nang ilang pulgada. Kahit siya ay nagulat sa nakikitang pagkakaiba ng itsura niya kanina at ngayon. Lumapit pa si Denisse at itinaas ang buhok niya. "You're beautiful, Lora! Bakit ka nagtatago sa mga lumang damit?" Panay papuring wika ni Denisse sa kanya habang pareho silang nakatingin sa salamin. "Sa tingin mo... mapapansin na ako ng K-kuya mo?" alanganin niyang tanong. Nangilid ang luha niya sa mata nang hindi niya napigilan. Mahal niya na si Alejandro sa kabila nang hindi magandang relasyon nila sa nakalipas na isang buwan. At masakit isipin na ibang babae ang kumukuha ng atensyon nito imbes na siya. "Oh, Lora... You're such a naive... I mean... Don't get me wrong..." "Gusto kong maging matagumpay ang pagsasama namin. P-pero..." "Pero mahirap talagang pakisamahan ang kapatid ko. I know... We know..." "I'm sorry," paghingi niya nang paumanhin. "Huwag mo na lang sabihin sa Mommy at Daddy niyo baka kagalitan lang siya. Mga bata pa kasi kami eh. Hindi kami handa pareho sa ganito kalaking responsibilidad." Pinahid niya ang luha habang si Denisse ay nakatitig pa rin sa kanya. "You really love my brother, do you?" may simpatyang tanong nito na sinagot niya ng isang tango. Binuksan ni Denisse ang drawer nito at nilagyan siya nang manipis na makeup. "Kailangan pa ba 'yan?" "You need a total makeover. My God, Lora! If I have a height and body like yours, hindi ako magtitiis sa kuya kong napaka-arogante! You can be a supermodel, do you know that?" Manipis na lipstick lang ang inilagay niya saka muling humarap sa salamin. Pinasuot din siya ng sapatos na may heels na lalong nagbigay ng tangkad sa kanya. Napahalukipkip siya habang palabas ng silid. "Baka magulat sila sa itsura ko..." Umikot ang mata ni Denisse sa iritasyon. "Yon nga ang purpose natin, ang gulatin sila. Lumabas ka na dahil tiyak na umuusok na ang ilong ng kapatid ko sa garahe." Sukat niyon ay nagmadali siyang lumabas. Totoo ngang nagulat kahit ang mga katulong paglabas niya. Pero kung mga ito ang nagulat sa kanya, siya naman ang nagulat nang paglabas niya sa front door ay nakitang naghaharutan si Alejandro at Erika. Nakahawak pa ang kamay ng babae sa baywang ng asawa niya. Iniiwas niya ang tingin na naunang naglakad patungo sa garahe. Pero bago siya makasakay ay nagsalita si Erika. "I'm going with you, Lora. Sa backseat ka sumakay." Nabitin ang pagbukas niya ng pinto. Lumakad siya patungo sa ikalawang pinto para doon sumakay. Ang kaninang excitement niya na makita siya ni Alejandro sa ganitong ayos ay napalitan ng sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD