Kanina pa nakaharap sa salamin si Alejandro pero hindi niya maisipan kung ano ang isusuot. He wanted to look the best in the eyes of Lorabelle. Nagbago na ang isip niya. Hindi niya na gustong tapusin ang kasal nila. Sumagi sa isip niya ang pag-uusap nila ni Lawrence kanina sa veranda. Narinig niya kung paano kinumbinsi ng kapatid na dapat nang tapusin ni Lora ang pagsasama nila, pero wala siyang narinig kay Lora kung hindi pagtatanggol sa mga inasal niya sa loob ng isang buwan. He felt that gratitude towards Lorabelle. At dapat lang na suklian niya iyon. 'Hindi ko itatanggi na may gusto ako kay Lora, Kuya. Hindi ko siya niligawan kasi malinaw na gusto muna niyang makapagtapos ng pag-aaral. Bata pa siya. Marami pa siyang pangarap. Kaya nagulat ako na ganoon mo lang siyang trinat

