Nakatitig lang si Alejandro kay Lora sa bawat galaw ng kamay nito sa sketchpad hawak ang lapis. Alam niyang may kaba itong nararamdaman na idinadaan na lang sa ginagawa. Siya man ay mabilis ang t***k ng dibdib na para bang teenager na ngayon lang nakalapit sa crush. Kailan pa ba siya nakaramdam nang ganito kapag nakatabi sa isang babae? Iginala niya ang mata sa silid niya. Wala namang nabago doon. Pero wala na ang panlalaking amoy roon dahil isang buwan nang mahigit iyong hindi niya pinasok. Hindi nagtanong ang mga magulang kung bakit siya sa opisina niya tumutuloy ngayon. Ang mahalaga lang sa mga ito ay pinakikisamahan niya nang maayos ang asawa niya. "Sabi mo may idadagdag ka?" tanong ni Lora na nagpabalik ng tingin niya dito. Pero sa halip na tingnan niya ito sa mata ay iniiw

