Isang basong whiskey ang dala ni Alejandro sa silid pagkagaling niya sa bukid. Bumungad na sa kanya ang balitang nag-propose na ang musikerong kasintahan ni Lorabelle. Kung gaano katagal siyang naghintay na babalik ito'y ganoon din kasakit sa kanya na makitang may mahal na itong iba. Na habang siya'y nagpapalipas ng pagsikat at paglubog ng araw, na may pag-asang dadating din ang isang umaga na nasa piling niya na itong muli, si Lorabelle ay matagal nang nakalimot sa kanya. Limang taon. Ang sabi ng Mommy niya ay mabilis lang ang panahon. Hindi alam ng lahat na halos hilahin niya na ang bawat araw para dumating na siya sa panahong makakaharap niyang muli si Lorabelle at makahingi ng tawad. Hindi siya sumuko. Pero tila hindi na yata dadating ang pagkakataong 'yon. Kung hindi lang s

