Five Years Later... Nakauwi ka ba nang maaga kahapon?" tanong ng kaibigang si Jaja kay Lorabelle. Katatapos lang ng rampa nila ng kaibigan na isa ring Pinay sa isang fashion show sa Los Angeles. At s'yempre pa ang iba pang international models na matagal na rin nilang kasama kapag may ganitong malalaking event. "Ala una na rin nang madaling araw. Nakilala ko si Elize Albano na isang kilalang modelo sa Pilipinas. Ayun, nagkakuwentuhan. Iba talaga kapag may nakakasalamuha tayong kababayan..." "Totoo ka d'yan," sang-ayon ni Jaja. "Alam mo naman dito, madalas pa ring may descrimination kapag nalaman na Asian ka." "Pero hindi naman tayo pahuhuli noh," nakatawa niyang wika. "Oo naman! Lalo na ikaw! Matutuloy ba ang pag-endorse mo ng bagong designs ng Ralph Lauren?" "Yes. Magsis

