Nakaupo sa damuhan si Lawrence at nakatanaw sa papalubog na araw. Hindi niya alam kung saan siya lulugar ngayong tila lahat ay nakatuon ang atensyon kay Alejandro. Gustuhin man niyang umalis patungong Amerika tulad nang una niyang plano, hindi niya matiis ang ama sa pakiusap nito na manatili siya sa hacienda. Marami na ring problema ang Daddy nila para dagdagan pa niya. "It's getting dark..." Napalingon siya kay Alejandro na nakatayo sa likod niya. Nagulat siya sa presensya nito dahil matagal itong nagmukmok at alam niyang isa siya sa kinasasamaan nito ng loob. Nakahinga siya nang maluwag nang inilahad nito ang kamay na inabot naman niya saka tumayo. "Bakit hindi ka sumasama kay Dad sa bukid? Masama ba ang loob mo sa amin?" "No, Kuya. Alam mong malaki ang utang na loob ko s

