Nasa silong siya ng chico kung saan umupo noon si Lorabelle nang mainis ito sa kanya dahil kasama niya si Erika. Hindi niya malilimutan ang alaalang iyon. Isa iyon sa masasayang araw nila ng asawa niya. Alaalang nagdudulot lang ng sakit sa dibdib niya, pero wala siyang magawa kung hindi ang namnamin iyon. Isang linggo na mula nang umalis si Lorabelle. Dalawang beses na siyang bumalik sa Tiya Simang nito para makibalita pero ang tanging impormasyong ibinigay lang nito ay sumunod si Lora sa Inay nito sa Hong Kong. Hindi siya makakuha ng ibang detalye tulad ng kung saan ito makokontak o kung pwede niyang personal na puntahan. Bilin daw ni Rosario ang bigyan ng panahon ang anak nito na maghilom. Na hindi na gusto ni Lorabelle na bumalik pa. Wala na siyang kinakausap halos sa bahay nila. Kah

