Kanina pa nakatitig si Alejandro sa kawalan habang ang mga beterinaryo at mga tauhan ay abala sa pagpapaanak ng baka. Ang buong isip niya ay kay Lorabelle na ngayon ay bumalik na sa hacienda -- pero hindi para balikan siya kung hindi para makipaghiwalay nang tuluyan. Idinadaan niya sa biro at pagiging dominante niya kay Lorabelle lahat, pero hindi nagbabago ang katotohanang iba na ang gustong makasama nito habangbuhay. At masakit 'yon. Hindi niya alam kung magtatagumpay siya na mapabago ang isip ni Lorabelle sa loob ng isang buwan. Hindi niya alam kung sapat na ang panahong 'yon para maibalik niya ang pagmamahal nito sa kanya. "Wala naman na hong problema 'yung isang baka, Sir Ale, pero 'yung isa baka mamaya pa manganganak," wika ng beterinaryo sa kanya. Alas dos na ng madaling araw at

