Mabilis na itinulak ni Lorabelle si Alejandro sa takot na may makakita sa kanila sa resort sa ganoong ayos. Pero mukhang wala naman tao sa kinaroroonan nila dahil maaga pa at karamihan ng mga guests ay nasa tabi ng dagat. "Now, you know what I mean?" tanong ni Alejandro na seryoso ang mukha. Isang irap ang ibinigay niya bago naunang naglakad patungo sa hotel. The hotel was castle-like. Nasa anim na palapag lang iyon. Sa may kalayuan ay natatanaw niya ang ilang cottages na nasa gitna ng dagat. A Maldives-inspired hotel and resort. Sa may di kalayuan ay may yate naman siyang natatanaw. "Ilan ang silid ng hotel?" tanong niya. Nakasunod lang si Alejandro sa kanya. "Twenty elegant rooms for guests, six large rooms for employees. Dalawang shifts kasi sila at may dalawang oras do

