Matapos makausap ang mga magulang at tinungo ni Alejandro ang sariling opisina at doon nagmukmok. Noong pumayag ang Mommy at Daddy niya na itayo ang Luna Hotel, napakalaki ng pag-asa niyang babalik si Lorabelle. Napakalaki rin ng pag-asa niya na magtatagumpay ang negosyong ito. Pero mali siya. Mula nang magsimula ang proyekto ay dumating na rin isa-isa ang problemang pinansyal ng hacienda. Noong niragasa ng bagyo ang pananim nila bago matapos ang construction ng Luna Hotel, kinailangan nilang mag-loan sa banko para mairaos ang pagkalugi sa anihang iyon. Hindi niya lang siguro matanggap na mali ang naging desisyon niya. Pero matagal na dapat nagsara ang hotel dahil kulang pa halos ang kinikita nito sa pampasahod sa mga empleyado. Matapos magmukmok ay nagtungo siya sa bukid mag-isa.

