RAELLE
NAGISING AKO SA SIKAT NG ARAW at agad akong napabalikwas nang maalala ko ang nangyari kagabi. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ang sariling nakahiga sa malambot na kama, hindi na roba ang sout at nakakumot pa. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Apollo pero ang pagkakatanda ko ay sa lapag ako napahiga dahil nawalan ako ng malay.
Huminga ako nang malalim upang kumalma at napatingin sa isang upuan na nasa dulo ng kama. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita si Apollo doon. Nakaupo at pikit ang mga mata. Tumayo ako at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.
“Mukha kang tulog na prinsipe,” wika ko at inilapit ang aking mukha sa kaniya upang mas makita nang malapitan ito.
“Masyado kang malapit,”wika niya at nagmulat.
Nagtama ang mga mata namin dahilan para mabilis na kumabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay isang malalim na kawalan ang mga mata niya at nahuhulog ako nang walang tigil. Dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ay napatayo ako nang tuwid at napaatras hanggang sa tuluyan akong napaupo.
“What the f**k?!” bulalas ni Apollo na napatayo at tinulungan ako.
“P-Pasensya na,” saad ko at bahagyang lumayo kay Apollo na pinagtaka niya. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil mabilis pa rin ang t***k niyon.
“Okay ka lang?” tanong niya at humakbang palapit.
“A-Ang puso ko... ang... ang bilis,” saad ko sa bawat malalim na hininga. “M-Mamatay... Mamatay ba ako?”
Natigilan si Apollo at napayuko habang umaalog ang mga balikat. Napakunot noo naman ako dahil mukha siyang umiiyak. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa ulo upang patahanin.
“Huwag kang umiyak, Apollo,” wika ko.
Ramdam kong natigilan siya at dahan-dahan na umangat ang ulo mula sa pagyuko at tumingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil may luha sa sulok ng mga mata niya.
“Hindi ako umiiyak,” aniya at kinagat ang kaniyang ibabang labi na para bang may pinipigil.
Huminga ako nang malalim at patuloy na hinahaplos ang kaniyang ulo. “Okay lang, Apollo.”
Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan at tumikhim saka tumayo nang tuwid. Dahil sa ginawa niya ay napatingala ako dahil para siyang tore sa taas. Binitawan niya ang kamay ko namulsa.
“Anong nangyari sa 'yo kagabi? Bakit ka pala nakahiga sa lapag?” tanong niya habang kunot na kunot ang noo.
“Ah... Kagabi? Sumakit kasi ang ulo ko bigla,” sagot ko sa kaniya.
“Sigurado ka?” Lumapit siya nang bahagya sa akin. “Wala ka namang sakit 'di ba?”
Umiling ako. “Wala! Sa labinlimang taon ko sa basement, tatlong beses lang ako nilagnat. Una, dahil sa regla ko, pangalawa at pangatlo dahil sa... sa...”
“Saan?”
“Sa bugbog ni, Madam Faye,” sagot ko at napangiwi nang maalala ang araw na nilagnat ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko dahil sa bugbog.
Kitang-kita ko ang pagtiim-bagang ni Apollo at tumikhim saka tumango-tango.
“Magbihis ka. Ngayon ang first day mo sa school,” aniya na may tipid na ngiti.
“School? Mag-aaral na ako?” bulalas ko dahil sa tuwa.
“Oo. Hindi p'wede habang buhay kang hindi gaano marunong magbasa, magsulat at umintidi ng ingles at... para wala ng manakit sa 'yo.”
Ngumiti ako at tuwang-tuwa na tumalon ng yakap kay Apollo. Sinalo naman niya ako pero hindi siya gumagalaw. Marahan naman niya akong tinulak palayo at muling tumikhim habang ang mga mata ay hindi niya maituon sa akin.
“May problema ba?”
“Yung... Yung boobs mo.” Bahagyang namumula ang kaniyang pisngi.
“Boobs? Anong boobs?” tanong ko na salubong ang kilay.
“Yung ano... Yung ganito mo,” aniya at hinampas nang marahan ang kaniyang sariling dibdib.
“Ah! Yung dede ko!” saad ko at hinawakan ko ang aking dede.
Nanlaki naman ang mga mata niya at tumalikod. Kumunot naman ang noo ko at akmang hahawakan siya nang bigla siyang humakbang papuntang pinto ng kaniyang kwarto. Bago siya lumabas ay sumilip muna siya.
“Mag... Mag-bra ka bago ka umalis,” aniya at isinara ang pinto.
Parang toud naman akong natigilan at unti-unting naalala ang sinabi noon sa akin ni Manang Luz na hindi p'wedeng nakikita ng ibang tao ang aking dibdib. Nakagat ko ang ibabang labi ko at mabilis na hinanap ang sout ko kagabi. Napahawak ako sa aking pisngi dahil umiinit iyon.
“Sorry, Manang Luz,” mangiyak-ngiyak na wika ko sa sarili ko.
PALABAS NA AKO NG MANSION ng mga Calientes nang masipatan ko ang matatalim na tingin ng kapwa ko katulong lalo na si Rosa. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumungo sa malaking parking area dahil naghihintay si Apollo. Doon ay nakita ko si Apollo. Nakasandal sa isang kulay pula na magarang sasakyan habang may kausap sa cellphone.
“Sir?” bungad ko sa kaniya.
“I'll talk to you later, Char,” sabi niya sa kausap. “Let's go, Raelle.”
Binaba naman niya ang kaniyang cellphone at umikot sa kabila ng kotse at binuksan ang pinto doon. Sumakay ako, naupo na at ganoon din si Apollo. Lumapit pa siya sa akin kaya malapitan kong nakikita ang kagwapuhan niya. Amoy na amoy ko rin ang bango niya kaya hindi ko mapigilan ang singhutin iyon. My kinuha siya sa gilid ko at ikinabit sa kabilang gilid ko.
“Salamat sa pagtulong sa akin para makapag-aral, Sir,” saad ko na nagpalingon sa kaniya nang bahagya.
“Huwag mo nang alalahanin iyon,” sagot niya.
“Hindi ako nagsisi na magustuhan ka.”
Napabuntong-hininga siya ay napailing na lamang. “I told you, huwag mo akong gustuhin, Raelle kasi—”
“Okay lang, Sir Apollo. Hayaan mo lang akong gustuhin ka.” Nakangiti ako pero ang totoo ay may kirot akong nararamdaman.
Ilang minuto pa nang dumating kami sa isang maliit na tila bahay. Bumaba kami ni Apollo at nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob. Lumapad ang ngiti ko nang makita ang loob ng tila ba kwarto.
“Peachy!” tawag ni Apollo sa isang babae.
Lumingon at malapad ang ngiti na lumapit sa akin. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa at dumako nag tingin kay Apollo.
“Oh? Nasaan na ang estudyante mo na papaturoan mo sa akin?” tanong niya na luminga-linga.
Hinawakan ako ni Apollo sa siko at bahagyang tinulak paharap. Kumunot naman ang noo ng babae samantalang ako ay malapad ang ngiti.
“She's Raelle.” ani Apollo. “She's your student.”
“Kumusta po! Ako si Raelle.”
“Wait?” wika ng babae na bakas sa mukha ang pagkalito. “Mukhang magkasing-edad lang kayo. Seryoso ka? Prank ba 'to?”
Umiling si Apollo. “She doesn't know how to read, write, count and understand english.”
Lumalim ang kunot ng noo ng babae. “I'm a dojo teacher, Apollo. Hindi kindergarten.”
“I know, Peach,” wika ni Apollo. “But, look. You're the only person I can trust with her.”
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa kaya yung babaeng si Peachy ay hinila si Apollo palabas. Ilang minuto silang nag-uusap at kahit hindi ko naririnig ay alam kong nag-aaway sila. Napabuntong-hininga na lamang ako at lumabas.
“Hindi naman ako mahirap turuan,” usal ko sa sarili.
Tuluyan akong lumabas ng gate ng tila bahay na eskwelahan na iyon. Sumandal ako sa pader at naupo habang yakap ang mga tuhod. Napatingala naman ako nang may lalaking huminto sa harapan ko.
“Raelle?” anito at naglahad ng palad na may chocolate.
“Kilala mo ako?” salubong ang kilay kong tanong.
“Oo!” anito kaya napatayo ako. “Gusto mo chocolate? Dalhin kita kay Manang Luz.”
Manang Luz?
“Nasaan si Manang Luz?” tanong ko sa lalaki.
“Halika? Tuturo ko sa 'yo,” aniya na parang nagmamadali.
“Pero—”
“Halika na!” Hila niya kaya naiwan ko pa ang isang pares ng sandal na sout ko.
“Teka! Yung sandal ko—”
“Hayaan mo na 'yan, ibibili na lang kita.”
Nagpatianod ako nang hilahin ako nang lalaki hanggang sa makarating kami sa isang sasakyan. Pinapasok niya ako sa loob at agad na sinubukang paandarin ang kotse. Dahil nasa bandang likod ng kotse ako nakaupo ay lumingon ako sa likod. Doon nakita ko si Apollo na lumabas ng gate na tila ba nagmamadali.
“Apollo?” wika ko at hinawakan sa braso ang lalaki. “Itigil mo muna! Magpapaalam ako kay Apollo!”
“Hindi... Hindi p'wede!”
“Ha? Bakit?” tanong ko at tumingin kay Apollo muli. “Hindi pa naman umaandar 'tong sasakyan?”
Pinulot ni Apollo ang isang pares ng sandal na naiwan ko at luminga-linga.Nang makita ni Apollo ang kotseng sinasakyan ko ay mabilis siyang tumakbo papunta dito, kasunod niya ang babaeng si Peachy.
“Putcha! Bilisan mo! Bakit ayaw mag-start!” sigaw ng lalaki.
Naabutan kami ni Apollo at marahas na kinatok-katok ang bintana ng kotse na nasa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng kaniyang mukha. Parang pinaghalo-halong kaba? Takot?
“Buksan mo ang pinto!” wika ko.
Sumisigaw-sigaw si Apollo pero hindi ko masyadong marinig iyon. Panay ang hampas niya sa bintana at ganoon din ang babae.
Umiling siya at nang tumunog ang sasakyan ay bigla itong umandar. Naiwan si Apollo at yung Peachy na gulat na gulat. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nilingon ang lalaki na nagmamaneho at hinampas siya sa ulo ng isang pares ng sandal ko.
“Aray! Tangina! Ano ba?!”
“Ibaba mo ako!” sigaw ko.
Muli kong nilingon si Apollo na tumatakbo at hinahabol ang kotseng sinasakyan ko. Napaawang ang aking bibig at napahawak sa aking dibdib dahil bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Para siyang prinsipe sa pagtakbo niya...