Chapter 9

1510 Words
RAELLE HINDI KAMI MAGKAUNDAGAGA sa paglilinis nang matapos ang kainan at kasiyahan ng mga kapatid ni Apollo. Nakauwi na rin ang mga ito pati si Doc Quintus na sinundo lang ng kapatid nito dahil hindi na makatayo. Tumungo naman ako sa labas kung saan sila nakapwesto kanina at nakita si Apollo na lupaypay sa upuan nito habang may bote sa harapan na nakapatong sa lamesa. “Apollo...”tawag ko sa kaniya. Pero mukhang tulog na rin siya dahil sa likidong iyon nasa harapan niya. Wala na iyon sa kalahati at mukhang gusto pa ata niyang ubusin. Kinuha ko iyon at inamoy. Napangiwi ako at napaatras dahil sa tapang pero mas nanaig ang kyuryusidad ko dahil kitang-kita ko kanina na tila ba sarap na sarap silang iniinom iyon. Nilingon ko muna si Apollo na nakapikit pa rin na mukhang tulog na at huminga muna ako nang malalim bago ko tinungga ang bote. Mapait, malamig at hindi masarap ang lasa. Mainit din ito sa lalamunan na para bang uminom ako ng napakainit na tubig. “What the f**k?!” Marahas na kinuha sa kamay ko ang bote na iyon at nang tingnan ko ay si Apollo ang gumawa. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat habang ako ay nakaramdam ng init sa tiyan paakyat sa aking ulo. Napangiwi ako sa epekto ng likidong iyon at marahas na pinilig ang ulo dahil nakakaramdam ako bigla ng hilo. “S-Sir,”wika habang nakangiwi. “Hindi masarap—” Hindi ko natapos ang aking sinasabi nang hawakan ni Apollo ang batok ko at basta na lamang dinukot ang aking lalamunan gamit ang kamay niya. Naramdaman ko na tila ba nasusuka ako kaya bumulwak ang aking bibig. Basang-basa ng suka ang kamay niya pero tila wala siyang pakialam. “s**t! Baliw ka ba? Bakit mo ininom ang alak?!”Galit ang reaksyon ng mukha niya pero agad iyong nawala. “Tangina, Raelle! What were you thinking?!” “P-Pasensya na,”wika ko sa pagitan ng sunod-sunod na ubo. “Papatayin mo sarili mo e! Paano kung lason 'yan?”dagdag niya. Muli niyang pinasok ang kaniyang daliri sa bibig ko para ipasuka sa akin ang aking nainom pero natigilan siya. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko at sa kaniyang daliri na nasa bibig ko. Sunod-sunod ang kaniyang kurap at kitang-kita ko ang kaniyang paglunok na tila hirap na hirap. “f**k!”Agad niyang inalis ang kamay niya at pinunasan ang aking labi gamit ang dulo ng mahabang manggas ng kaniyang damit. “Okay ka lang?”aniya at tinulungan akong tumayo. “Tangina, tunggain mo ba naman?” Tumango ako. “Akala ko kasi masarap yung iniinom niyo.” Napangiwi siya at umiling. “It is—no, hindi pala. At saka, hindi ka dapat basta umiinom ng kahit anong likido.” Tumango ako at ngumiti. “Masusunod po, Sir!” Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko lumulutang ako. Masaya ang pakiramdam ko at sobrang init ng aking pisngi. Nakatitig lang sa akin si Apollo kaya mas lalong uminit ang pisngi ko. “Damn, you just drank tequila,”wika niya at umiiling. “Magpahinga ka na, sila Rosa na dito.” Tumango lang ako at pinanood siyang tumalikod. Huminga naman ako nang malalim at akmang hahakbang nang pakiramdam ko ay biglang gumalaw ang lapag. Natumba ako sa isang lamesa na may mga natirang pagkain. Tumapon sa akin ang mga iyon. “The hell?!”bualalas ni Apollo na bumalik. “P-Pasensya na! H-Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Nahihilo ako—” Naputol ang eksplenasyon ko nang lumapit sa akin si Apollo at walang sabi-sabing binuhat ako. Nalagyan din tuloy siya ng mga mantsang galing sa tira-tirang pagkain. Napahawak ako sa kaniyang braso at nang lumakad siya paakyat ay nasipatan ko pa sila Rosa na may nakakamatay na titig. Dumiretso kami sa kwarto ni Apollo at agad bumungad sa akin ang mabangong amoy. Amoy prinsipe. Ngayon lamang ako nakapasok sa kwarto niya. Madilim, magulo at tila ba walang mga gamit maliban sa isang malaking TV. “Maligo ka para mahimasmasan ka,”aniya at dinala ako sa banyo ng kwarto niya. Nanatili akong nakatayo at inikot ang tingin. Hindi katulad sa liguan sa quarters ay maraming iniikot sa liguan ni Apollo. Nilingon ko siya na napapailing saka lumapit at binuksan ang dapat kong gamitin. Lumabas na rin agad siya kaya agad akong naligo. Ilang minuto lang ay lumabas na ako nang nakaroba dahil iyon ang nakasabit. Sobrang laki niyon na halos hindi na makita ang kamay at paa ko. “Sir Apollo?”tawag ko at naglakad para hanapin siya. Dumako ako sa mga litrato sa kaniyang lamesa. Apat na litrato ang naroon. Isang mag-isa siya, mayroong kasama ang sa tingin ko ay nanay niya at yung isa ay kasama ang kaniyang kapatid at ang huli ay isang litrato ng dalawang bata. Isang lalaki na nakasout ng prinsipe at isang babae na nakasout ng tila ba kalaban ng prinsesa. Kumunot ang noo ko dahil sa pamilyaridad na nararamdaman ko sa batang babae sa litrato. Kilala ko ata siya... “Don't touch that.” Napaigtad ako nang marinig ang boses niya kaya agad kong binaba ang litrato. Nang lingunin ko siya ay nakasout na siya ng pantalon na kulay abo at isang simpleng puting damit. Kumunot ang noo niya at tiningan ako mula ulo hanggang paa. “You look like a penguin,”aniya at napangiti. Inabot niya rin sa akin ang isang maliit na short at kulay mapusyaw na asul na polo. “Bagong bili ang boxer, don't worry,”wika niya at tinuro ang pinto palabas. “Umalis ka na pagtapos mo magbihis.” “Sino siya?”tanong ko at tinuro ang batang babae sa litrato. “Siya ang babaeng unang minahal ko,”walang pakundangan niyang sabi. Kumirot ang puso ko. “Pero hindi siya mukhang prinsesa sa sout niya.” “Who said, I like princesses?”Nakataas ang kilay niya. “She's... She's Raelle. Katulad ng pangalan mo.” Nanlaki ang mga mata ko. “Talaga? Teka, nasaan na siya?” “Patay na siya,”sagot niya na bakas sa boses ang lungkot. Natigilan ako at nakaramdam ng lungkot dahil sa nakikita ko kay Apollo. Hinawakan ko siya sa pisngi kaya napatingin siya sa akin. Akmang aalisin niya iyon nang basta ko na lamang siyang niyakap nang mahigpit. “A-Anong ginagawa mo?”nauutal niyang tanong sa akin. “Niyayakap ka kasi malungkot ka,”sagot ko. “Niyayakap ako ni Manang Luz lagi kapag nalulungkot ako.” Natigilan si Apollo pero matapos lamang ng ilang sandali ay itinulak niya ako palayo. Nakaigting ang kaniyang panga at bakas sa mukha ang pagpipigil sa isang bagay na siya lang ang nakakaalam. “Hindi lahat ng nalulungkot, kailangan ng yakap mo, Raelle.” Napaawang ang labi ko dahil sa kaniyang sinabi. Huminga ako nang malalim at ngumiti nang pilit saka tumango. “Tama,”sagot ko. “Hindi lahat magugustuhan ang yakap ko—” “That is not what I meant,”putol niya sa sinasabi ko at napabuntong-hininga. “P'wede kang mapahamak sa ginagawa mo.” Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya. Napapailing na lang siyang hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Dito ka na matulog. May pupuntahan ako,”aniya at naglakad papunta sa pinto ng kaniyang kwarto. “Hindi mo ba ako gusto?”tanong ko na may hinanakit. Natigilan siya sa paglalakad at humarap sa akin. Madilim ang kwarto ni Apollo pero sapat na ang ilaw mula sa nakabukas na banyo para makita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha. Blanko at tila ba hindi nagustuhan ang tanong ko. “Raelle...” “Kasi ako, gusto kita, Apollo. Gustong-gusto kita.”Humakbang ako palapit hanggang sa isang dipa na lang ang layo namin sa isa't-isa. “Hindi mo alam kung gaano kalupit ang mundo, Raelle,”aniya at buntong-hininga. “Imbes na mag-isip ng ganyang bagay, mag-aral ka. Ipakita mo sa akin na hindi ka basta inosenteng babae na biktima ng karahasan. Mas higit ka doon.” Matapos sabihin iyon ni Apollo ay lumabas na siya ng kaniyang kwarto at naiwan akong nakatayo na tila ba sinampal ng katotohanan. Aminin man niya o hindi ni Apollo, ang gusto niya iparating ay hindi ako sapat hangga't wala akong nararating. Ramdam ko ang luha na tuloy-tuloy na pumapatak mula sa mga mata ko. Pinunasan ko iyon at nilingon ang litrato ni Apollo at ng batang babae na kapangalan ko. Pinakatitigan ko iyon hanggang sa nakaramdam ako ng tila pag pitik sa aking ulo. Masakit iyon kaya mabilis na nandilim ang paningin ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang tila ba may mga pangyayaring nagaganap sa utak ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero hindi magawa dahil tila ba pinupukpok ang aking ulo sa sakit. “A-Aray.. ”bigkas ko habang hawak ang ulo. Tuluyan akong napahiga sa sahig at nanghihina. Ibinuka ko ang ang bibig ko upang humingi nang tulong pero nilamon ng kadiliman ang aking diwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD