Chapter 8

1685 Words
RAELLE “WHO THE f**k CLEAN MY OFFICE?!” Lahat kami ay napaigtad nang marinig namin ang malakas na dagundong ng boses ni Apollo. Nasa kusina kaming lahat na katulong nang dumating siya. Nakaigting ang panga at mababanaag sa mga mata ang matinding galit. “Si Raelle ang naglinis, Sir,” wika ni Rosa, isa sa kasama kong katulong at siya rin ang babaeng lumabas sa opisina ni Apollo noon. Tumango ako. “Ako nga po—” “Who the f**k told you to move things in my office?” “H-Ha?” takha kong tanong dahil hindi ko masyadong naiintindihan ang kaniyang sinabi. “Bakit mo raw pinakealaman yung gamit ni Sir,” nakataas ang kilay na sagot ni Rosa. Lumunok muna ako ng laway dahil kumakabog ang dibdib ko sa takot. Ngayon ko lang nakitang galit si Apollo sa loob ng halos isang linggo ko dito. Pakiramdam ko tuloy ay nawalan ako ng boses dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. “P-Pasensya na—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang hablutin niya ang aking braso at kaladkarin. Napangiwi ako dahil sa higpit ng kaniyang hawak. Nang makarating kami sa kaniyang opisina ay basta na lamang niya akong binitawan at malakas na sinarado ang pinto. “Sino ang nagsabi sa 'yong maglinis ka dito? All of you are not allowed here—Damn it!” aniya na napakamot ng ulo. Mukhang napagtanto niyang hindi ko masyadong naiintindihan ang ingles. Umiinit ang sulok ng aking mga mata dahil sa takot at kaba. Hindi ko alam na hindi pala basta-basta p'wedeng maglinis dito. Wala naman may nagsabi sa akin ng ganoong patakaran. Huminga ako nang malalim at matamang tinitigan si Apollo kahit na namumuo ang luha sa mga mata ko. “Pasensya na, Apollo—Sir Apollo,” saad ko at kinagat ang aking ibabang labi. “Hanapin mo ang maliit na sulat na may numero sa basurahan,” utos niya sa akin. Agad akong tumango at akmang tatalikod para lumabas nang bigla niya akong pigilin sa braso dahilan para matigilan ako. Dumako ang tingin ko sa kamay niya at napakunot noo na tinitigan ang mukha niya. Wala ng bakas ng galit doon. “May iuutos ka po ba—” “Sorry,” aniya at bumitaw sa braso ko. “Sige na, hanapin mo na.” Tumango ako at agad na lumabas saka dumiretso sa basurahan sa likod ng mansyon. Agad ko namang hinanap ang papel na kailangan niya. Hindi ko alam, pero mukhang naitapon ko nga siguro iyon dahil akala ko basura na. Walang tigil ako sa pagkalkal at dahil limang malalaking basurahan ang naroon ay inabot na ako ng tatlong oras. “Hoy, hindi ka pa ba kakain?” tanong ng kasama ko. “Mauna na kayo, may pinapahanap si Sir Apollo—” “Akala ko ba flavor of the month ka ni Sir? Bakit nasa basurahan ka ngayon? Sawa na siya agad sa 'yo?” wika ni Rosa na nakangisi pa at naka halukipkip. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap. Kailangan kong mahanap ang papel na iyon dahil mukhang importante para kay Apollo. Maya-maya pa ay naka-ismid na umalis Rosa. Inabot na ako ng halos tatlong oras pero hindi ko pa rin mahanap iyon. “Anong ginagawa mo diyan?” Napapitlag ako sa gulat at napatingala sa nagsalita. Napakunot ang noo ko nang makilala ang lalaking salubong ang kilay habang nakatitig sa akin. Sa pagkakatanda ko, siya si Doc Quintus na kaibigan ni Apollo. “May hinahanap—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang hawakan ako nito sa kamay at marahang hinila papunta sa lababo. Napakurap pa ako sa pagtataka nang hugasan niya ang kamay ko bigla at marahang kinuskos ang aking palad. “Anong ginagawa mo?” Bakas sa boses niya ang inis at bahagyang natigilan nang makita ang braso kong puno ng kulay dilaw na marka na mula sa pagaling ng mga pasa. “May hinahanap ako,” sagot ko at napayuko. “Baka magalit sa akin si Apollo kapag hindi ko nakita. Ayokong magalit siya sa akin.” “That crazy fucker,” wika ni Doc Quintus. “He won't.” Hindi na ako nakapagsalita nang marahan akong igiya ni Doc sa lamesa at pinunasan ang aking kamay gamit ang puting tila ba papel. Pinapanood ko lang siya habang ang utak ko ay nasa basurahan pa rin dahil babalikan ko iyon mamaya. “Quintus, anong ginagawa mo?” Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang makita si Apollo na salubong ang kilay. Pabalik-balik ang tingin nito sa kamay kong hawak ni Doc at sa mukha ko. Malalaki ang hakbang niyang lumapit at marahas akong hinwakan sa braso saka hinila palayo kay Doc Quintus na nanlaki ang mata. “Quintus, what are you doing?” wika ni Apollo. “This girl is off-limit.” “I'm just wiping her hands, Apollo. You let her dig inside a trash bin,”sagot naman ni Doc. “f**k off, alam ko ang hilatsa ng bituka mo, Quintus,” aniya at napatingin sa akin pa sa akin. “Apollo, iisa lang ang bituka natin, so shut up,” ani Doc na nakataas ang kilay. “Iisa lang ang bituka niyo?” takha kong tanong dahil imposibleng mangyari iyon. “Yes, no—I mean—” “Ibig sabihin, Raelle,” dugtong ni Doc at naglakad palapit sa amin habang nakahalukipkip. “Alam naming dalawa ang ang ugali ng isa't-isa.” Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at nang akmang magsasalita ako ay bigla namang may mga boses ng lalaki akong narinig mula sa pinaka-pinto ng mansyon. Napatingala ako kay Apollo na salubong ang kilay at bakas sa mukha ang pagtataka. “Anong ginagawa ng mga ungas dito?” tanong ni Apollo. “They're your brothers, why ask me?” wika naman ni Doc at kibit-balikat na lumabas ng kusina. “Raelle, stay here—ang ibig kong sabihin, dito ka lang at huwag ka ng lumabas—” “Bakit bawal siyang lumabas?” Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita. Napasinghap ako nang makita ang isa lalaki na medyo kahawig ni Apollo. Mukhang mas maatanda lang ito at mas nakakatakot ang dating dahil sa mga mata. ”Atticus! Kumusta ang pangangampanya?” salubong ni Doc Quintus. ”I will obviously win,” sagot nito at dumako ang tingin sa akin. “Atticus...” “Is she your woman?” tanong nito kay Apollo. “No!” bulalas niya at umiling. Ang lalaki ay mataman akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Para akong nilamig sa paraan ng titig niya. Humakbang ang lalaking nagngangalang Atticus palapit sa akin pero agad akong nagtago sa likod ni Apollo. Napaigtad siya at tumayo sa harapan ko habang nakaharap sa lalaki. “I smell territory,” ani ng lalaki. “Atticus, she's... she's just a maid—” “Maid?” anito at nagtaas ng kilay. “She looks... young to be a maid of Calientes Mansion.” “She's... twenty four.” “I see,” muling sabi nito at namulsa. “Give her details to my secretary, I'll take her with me.” “Siraulo ka ba?” Bakas sa boses ni Apollo ang inis. “Ano bang trip mo, Atticus? Pupunta ka dito para manguha ng katulong?” “Why? May problema ba doon? May sahod pa rin naman sila sa akin.” “You're crazy,” sagot ni Apollo. “Go find another, Raelle is off-limits.” “There's no such thing as off-limits, Apollo, unless she belongs to you.” Umangat ang sulok ng labi nito at tinitigan ako nang mataman. “She looks young and.... untouched. Innocent enough to make a man wonders how long that innocence lasts once someone decides to take it from her.” Kitang-kita ko ang paninigas ng balikat ni Apollo sa sinabi ng lalaki. Bahagya kong sinilip ang kaniyang mukha. Nakatiim-bagang siya at matalim ang tingin na pinupukol sa kaharap. Ang kamay niya ay mariing nakakuyom na halos naglalabasan na rin nag ugat. Hindi ko maiwasang magtaka dahil hindi ko sila maintindihan masyado. “Sir Apollo...” tawag ko dahilan para lumingon siya sa akin. “Okay ka lang?” Nanatili lang siyang nakatitig ng ilang segundo at napabuntong-hininga na para bang bahagyang kumalma. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila hanggang sa magkatabi na kaming nakatayo habang nakaharap sa lalaking nakakatakot ang tingin. “She is my personal maid, Atticus,” saad niya at mas lalong humigpit ang hawak. “Akin siya.” “Chill, Apol,” anito at napapailing. “Now, be careful with words coming from your mouth, Attic. Hindi siya katulad ng ibang babae—” “I know, that's why she piques my interest,” anito. Ilang saglit pa ay may mga ibang lalaki pa ang dumating at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil katulad ni Apollo ay mukha rin silang mga prinsipeng lumabas mula sa libro. Namamangha akong palipat-lipat ang tingin sa kanila. Pumasok sila ng kusina para maglapag ng pagkain at hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga ito. ”Well, that's surprise me, my friend!” napapailing na sabi ni Doc at naglakad palabas ng kusina. “My wife will kill me, if I stay here longer,” bungad ng lalaking may sout na sombrero na pang bukid. “What? Come one, Iggy! Mag-iinoman lang tayo!” saad naman ng isang naka-itim at mukhang masama ang ugali. “Wow, hindi na takot si Sancho kay Josie!” saad naman ng isang nakasalamin. “I brought lasagna,” singit ng isang mukhang bata pa at may dalang pagkain. “Napoleon, Tala wants your lasagna,” sabi naman ng isa na mukhang seryoso. Sabay-sabay rin silang lumabas ng kusina nang mailapag ang mga dala nilang pagkain. naiwan naman ako at si Apollo na makikita sa mukha ang inis. “Huwag mo sila masyadong hangaan,” wika ni Apollo na nakabusangot. “Bakit? Mukha din silang mga prinsipe,” nakangiti kong sagot. “Prinsipe? Mas mukha silang mga palaka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD