Chapter 3

1620 Words
RAELLE TULUYANG PUMATAK ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nang buksan ng isang nagpakilalang pulis ang pinto palabas ng bahay na ito. Hindi ako makapaniwala na matapos ang labinlimang taon ay makakatapak akong muli sa labas ng kinalakihan kong kwarto. Napapikit ako nang bahagya nang masilaw ang aking mga mata at napangiwi nang tuluyang dumapo ang init ng araw sa aking balat. Ganito pala ang pakiramdam ng kalayaan. Walang kandadong pinto, walang makapal na pader. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa mundong hindi na pamilyar sa akin, o yayakapin ang bagong buhay na matagal ko ng hinihiling sa Diyos. Tumingala ako sa langit at nang may dumaang tila lumilipad ay hindi ko mapigilan ang mapatalon sa tuwa. Dahil sa ilang taon kong pagtingala sa kisame, ngayon ay asul na langit na may lumilipad na ibon ang nasisilayan ko. “Ibon? Ibon ba 'yon?!”saad ko habang nakaturo sa langit. Napahinto ako dahil sa sobrang tuwa at malapad ang ngiti na humarap sa lalaking nakaalalay sa akin na si Apollo. Halos isang daliri na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa kaya kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha at bahagyang gulat sa mga mata niya. “May ibon!”bigkas ko at ngumiti. Napakurap lang siya at tumikhim saka nag-iwas ng tingin. “That was just a sparrow bird. There's nothing special about that bird,”aniya na iginiya na ako palabas. Nagtaka naman ako at napatingin na lamang sa paligid saka huminga nang malalim pero agad akong napaubo nang may ma-amoy akong kakaiba. Maraming sasakyan akong nakikita ko sa gilid at may mga babaeng kapareho ng sout ni Manang Luz na punong-puno ng pagtataka ang mga mukha. Sa gilid ay may isang lalaking may hawak na kung ano at inilalagay sa bibig saka umuusok. “Hi, I'm officer Liam Salazar,”pakilala ng lalaking umuusok ang bibig. Tinapon nito ang hawak at naglahad ng kamay sa harapan ko. Mabilis akong napaatras at nagtago sa likod ni Apollo dahil sa takot. Tinitigan ko lang ang kamay ng nagpakilalang Liam. Pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa kamay nito kaya inabot na ito ni Apollo. “I'm Apollo Calientes, officer,”pakilala niya at nilingon akong nasa likuran niya. “She's Raelle. Hindi ko alam ang relation niya sa mga Olivarez but I think she's not their family.” “How did you find her?”tanong ng officer. “I mean, you and Freya Olivarez grew up together, you're almost a family to them. Baka nga halos araw-araw kang nasa bahay nila, hindi mo man lang napansin? How did you only find her now?” “I found her by chance or maybe curiosity led me to her. I am not that kind of man who wanders into someone's personal space just because we grew up together, Officer.”sagot ni Apollo. “And I can't just stand there pretending I know nothing while someone is being held captive behind closed doors, imprisoned by the people I've known for almost my entire life.” “Well, that's impressive,”sagot ng officer at nagtaas ng kilay. Ngumisi lang si Apollo. “I may be a shameless flirt, Officer. But that doesn't make me a bad man to tolerate bad people.” “Ako na ang bahala sa kaniya, huwag ka ng mag-alala masyado,”natatawang saad ng pulis at hinawakan ako sa braso dahilan para mapaigtad ako dahil sa gulat at takot. “A-Ayokong sumama,”saad ko at humawak sa dulo ng damit ni Apollo. “Raelle, sumama ka sa kanila. Hindi sila tulad ng mga taong nagkulong sa 'yo,”aniya kaya bumitaw na ako. Ngunit nang hahakbang na ako paalis ay agad akong natigilan dahil hawak parin ni Apollo ang braso ko. “Mister Calientes? May problema ba?”tanong ng officer. “Everything is probably new to her,”anito at tiningnan ako. “Please, take care of her, officer.” “Wala kang dapat alalahanin, Sir. We have a lot of facilities for people like Raelle.” Tumango lang si Apollo at tuluyan na akong binitawan. Iginiya naman ako ng pulis papunta sa isang sasakyan. Namamangha pa akong hinawakan ito at napangiti. Binuksan nito ang pinto at hinawakan ako sa ulo saka bahagyang itinitulak papasok. Nagtataka man ay sumunod naman ako. Napatingin pa ako kay Apollo na nakatayo lamang habang nakatitig sa akin. Siya lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay Manang Luz na hindi ko makita. Nang akmang isasara ang pinto ay agad kong pinigil ito kaya kunot noong lumapit sa akin si Apollo. “Raelle, bakit?”anito na alam kong pag-aalala ang nasa mukha. “Na-Natatakot ako,”pag-amin ko. “Huwag ka mag-alala, mabubuti silang tao. Tutulugan ka nila,”nakangiti niyang sabi at hinawakan ako sa ulo. “Huwag ka matakot, Raelle. Ito ang totoong mundo, hindi ang apat na sulok ng basement kaya kailangan mong maging matapang.” Dahil sa mga salitang iyon ni Apollo ay gumaan ang dibdib ko at bahagyang nawala nang kaunti ang takot. Tama siya. Ito ang totoong mundo kaya kailangan kong harapin ito. Tumango lang ako at nang tuluyang isara ng pulis ang pinto ay ngiti at kaway ni Apollo ang huli kong nakita bago ito umandar paalis. MATAPOS ANG ILANG oras na tanong sa akin ng ibang pulis ay dinala na ako sa isang malaking tila bahay. Medyo nahihilo at nasusuka pa ako dahil sa pagsakay sa kotse pero hindi ko alintana iyon nang makita ang iba't ibang babaeng nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot kaya nagtago ako sa likod ni officer. “Officer Salazar!”wika ng isang matandang babae. “Lydia, siya si Raelle. A victim of serious illegal detention and kidnapping for 15 years,”paliwanag ng officer at napabuntong-hininga. “She was isolated in the world. Wala siyang alam sa mundo, Lydia. You need to give her time.” Nanlaki ang mata ng matandang babae at tumango. “Sige, officer. Ako na po ang bahala.” Matapos niyon ay umalis din agad si Officer Salazar at naiwan ako. Ngumiti sa akin ang matandang babae at hinawakan ako sa braso sala iginiya papunta sa loob ng malaking bahay na puro babae ang nasa loob. Iba't-ibang babae, may mahaba ang buhok, may maikli, may maputi at hindi. Mayroon ding naka-upo sa de-gulong na upuan, may tahimik at mayroon ding napakaingay. “Raelle, ako si Nanay Lydia, ako ang nanay dito sa Bahay ni Sta. Luisa,”aniya kaya tumango ako. “Huwag ka mag-alala, tutulungan kitang makilala ang mundong pinagkait sa 'yo.” Nang marating namin ang isang pinto ay binuksan niya iyon. Pumasok kami sa loob at mayroon lamang dalawang kama na may kama rin sa itaas. Nanikip ang dibdib ko nang bumalik sa aking ala-ala ang basement. Nilibot ko ang paningin ko sa loob at dumiretso ako sa bintana saka binuksan iyon at lumanghap ng sariwang hangin. “Okay ka lang, Raelle?”ani Nanay Lydia. Tumango lang ako bilang sagot. “Dito ka matutulog sa ibaba sa kanang double deck. Mamaya magdadala ako ng mga damit at panloob mo. Sa ngayon magpahinga ka na muna,”anito at nakangiting lumabas. Nang tuluyang siyang umalis ay umupo ako sa higaang tinuro niya. Itinaas ko rin ang paa ko at sumiksik sa sulok habang yakap ang aking dalawang binti. Pamilyar sa aking pakiramdam ang apat na sulok, pero hindi ang bintana, mga higaan at gamit. Napabuntong-hininga ako at napaigtad nang bumukas ang pinto. “Roommate natin yung bago!”wika ng isang babaeng may peklat sa pisngi. Nakangiti ito habang tulak-tulak ang upuang de-gulong. Kasama din nito ang isa pang babae na maikli na tila panglalaki ang buhok na umakyat sa itaas ng double deck saka humiga. “Hi! Ako si Dianne! Biktima ako ng long term physical abuse ng step-aunt ko”wika ng may peklat na babae. “Ito naman si Waynona, biktima ng sarili niyang baliw na nanay na ginawa siyang may sakit kahit wala naman, at yung nasa taas. Si Rarity, biktima ng human trafficking na ginawang magnanakaw sa kalsada ng mga sindikato. E ikaw?” Napakurap ako sa haba ng sinabi niya. Hindi ko masyado naintindihan ang mga sinabi niya basta ang alam ko ay nakaranas din sila ng abuso tulad ko. Tumikhim ako at ngumiti nang bahagya dahil alam kong mabuti silang tao. “A-Ako si Raelle. K-kinulong ako sa basement ng labinlimang tao...” Sabay-sabay silang napasinghap sa sinabi ko at yung isa sa itaas na si Rarity ay napabangon at sumilip sa akin. “Seryoso? Ibig sabihin wala kang alam sa mundo?”anito kaya tumango ako. “Nakakita ka na ba ng malls? Simbahan? O kaya ng eroplano? E marunong ka ba magbasa o magsulat?”sunod-sunod na tanong ni Dianne. Umiling ako. “Pero marunong akong magbasa ng kaunti at magsulat. Tinuruan ako ni Manang Luz.” “Swerte mo parin, may nag-aalala sa 'yo,”wika ni Rarity. “Rarity is right. Maswerte ka pa rin dahil wala kang alam kung gaano kasama ang mundo,”wika ni Waynona at ngumiwi. “Maganda ka, makinis, sobrang maputi, maganda at mahaba yung buhok. Mukhang hindi ka naman nila sinasaktan kasi wala kang visible injuries kaya maswerte ka nga.” Hindi sinasaktan? Hindi lang nila alam na halos araw-araw akong bugbugin ni Madam Faye at Freya noon dahil lamang sa hindi maganda ang mood nila. Sapilitang hinalikan ni Francis kahit ayoko at hindi pakainin ni Don Henry ng limang araw. Wala silang alam sa pinagdaanan ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at nag-iwas ng tingin dahil wala na rin naman akong lakas sumagot. Anong gagawin ko ngayon sa buhay ko? Si Apollo? Kailangan ko siyang makita..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD