Chapter 4

1684 Words
RAELLE “ANG BOBO MO naman?!”singhal sa akin ng isang babae at lumapit. “Ang sabi ko, sabunin mo yung mga plato! Hindi basagin!” Napakurap ako at sunod-sunod na humingi ng pasensya. Ito ang unang beses na naghugas ako ng pinggan dahil noon sa basement ay kung hindi plastic na kainan ay papel na pinggan ang binibigay sa akin. Mabilis kong pinulot ang mga basag na parte ng pinggan at napangiwi nang maramdaman kong nasugat ang aking daliri. “Aray!”daing ko at tumayo saka umatras. Sa pagatras ko ay natapakan ko ang isa pang babae na may bitbit na pinggan na may lamang tirang ulam. “Ano ba?!”sigaw nito at hinawi ako. Napasinghap ito sa nakita. “Bakit nabasag ang mga baso?!” “Yang bago, hindi marunong maghugas,”wika ng isa. “Hindi ka marunong? Bakit? Ano ka ba? Prinsesa?”saad ng bagong dating at hinawakan ako sa damit. “Hoy, wala akong pakialam kung isang Calientes ang nagligtas at nagdala sa 'yo dito. Pantay-pantay tayo na biktima ng karahasan dito kaya umayos ka.” “H-Hindi ko sinasadyang mabitawan—” “Sasagot ka pa e,”wika ng isa at tinapunan ako ng hawak nitong ulam at marahas na inabot sa akin ang pinggan. “Ayan, hugasan mo rin.” Matapos niyon ay umalis na ang mga ito at naiwan ako sa kusina na bukod sa tambak ang mga pinggan at may mga basag na baso sa lapag ay basa pa dahil sa ulam na tinapon sa ulo ko. Napabuntong-hininga ako at pinulot ang mga basag na baso. Siguro, mas okay na ito kumpara sa basement kung saan binubugbog ako nila at hindi pinapakain. “Raelle! Anong nangyari sa 'yo?”wika ni Dianne at lumapit sa akin. “Hala! Dumudugo yung kamay mo!” “Okay lang ako, Dianne. Sige na, ako na bahala dito,”wika ko pero sa halip na umalis ay tinulungan niya ako. “Alam mo, Raelle. Ganiyan talaga sila Lucy at Sandra. Isusumbong ko sila kay Nanay Lydia!”Inabot niya ang kamay ko at nilagyan niya iyon ng benda. Ngumiti ako. “Salamat, Dianne. Ang bait mo talaga. Para kang si Manang Luz.” “Sus, ano ka ba! Sige na, ako na bahala maghugas dito. Doon ka na lang sa labas, magpahangin ka.” Tumango ako. “Okay!” Masaya ako at nakangiting naglakad palabas. Palinga-linga pa ako dahil lagi kong nakakalimutan ang daan papunta sa hardin. Tatlong araw na rin ako sa tahanang ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakalabas na ako. May mga nakakatakot na panaginip pa rin ako sa gabi pero nakakaya ko na. Nang makarating ako sa hardin ay naabutan ko sina Lucy at Sandra na may tila ba hinihithit. “Anak ng?!”gulantang ni Lucy at binitawan ang hawak saka tinapakan iyon. “P-pasensya na,”saad ko at tumalikod dahil natatakot akong makasama sila sa iisang lugar. Akmang aalis ako nang biglang may humaklit ng aking buhok. Napaigik ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking anit. Napahawak ako sa kamay ng may hawak sa ulo ko at nang hilahin niya ako ay wala na akong nagawa kundi mapasunod. Marahas niyang binitawan ang buhok ko kaya napasubsob ako sa damuhan. “Simula nang dumating ka dito, hindi ka man lang namin nakitang kumilos sa chores. Ang swerte mo naman!”sigaw ni Lucy. Siya kasi ang nag-utos sa akin na maghugas ng pinggan kanina. “Oo nga! Porke't isang Calientes ang nagdala sa 'yo dito, nagkaroon ka ng special treatment?”dagdag naman ni Sandra. Hindi ako sumagot dahil ang totoong dahilan ay hindi ko rin kasi alam kung bakit ako hindi pinapakilos ni Nanay Lydia. Tumayo ako at pinilit ko ang sarili kong hindi umiyak dahil kailangan kong maging matapang. Pag umiyak ako, mas lalo akong sasaktan ni Lucy at Sandra. “Pasensya na po kayo,”wika ko. “Huwag kayong mag-alala, lahat ng trabaho niyo ako na ang gagawa.” Kita ko naman ang pag-angat ng sulok ng labi ni Lucy. “Talaga?” Tumango ako. “O-Oo.” “Sabi mo 'yan ha,”anito at naglakad palapit sa akin. “Linisin mo yung banyo. Gusto ko kumikinang sa linis.” Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang bilang sagot. Nagtawanan lang silat at sabay na umalis sa hardin. Naiwan akong nakatayo pa rin at napabuntong-hininga. Mas maigi na ito, na ako ang gumawa ng mga gawain nila kesa naman saktan din nila ako katulad ni Freya. PAWIS NA PAWIS AKO habang naglalakad papunta sa kusina dahil oras na ng lunch time. Kakatapos ko lang maglinis ng banyo sa itaas kaya gutom na gutom na ako. “Raelle!”sigaw ni Dianne at hinila ako paupo kasama si Way, at Rarity. “Hello, Dianne,”saad ko. “Kinuhanan ka na namin ng pagkain,”ani Way at ngumiti ng tipid. “Oo nga! Alam mo bang nakipag-agawan pa si Rarity sa siopao na 'yan kasi alam niyang hindi ka pa nakakatikim niyan!”singit ni Dianne at inabot sa akin ang isang bilog na kulay puti. “Hindi ako nakipag-agawan diyan 'no!”sabi ni Rarity. “Salamat, Rarity!” Habang kumakain kami ay naramdaman ko na lang na para bang may na tubig ang tumapon sa akin dahilan para mapahinto ako sa pagkain at napatingala. “Hoy! Lucy! Anong ginagawa mo?!”singit ni Dianne. “Naghahanap ka ba ng away, Lucy!”sagot ni Rarity na tumayo at lumapit pero hinarang siya ni Sandra. “Sorry, dumulas kasi sa kamay ko,”ani Lucy at ngumiti sa akin. “Sorry, Raelle ha.” Ngumiti ako. “Okay lang 'yon, Lucy.” “Anong okay?!” “Dianne, dumulas sa kamay niya, okay lang ako,”singit ko. “Magbabanyo muna ako para magpunas.” Tumayo ako at naglakad pero agad akong natumba nang may paa na pumatid sa akin. Napahawak pa ako sa pagkain ng kasunod na lamesa kaya tumapon sa akin ang pagkain nito. Napasinghap ang lahat at lumapit sa akin si Rarity at Dianne. “Hala! Sorry, Hindi ko sinasadya,”wika ni Lucy. “Ikaw—” Hindi natuloy ni Rarity ang gagawin niyang pagsugod nang pigilin ko siya at nginitian. Tumayo ako at nagpagpag ng buhok at damit dahil puro ulam na ako. Naglakad ako ng diretso papunta sa banyo para magpunas habang sila ay titig na titig sa ginawa ko. Habang naglalakad ay may isang pamilyar na bulto akong napansin na papasok ng opisina ni Nanay Lydia. “Apollo?” Hindi ko na ito nilingon pa ulit. Nagkibit-balikat na lamang ako at dumiretso sa banyo. Imposibleng si Apollo iyon. Ako lamang ang nasa banyo kaya wala sa sarili akong naghubad ng damit para malinisan ko ang sarili ko nang maayos. Napaigtad ako nang may marinig ako singhap at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Dianne, Rarity at Waynona na nakatitig sa akin at nanlalaki ang mga mata. “A-Ano 'yan?”tanong ni Rarity nang makita niya ang likuran ko. Agad naman na sinara ni Dianne ang pinto. “Is that scars?”ani Way. “Ang... Ang dami mong peklat sa likod...”ani Dianne. Ngumiti ako. “Punching bag... 'Yan ang tawag sa akin nila Freya dati...” Kitang-kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nila. At wala silang sabi-sabi na yumakap sa akin. Tinulungan nila akong maglinis. SUMAPIT NA ANG GABI at kailangan ko ng matulog. Pagod na pagod ako dahil sa pagkuskos ko sa lababo ng banyo sa ibaba naman. Hindi na rin ako nakakain dahil kinuha ni Lucy at Sandra ang hapunan ko. Napabuntong-hininga ako at pumasok sa kwarto. “Hoy, saan ka galing?”salubong ni Dianne. “Naglinis ng banyo—” “Na naman? Hindi ka kumain?”tanong naman ni Waynona na abala sa pagbabasa. Umiling ako at akmang hihiga nang may bumagsak na isang balot ng tinapay sa akin. Pagtingala ko ay nakita ko si Rarity na nakataas ang kilay. “Sobra ko 'yan. Kawawa ka naman kasi,”anito at tumalikod na. Napangiti ako at umupo sa aking higaan at kinain. Napapikit pa ako sa sarap at nang nagmulat ako ay mukha ni Dianne ang nakita ko na nakangiti. Si Waynona naman ay nakangiti din na napapailing habang si Rarity ay nakatitig din na agad umiwas ng tingin. “Ang cute mo!”ani Dianne na hinawakan ako sa ulo. Nang matulog na silang lahat ay ako na lamang ang gising. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Habang kumukuha ng tubig ay may naramadam akong presensiya sa aking likuran at nang harapin ko 'yon ay napatayo ako ng tuwid. “S-Sino ka?” Hindi ito sumagot at bigla akong sinugod. Natumba ako at agad niya akong dinaganan. Hindi ako makasigaw daw agad ako nitong sinakal sa leeg. Napahawak ako sa kaniyang kamay na nasa leeg ko at nagpupumiglas na kumawala. Hindi ko rin masyadong maaninang ang mukha nito dahil may sout itong tela. “T-Tulong...”nahihirapan kong sabi. Ramdam ko ang sakit sa aking leeg kasabay ng pagsikip ng dibdib ko dahil sa hirap na paghinga. Napatingin ako sa paligid kahit halos maduling na ako. Nang may makapa akong matigas na bagay ay kinuha ko iyon at pinukpok sa ulo nito. Nabitawan niya ako at napahiga ito sa sakit. Malakas akong napasinghap para maghabol ng hininga. Dali-dali akong tumayo at akmang tatakbo nang may humila sa buhok ko at pabalya akong isinandal sa pader dahilan para tumama ang ulo ko sa pader. Napapikit ako sa sakit. “Hey! f**k!” Walang lakas akong napahiga sa lapag nang bitawan ako at habang ang taong gusto akong patayin ay tumakbo naman palabas. Agad na lumapit sa akin ang bagong dating na hinawakan ako sa pisngi. “Hey, Miss? Okay ka lang?” Bago ako tuluyang kainin ng dilim ay mukha ng isang gwapong estrangero ang rumehistro sa paningin ko. “T-Tulong...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD