Chapter 5

1877 Words
Zia ‘’Saka na lang po ako kakain Boyyi, masakit po ang ulo ko.’’ Bahagya akong ngumiti nang sabihin iyon kay Boyyi. Maraming nakahain na pagkain sa mesa. Pero hindi ko magawang magutom. Kumunot ang noo niya, nakitaan ko rin siya ng pag-aalala. “May lagnat ka ba iha?’’ Nag-aalala na tanong sa akin ni Boyyi. Hinaplos niya pa ang aking pisngi. Umiling ako. ‘’Wala naman po, I am just tired.’’ Sagot ko. Tumango siya sa sinabi ko. Tapos ay hinaplos niya ako sa balikat. ‘’Mabuti pa siguro, umakyat ka muna sa kwarto mo at magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita mamaya kapag dumating na si Xennon. You have to meet him.’’ Aniya. Bumuntong hininga ako at bahagyang umiling. ‘’Fine…’’ Walang buhay na sagot ko. Sino ba kasi ang Xennon na iyon at bakit kailangan ko pa siyang makikilala? ‘’Belen, samahan mo nga muna si Zia sa kwarto niya, dalhin mo na rin ang bag niya at nang makapagpalit muna.’’ Utos ni Boyyi kay Manang Belen. ‘’Opo Senyor,’’ Agap niya tapos ay agad niyang binitawan ang kung anong ginagawa niya sa kusina. ‘’Magandang araw po Ma’am Zia.’’ Nakangiting bati sa akin ni Manang Belen nang makalapit sa akin. ‘’Zia lang po Manang, parang hindi niyo naman po ako nakasama dati,’’ Nakangiting tugon ko. ‘’Ikaw talaga bata ka. Nakakahiya naman, iba na noon.’’ ‘’Pero ako pa rin po si Zia.’’ Mabilis na tugon ko. ‘’Zia, na hindi pa nagbabago hanggang ngayon, ang Zia na iyakin!’’ Asar naman ni Omma na biglang sumingit sa usapan namin. ‘’Hindi ah,’’ Bawi ko naman sa sinabi niya na siyang ikinatawa nila. ‘’Halika na Zia, nang makapagpahinga ka na.’’ Tawag sa akin ni Manang Belen nang bitbitin niya ang bag kong pinasok kanina ng driver. Balak pa niya sanang kunin ang hawak kong bag pero tinanggihan ko na. Masyado na akong nagiging pabigat. Though sanay na akong maasikaso ng maayos hindi ko pa rin gusto na dumipende sa mga katulong. I want to handle things on my own. Hinatid ako ni Manang Belen sa taas. Medyo na nibago ako dahil hindi ito ang bahay na nakasanayan ko. Sa baba lang dati ang kwarto ko, katabi ng kwarto nila Omma at Boyyi. May tatlong kwarto sa taas akala ko sa bungad na kwarto ang pagdadalhan niya sa akin. Pero nilagpasan niya iyon. ‘’Kanino pong kwarto ito?’’ Tanong ko nang malagpasan iyon, tinuro ko pa kasi kaya naman nilingon niya ako. ‘’Ah, Guestroom iyan iha.’’ Sagot niya. “Hmmm… Dito ba iyong Xennon?’’ Tanong kong muli. “Hindi iha, dito sa kabilang kwarto. Ito, ito ang kwarto niya.’’ Tinuro niya ang kwarto na nasa gitna. So pati sa bahay nila Omma may sarili siyang kwarto? Ang galing ah. Apo lang ng bestfriend ni Boyyi. Parang kung ituring nila he has a property here? Parang Dana! ‘’Sa Dulo ang iyo iha. Magkatabi lang kayo ng kwarto ni Sir Xennon.’’ Aniya pa. ‘’Seriously Manang?’’ Iritadang saad ko. Bakit dito siya. ‘’Is there any other room na pwede akong mag-Stay? Like sa baba Manang? Sa tabi ng kwarto nila Omma?’’ Umiling siya. ‘’Isa lang kasi ang kwarto sa baba iha eh,’’ Agap niya. Napabuga na lang ako ng hangin. At hindi na nagsalita pa. Ewan ko ba, kahit hindi ko pa nikikita ang sinasabi nilang Xennon, Kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Masyado kasi siyang pabida kila Omma at Boyyi. He even decides the house plan. Baka kung nag hire pa sila Omma ng Architect mas maganda pa sana. Though maganda naman ang bahay pero, baka mas maganda pa kung ibang architect ang kinuha nila na gumawa ng design. ‘’Dito ang kwarto mo iha.’’ Ani Manang Belen nang buksan niya ang pinto. Ikinalat ko ang paningin ko sa paligid, light pink at puti ang kulay ng wall. Ang curtains naman ay light pink at puti rin. Sa gitna naroon ang malaking kama. Pink at puti ang kulay, may malaking comfy na carpet na nakalatag sa may bandang kanan at sa gilid ay mahabang sofa na kulay puti, tapos may malaking flat screen Tv sa gitna. Tapos sa gilid ay may isang puting mesa, nakapatong doon ang puting desktop na hindi pa nabubuksan dahil balot pa rin ng plastic. I even saw headphones na iba-iba ang kulay. ‘’Kanino iyan Manang?’’ Itinuro ko iyong desktop. Ngumiti sa akin si Manang Belen. ‘’Ah, sa iyo iyan iha. May mga damit ka rin sa cabinet, kumpleto na rin ang mga gamit mo sa banyo.’’ ‘’Sinong bumili? Si Omma?’’ Usisa ko. ‘’Si sir Xennon. Gusto niya kasi makompleto lahat ang gamit dito bago tirhan. Pero si Omma mo pa rin ang pumili syempre’’ Sagot niya. He even decides that? Marami naman akong gamit! ‘’Iyong mga gamit ko dati Manang wala na ba?’’ ‘’Ah. Iyon, eh pinahingi na ni Omma mo kay Thea iha eh. Iyong apo ko.’’ Napansin kong medyo nahiya doon. Ngumiti na lang ako sa kanya. “Bukas Manang, magtitingin pa ako ng mga gamit na pwede kong ibigay sa kanya. Iyong mga binili nila Omma. Marami akong dalang damit ko.’’ ‘’Naku, iha. Huwag. Sa iyo iyan. Si sir Xennon ang bumili doon. Hindi basta-basta ang presyo noon.’’ ‘’Sino ba kasi ang Xennon na iyon Manang? Anong pakelam niya sa bahay ng Omma at Boyyi ko? Pati ba naman gagamitin ko siya dapat ang mag-Decide? Sino siya?’’ Inis na sagot ko. ‘’Makikilala mo rin siya mamaya iha.’’ Aniya. Umiling na lang ako at bumuntong hininga. Pagkatapos niyang ayusin ang ibang mga gamit na dala ko ay iniwan din ako ni Manang Belen. Naglakad ako papunta sa malaking bintana at hinawi ang malaking kurtina. Mula sa bintana ay bumungad sa akin ang magandang view sa likod. May malaking poll doon, tapos sa gilid ay garden na may mga naggagandahang mga bulaklak. Pero ang mas umagaw sa atensyon ko ay ang billiards sa shed. So pati doon meron siya? Hindi ko maiwasang hindi mainis. Kahit pa hindi ko pa nakikita ang taong tinutukoy nila ay abot langit na ang galit ko doon. Kung sino man siya, wala siyang karapatan na gawin ang gusto niya dito. Bwisit lang eh, akala ko ay wala ng bwisit sa buhay ko pag malayo na ako kila Dana, ngayon ganito ang nadatnan ko? Bumuga ako ng hangin at pabagsak na umupo sa kama. Ilang sandali kong tinitigan ang ceiling. Blangko ang isip ko sa mga pagkakataong ito, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng magandang iisipin ko. This life was tough. Hindi ko alam kung paano pa ako nakaka-Survive. Minsan ang unfair ng mundo. Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ng muling balikan sa ala-ala ko ang naging tagpo namin ni Papa sa Nueva Vizcaya. Hindi na talaga siya ang Papa ko na nakilala ko. Ibang-iba na siya. I thought he will not change, minsan gusto kong tanungin siya kung talaga bang minahal niya kami ng mama ko noon. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Dahan-dahan din akong humiga. Pilit kong winawaksi sa isip ko ang mga masasakit na dinanas ko. Minsan parang gusto ko na lang maglaho para matapos na ang sakit. Ang hirap ang mag-isa, I hope nandito si mama. Sa tahimik na silid ako tuluyang gumagolgol ng iyak. Hanggang sa nakatulugan ko na iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal, basta nagising na lang ako sa ilang katok sa pintuan. Medyo nahilo pa ako noong bumangon, kaya dahan-dahan akong tumayo. Upang buksan ang pintuan. ‘’Boyyi…’’ Matamlay na bungad ko nang mabuksan ang pinto. ‘’Nakapagpahinga ka na ba iha?’’ Nakangiting tanong niya. ‘’O—opo,’’ Huminga ako ng malalim kahit gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog dahil medyo mabigat ang ulo ko. ‘’Pwede bang samahan mo kami sa baba iha? Ipakikilala lang kita kay Gobernor. Kumunot ang noo ko. ‘’Doon sa Xennon?’’ Naging iritada ako. Ngumiti si Boyyi sa akin at umiling. ‘’Hindi iha,’’ Aniya. Kaya naman agad akong tumango sa kanya. ‘’Ayusin ko lang po ang sarili ko Boyyi.’’ Paalam ko. ‘’Okay— but don’t take your time, naghihintay sila.’’ Aniya. ‘’Sinong sila?’’ Tanong ko muli. ‘’Just go down iha,’’ Agap niya. ‘’Okay.’’ Maiksing sagot ko. Gaya ng sinabi ni Boyyi, I didn’t take my time. I just took a fast shower tapos nagpalit lang ng damit. Nag-suot lang ako ng maxi dress na na lagpas tuhod, formal naman siya tignan kaya hindi nakakahiya sa Gobernador na kaibigan daw ni Boyyi. Pababa pa lang ako sa hagdan nang makita sina Boyyi at Omma na nakaupo sa sala. Their attention was on me. Nahiya pa nga ako dahil ako lang ang tinitignan nila. ‘’Siya na ba si Zia?’’ Tanong ng matandang lalaki na nakaupo sa tapat ni Boyyi, nang makababa ako. ‘’Oo. Siya nga Carlos, ang nag-iisang apo ko.’’ May pagmamalaking saad ni Boyyi sa kausap niya. ‘’Good evening Sir, Ma’am.’’ Nakangiting bati ko sa matandang kausap ni Boyyi at sa kasama niyang babae na medyo may edad na rin. Kung hindi ako nagkakamali ay halos kaedad lang siya ni Omma. ‘’Good evening too iha. Napakagandang bata.’’ Manghang sabi ng matandang lalaki. Bahagya akong ngumiti, ‘’Salamat po Sir,’’ Hiyang sagot ko. Umupo ako sa tabi ni Omma sa gilid. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Ilang beses akong inalok ni Boyyi ng meryenda pero juice lang ang ininom ko. ‘’Nasaan na pala si Xennon at nang maipakilala ko naman siya kay Zia.’’ Halos masamid ako nang marinig ang sinabing iyon ni Boyyi. Hindi ko tuloy makontrol ang sarili ko sa inis. Kaya naman napasimangot ako. Siguro ay napansin iyon ng babaeng kasama nila. Kaya siya siguro tumawa. ‘’Mukhang wala yata sa mood si Zia,’’ aniya pa. Kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko rin sila Boyyi at Omma na ngayon ay nakatingin sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanila. ‘’Nasaan na po siya?’’ Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Gusto yatang magwala! ‘’Sandali lang at ipatawag natin kay Belen,’’ ani Boyyi. Tumayo siya at pinuntahan si Manang Belen. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Boyyi basta ang narinig ko lang ay nasa bilyaran daw siya kasama ang mga barkada niya. Wow! Ah, nagdala pa siya ng mga barkada niya dito! Ilang sandali pa ay bumalik din si Boyyi sa sala. Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat kahit sobrang naiirita na ako. Why do I have to wait for someone na gusto kong sampalin? Hindi yata ako interesadong makilala ang hinayupak na pakealamerong iyon! Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwentuhan nila. May minsang ngumingiti rin ako kapag nagtatawanan sila, kahit hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan sa harapan. Napalingon kaming lahat doon, pero dahil iyong Xennon na ipapakilala nila sa akin ang alam kong ibubuga noon ay agad akong nag-iwas ng tingin doon. ‘’Pinapatawag niyo daw po ako Boyyi?’’ Hindi ko alam kung bakit noong narinig ko ang boses na iyon ay bigla akong kinabahan, mabilis akong nilingon iyon. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita siya. ‘’Ikaw?!’’ Halos sabay naming sinabi sa isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD