Chapter 4

1754 Words
ZIA PABAGSAK akong umupo sa loob ng sasakyan. Nauna na akong lumabas, sumabay kasi ako kay Manang Myrna kanina nang makitang dala na niya ang mga gamit ko. Iniwan ko na si Omma sa loob dahil hindi ko na kakayanin pang pakinggan ang masasakit na salita ni Papa sa akin. Malungkot akong bumuntong hininga nang maramdaman ang pag-init ng aking mga mata. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang nagbabadyang pag-iyak. ''Iha...'' Napalingon ako sa pintuan ng sasakyan nang marinig doon ang tinig ni Manang Myrna. Pakiwari ko'y naiiyak siya sa tono niya. Umusod ako palapit doon at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. ''Manang...'' May kung anong kirot sa puso ko nang sabihin ko iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maluha nang makitang pinunas na niya ang mga mata niya. She's crying. ''Iha. Balikan mo ako dito ha?'' Umiiyak na saad niya. Ilang segundo ko munang pinagmasdan ang mansyon. Baka siya sinagot. ''Sa tamang panahon Manang...'' malungkot na saad ko. ''Mag-iingat ka doon ah,'' Nanginig ang boses niyang sinabi sa akin. Tapos ay inabot niya ang dalawang kamay sa akin at niyakap ako. Humagolgol siya ng iyak. Panay ang bilin niya sa akin na huwag akong magpapagutom. She use to take care of me since I was a child. Parang siya ang tumayong mama ko. Akala ko nga dati siya talaga ang mama ko. Because all I know family has a father, a mother and children. Si Manang Myrna ang laging kasama ko. My dad wasn't like this before. My life wasn't like this either. I have a perfect and happy family. pero nagbago lahat nang mamatay si mama. Nanginig ang mga labi ko. Pumikit ako at hinayaang kumawala ang mga luha ko. Habang mahigpit na nakayakap kay Manang Myrna. I barely opened my eyes and took a glance on the mansion. Medyo malabo iyon dahil sa mga luha sa mata ko. Muli akong pumikit. The pictures from yesterdays started playing on my head. Para kong naririnig ang mga tawa naming tatlo nila papa. I was so loved that time. ''Myrna!'' Bumitaw ako sa pagkakayap kay Manang Myrna nang marinig ang tawag na iyon ni Lucy, my dad's mistress! ''Tatawagan mo ako palagi ha? Iha.'' Bilin sa akin ni Manang Myrna. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko. ''Opo Manang. Kukunin po kita dito,'' Patango-tango kong tugon sa kanya. Humawak din ako sa mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko, bago muling yumakap sa kanya. ''Myrna! Ano ba!'' Sigaw muli ni Lucy. ''Ay, naku ang impaktang 'to, nariyan na po Senyora!'' Inis na sigaw ni Manang Myrna. "Sige na iha. Mag-iingat ka doon ah.'' Bahagya akong natawa. ''Kayo po ang mag-ingat dito, dahil maiiwan po kayo sa mga bruha,'' Natawa ako sa sinabi ko. ''Subukan lang nila.'' Matapang niya pang sinabi sa akin, bago tuluyan nang magpaalam. Pinagmasdan ko siya habang papasok sa mansyon. Kumaway pa siya sa akin nang makapasok. Naging tahimik muli ang paligid ko nang maiwan na naman akong mag-isa sa sasakyan. This kind of silence makes me think that peace is more important than fighting for the family that I only have. A family? I smirked. That is not a family, I was once have. And that was once upon a time. Parang sa kwento lang may mga kabanatang hindi nagtatapos sa tuldok. Huminga ako ng malalim at tamad na sumandal sa upuan. Tumingala ako at pumikit. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako. Marahil sa nangyari sa akin kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o magalit sa lalaking iyon. Muntik ba naman akong saktan, kailangan ko pang makipag-away sa kanya at umiyak bago ako makaalis doon? Hindi ko namamalayang mapabuga ako ng hangin at wala sa sariling nagdada. Dapat lang na hinatid niya ako no! Because he did something bad to me, pinagbintangan pa niya akong mag-nanakaw tapos babaeng taga bar! Kainis! I swear, I don't want our journey to be cross again. ''Pag-isipan mo Rafael! You will loose everything!'' Mabilis akong umusod sa tabi ng pintuan at binuksan iyon nang marinig ang galit na boses ni Omma sa labas. Halos sabay pa silang nilingon ako. Parang nagulat din sila base na rin sa ekspresyon sa kanilang mukha. Sandali ko lang nilingon si Papa. His eyes seems like telling me something. ''Omma. Tara na po,'' Pag-aaya ko kay Omma. Nginitian ako ni Omma at tumango. ''Okay iha.'' Aniya. Muli kong nilingon si Papa, pero hindi na ako nagsabi pa ng kahit ano sa kanya. I wanted to wish na bumalik na ang dating Papa ko. I loved him so much, kahit hindi na niya ako mahal. Muli akong bumalik sa kabilang gilid. Para hindi ko na marinig pa ang kung anong pag-uusapan nila sa labas ay kinuha ko na lang ang headset at nagpatugtog. Even if you don't see me dear, even if I wasn't there. Remember I love you and forever you're here. In this heart alone. If oneday you will ask me why? This love will tell you why, because this love is sacrifice. I love you forever remember this my dear. I smiled bitterly. I know my mom would tell me this. I hope she was here. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Bahagya kong nilingon si Omma. ''Let's go?'' Nakangiti niyang sinabi sa akin. ''Let's go Omma. I want to see Boyyi, I miss him so much.'' Saad ko sa kanya. ''Jeffrey. Tara na?'' Saad ni Omma sa driver ba kapapasok lang din. ''Sige po La,'' Dinig kong sagot ng lalaki. ''Ilang taon bang hindi ka nakapasyal sa San Mateo iha?'' Tanong sa akin ni Omma. Umusod pa siya sa tabi ko, hanggang sa magdikit ang mga katawan namin. She even caressed my hair. Bahagya niyang inayos iyon. Bumuntong hininga ako. ''4-years? Maybe?'' Medyo litong sagot ko. Ngumiti siya at tumango-tango. ''That's a while.'' ''mmmm...hm.'' Maikling sagot ko. ''Alam mo bang marami nang nagbago sa rancho iha? Magugulat ka kapag nakita mo, maninibago ka. Kasi hindi na iyon katulad ng lugar na nakasanayan mo tuwing nagbabakasyon ka.'' Kwento ni Omma. ''I won't be surpise Omma. Sa tagal ng panahon.'' Sagot ko. ''But that place will always be my favorite. Kasi----'' ''Kasi si Alec?'' Natawang saad niya. Natawa din ako sa sinabi ni Omma. ''Its' not because of Alec Omma. I want the peacefulness there. Remember? Kasi ako lang lagi mag-isang naiiwan doon sa bahay?'' Pagpapaalala ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko. ''Ay, naku iha. Hindi ka na mag-iisa doon ng madalas.'' Aniya. ''Hindi na po kayo busy ni Boyyi, Omma?'' kuryosong tanong ko. I want to spend more time with them, hindi ko balak magtagal sa Rancho, I will plan to search for a job sa Manila after ng isang buwan siguro. ''Hindi. Kasi laging naroon si Xennon.'' Aniya. Kumunot ang noo ko. ''Iyang Driver?'' kuryosong tanong ko. ''Jeffrey po ang pangalan ko.'' Pagsingit ng driver sa harap. ''Ah, oo nga pala.'' Wala sa sariling tugon ko. Binanggit pala ni Omma ang pangalan niya kanina. ''Eh. Sino si Xennon, Omma? Nagsalubong ang aking mga kilay sa tanong ko. ''Si Xennon iyong apo ng bestfriend ng Boyyi mo, iha.'' ''Inampon niyo po?'' Agad na tanong ko. Na ikinatawa nilang dalawa ni Jeffrey. ''Hindi, Iha. Madalas lang iyong magbakasyon doon. Ewan ko ba sa batang iyon, dahil noong naumpisahan na niyang dumalaw-dalaw sa amin ni Boyyi mo ay lagi na siyang nagbabakasyon sa Rancho. Pero mabait ang batang iyon. Tiyak na magkakasundo kayo kapag nagkita kayong dalawa.'' Nakangiting kwento sa akin ni Omma. Hinaplos pa niya ang palad ko. Marami pang ni kwento sa akin si Omma. Kaya lang nang mapansin niya sigurong tahimik na lang ako na nakikinig sa kanya ay tumigil din siya. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng selos sa tuwing binabanggit niya iyong Xennon. Kung magkita man kami no'n ipapaalala ko sa taong iyon na ako lang ang apo ng mga Medina. Tahimik akong tumingin sa labas, sa mga naglalakihang mga puno at naglalawakang maisan na nadadaanan namin. Kahit paano ay naaliw ako sa tanawin. It tooks us 3 hours bago makarating sa Rancho. Pinagmasdan kong maigi ang lugar, ang dami nga talagang nagbago. Pati ang bahay nagbago na rin. Dati, flat house lang iyon. Simple lang na bonggalow, ngayon... Two storey na at modern design pa. Gray at puti ang kumbinasyon ng kulay. Gaya ng in-Expect ko kanina, maraming mga bulaklak sa paligid. I know, Plantito at Plantita ang Lola at Lolo ko. Hindi tuloy maiwasang ma-Star struck ako sa ganda ng lugar. ''Plano lahat ito ni Xennon iha.'' Nakangiting saad sa akin ni Omma nang tumigil ang sasakyan. ''How come? He planned all this? You must me kidding Omma. I know Boyyi did it. Masyado niyo po yatang In-Admire iyong Xennon, or maybe to tell me that I should be friend of him Omma?'' Nakangiti Pero may iritasyon sa boses ko. Napansin ko ang pagbabago ng exspresyon ni Omma. Pero sa kabila noon ay ngumiti pa rin naman siya sa akin. Pero hindi na niya sinagot pa ang sinabi ko sa kanya. ''Iyan, na. Iyan na ang Boyyi mo iha,'' masayang saad sa akin ni Omma. Itinuro niya ang banda sa balcony ng bahay. Doon nakita kong masaya at nagmamadaling bumaba si Boyyi, upang salubungin kami. ''Alam ni Boyyi na darating ako Omma?'' ''Oo, iha. Pinatawagan ko siya kay Jeffrey kanina.'' Sagot ni Omma. Hindi ko na hinintay pa ang driver na pagbuksan ako. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at patakbong niyakap si Boyyi. ''Zia!'' Sigaw niya pa. Noong yakapin niya ako. It was a warm and tight hug. Medyo matagal niya akong hindi pinakawalan. Panay din ang halik niya sa aking noo. ''I thought you don't want to come here. Busy ka daw palagi sa trabaho mo sabi ni papa mo,'' ani Boyyi. ''I swear, I planned to visit you here many times Boyyi. But papa didn't let it to happened. Buti na lang dumating si Omma.'' Masaya kong sabi sa kanya. ''Pumasok na muna tayo sa loob iha, kumain ka muna doon, marami akong ipinahandang pagkain para sa iyo. Saktong darating din daw ngayong araw si Xennon. Maipapakilala na rin kita sa wakas sa kanya iha,'' kwento sa akin ni Boyyi habang paakyat ng hagdan. Nginitian ko na lang siya. But deep inside me I am not interested to meet him. Hindi ko pa siya nakikita bida-bida na siya sa Grandparents ko, di mas lalong pabida na siya kung malaman niyang nandito na ang tunay na apo ng mga Medina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD