ZIA POV'S:
Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan, pumwesto ako kanina sa may passenger seat, pero pinalipat niya ako sa tabi niya. Diretso lang ang tingin ko sa harap. Halos ayaw kong igalaw ang ulo ko. Pinapakiramdaman ko din siya.
"May nakita ka kagabi?" Nilingon ko siya at nagkatinginan kami. Nanlaki ang mga mata ko, ramdam ko din na uminit ang noo at pisngi ko. Umiling lang ako.
Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko sa kanya.
"Are you working in the bar?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong tingin ng lalaking 'to sa akin?
Inis ko siyang nilingon.
"Hindi ako pok-pok!"mapakla kong sagot.
"The f*ck, that's not what i mean," iritado niyang tugon.
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Eh, iyon ang tinanong niya. Kailangan ko pa ba kayang ulit-ulitin sa kanya ang sinabi ko kanina?
Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan. Hindi ko agad napansin nasa harap na pala kami ng bahay. Nagtaka tuloy ako kung bakit alam niya kung saan ako nakatira. Hinayaan ko na lang, marahil ay nasabi ko sa kanya kanina, kung saan baka nakalimutan ko lang dahil sa dami ng iniisip ko. "Salamat," mahinang wika ko sa kanya. Hindi siya sumagot ni hindi din niya ako tinapunan ng tingin. Agad akong bumaba ng sasakyan medyo napalakas pa ang pagkasara ko ng pinto. Hindi ko na rin siya nilingon at dumiretso na lang din ako.
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko binuksan ang pinto. Malakas ang pagkatulak ko.
na siyang ikinaagaw atensyon nila Papa at ang mag-inang Lucy at Dana na nakaupo sa sala.
Malawak ang sala maaliwalas, mukha lang nakakamalas sa paningin dahil araw-araw mong makikita ang pagmumukha ng mag-ina sa umaga.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Papa at nakapamewang na tumayo, madilim ang mukha niya, habang ang mag-ina nama'y patagilid akong tinignan ng masakit na may pamimintas.
I glared at them too and smiled with a wry smile on my face.
Diretso na sana ako sa taas pero nagsalita si Papa. Kaya huminto ako at walang ekspresyong nilingon siya.
"Where have you been Zia?" Galit niyang tanong. Hindi ako nagsalita mariin kong pinaglapat ang mga bibig ko.
Humakbang nang dalawang hakbang si Papa. "Zia! Tinatanong kita!" Bulyaw niya. Hindi din nakaligtas ang paggitgit ng ngipin niya.
Akala ko kaya ko nang ignorahin ang ganitong trato sa akin ni Papa, hindi pa pala, iyong isipin na nalagay ako sa panganib pero ganito pa ang bumungad sa akin pag-uwi. Pati din ba siya ay gusto din akong mawala? Anong klase siyang ama? Binaling ko ang tingin sa hagdan na paakyat sa kwarto ko at tiim akong tumitig doon.
Upang pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko, ayokong makita nila akong mahina, at hindi ako iyong klase ng tao na sasayangin ang kahit isang patak ng luha sa mga taong walang kwenta.
"Zia! I'm talking to you! Kailan ka pa naging bastos!?" Bulyaw ni Papa. Ganun na rin ba kabigat para sa kanya na umuwi pa ako? Inisip ko tuloy na baka nga kasabwat siya nila Dana. Siguro nga galit siya dahil hindi nagtagumpay ang mga sampid na mag-ina niya!
"Ano? Sasagot ka ba o hindi!?"
"Kung sasabihin ko ba sayo maniniwala ka ba? Kung sasabihin ko ba sayo ang nangyari sa akin mag-aalala ka ba? Hindi naman diba?
Dahil matagal ka nang nawalan ng pakialam sa akin! Dahil mula nang nag-asawa ka... Tinuring mo na akong parang wala lang Pa! Nakalimutan mo na may anak ka pa pala!" Walang atubiling sagot ko, halos mapiyok na rin ako dahil sa pananakit ng lalamunan ko. Hirap na hirap na akong pigilin ang luha ko. Gustong-gusto kong ipaalala kay Papa na buhay pa ako, pero wala eh, wala na talaga. Alam kong mali ang sagutin siya pero mas mali yata na hahayaan kong gawin nila ang gusto nilang gawin sa akin.
Mas mali yata kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko...dahil kahit anong gawin ko ako pa rin ang talo sa huli.
Umigting ang panga ni Papa at kinuyom ang kamao niya. Napansin kong mabigat ang buntonghininga niya. Parang gusto niya akong saktan.
Mariin akong umiling at inis na ngumisi sa kanya, dahil sa oras na sinaktan niya ako...kalilimutan kong minsan naging mabuti siyang ama sa akin.Tumayo si Lucy mula sa pagkakaupo sa tabi ni Dana.
Pawasiwas niyang kinalas ang nakahalukipkip niyang mga braso.
Humakbang siya palapit kay papa at masakit akong tinignan.
Mapang-asar na tingin ang isinukli ko sa kanya. Inis ko siyang nginitian para lalo pa siyang magalit.
I like it when she's mad. Gusto ko kasing makita ni Papa, kung paano bumuga ng apoy ang Dragon, este ang Drakula niyang Kabit!
"Bastos ka ah! Nagmana ka talaga sa impakta mong ina!" Sigaw niya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya dahil pati ang Mama kong nananahimik na ay dinamay pa niya!
"Ay! Nabastos ba kita Madam Lucy? Wag mong ipareha ang ugali ng Mama ko sa ugali ninyong mag-ina! Dahil kahit bali-baliktarin mo ang mundo! Isa ka pa ring hilaw na Asawa ng Papa ko!" Buong tapang kong sagot.
Binalingan ko si Dana na ngayo'y masakit na nakatingin sa akin.
"At baka naman pwede mong sagutin ang tanong sa akin Papa! Dana, my best in acting Step-Sister?" Tinaas ko ang isang kilay ko.
She gritted her teeth.
Nilingon siya ni papa na parang nagtataka.
"Wag mo ngang idamay sa kahibangan mo ang anak ko Zia!" Sigaw ni Lucy.
"Bakit? Natatakot ka bang mabuking siya? Hindi ba mas maganda kung sa kanya mismo manggaling?" Agap ko sa kanya. Muli kong binalingan ng masakit na tingin si Dana.
"Sige nga Dana! Bakit hindi mo sabihin kay Papa na gusto mo akong ipapatay sa tatlong lalaki kagabi?!"
"Stop, it! Zia! Wag mong pagbingan ang kapatid mo!" My Dad restrained me.
"Kapatid? Really Pa? Are you hearing yourself? O pati ikaw nasisiraan ka na rin ng bait?" Inis kong sagot kay Papa.
"I, said enough Zia, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Galit niyang banta sa akin.
Mapakla akong ngumiti at tumingin kay Papa.
"So...kung ayaw mong pagbintangan ko si Dana...eh, di 'yang kabit mo na lang!" Galit kong sagot sa kanya saka binalingan ng tingin ang mag-ina.
Pinaggitgit ni Lucy ang mga ngipin niya at nanlilisik ang mata niyang tumingin sa akin.
"Baka nga noh? Tama ako na ikaw ang may gustong ipagahasa ako?"
Mabilis na naglakad si Lucy para lapitan ako.
"Sumosobra kana!" Saka nito akmang sasampalin ako kaya isinangga ko ang aking braso para takpan ang mukha ko. But i was startled, when i heard my Omma, nang bigla itong magsalita sa tabi ko.
"Wag na wag mong pagbubuhatan ng kamay ang Apo ko!" Galit na wika ni Omma sa kanya.
Agad akong nag-angat ng tingin. Itinulak ni Omma si Lucy habang hawak nito ang nasa ere na kamay niya. Napaatras siya. Inis akong ngumiti, kita ko rin sa mukha ni Papa ang gulat.
"That is what b*tches got, when they hurt omma's princess." I muttered.
Hinaplos ni Omma ang aking mukha at masakit na nilingon si Lucy at Papa, na ngayon ay tila tinakasan ng kulay sa mukha.
"Myrna!" Tawag ni Omma kay Manang Myrna.
Mabilis siyang naglakad patungo sa amin, bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala at awa.
Alam kong sobrang naaawa siya sa akin, dahil siya ang saksi sa lahat ng paghihirap at neglection na ipinaparamdam ni Papa sa akin.
Siya lang ang kakampi ko ang laging nakikinig sa problema ko.
"Yes senyora?" Magalang niyang tanong at pinagsiklop ang mga kamay sa harap niya pagkatapos ay yumuko siya.
"Samahan mong mag-empake ang Apo ko, iuuwi ko na siya sa Rancho!"
"Sige po senyora," Sagot niya at marahang hinaplos ako sa likod at inakbayan. Pero bago ako naglakad ay nilingon ko muna si Papa nakatingin lang siya sa akin at walang ekspresyon ang mukha niya.
Nang sandaling pahakbang na ako ay nagsalita siya.
"Dito ka lang Zia! Walang aalis!" Giit ni Papa. Nilingon ko lang siya.
"Bakit hindi Alfred? Natatakot ka na umalis si Zia dahil ba mawawalan na ng laruan ang mga sampid dito sa mansyon?! O baka naman natatakot kang mawalan ng yaman! Kung sabagay wala ka nga namang ipapakain sa mga palamunin mo, kapag tuluyan nang kunin ni Zia ang dapat sa kanya! Pasalamat ka at hindi naging katulad mo ang Anak mo!" Galit na sinabi ni Omma.
Hindi ko na tinignan pa si Papa.
Hindi ako iyong klase ng taong materyalistiko at makasarili hindi ko kukunin sa kanya ang iniwan sa akin ni Mama dahil iniisip kong Ama ko pa rin siya.