Mas lalo ang pagnanais ko na maging parte ng Kompanyang ito. Kaya dapat talaga mag extra effort ako sa training naming para maipasa ko lahat.
“Please Papa God…tulungan mo ako makapasok dito,”dalangin kong dalangin.
“Sana naman merun akong maging kaibigan dito,” lihim nitong dasal.
“Aliyah ikaw ba yan?” nabigla ako sa biglang pagsulpot ng isang mukha sa aking harapan.
Dahil sa napamangha ako sa aking mga nakikita sa aking paligid hindi ko man lang namalayan na merun palang nakalapit saakin kaya napakonot ako ng noo. Tinitigan kung maigi ang mukha ng babaeng nasa aking harapan.
“Sheila ikaw ba yan?” muntik na akong mapasigaw sa tuwa pero pinigil ko ito para hindi makakuha ng atensyon ng mga tao sa aming paligid. Agad kaming nagyakapan at nagbeso beso.
Hindi ko mapigilan ang aking tuwa na makita muli at makakasama ang dati kong Classmate at magkaibigan. Long lost friend ko si Sheila ika nga - nasa elementarya pa lamang kami ay malapit na kaming kaibigan at nagkalayo lamang kami ng lumipat ng ibang lugar ang pamilya ni Sheila.
“Salamat sa Dyos at merun na akong makakasama dito”, tuwang tuwa kong nasambit.
“Oo nga. Buti nalang namukhaan kita kanina sa pintuan. Papasok ka pa lang ng mapansin kita at tinignan ko ang logbook kung ikaw ang nakita ko. At salamat naman na hindi ako nagkamali. Ikaw nga”, hindi maitago ang kagalakan ni Sheila sa pagkikita nilang dalawa. Umupo agad ito sa bakanteng upuan sa aking tabi.
Mag-sasalita pa sana ako ng tumunog ang mikropono.
“May I have your attention please.” paumpisa ng lalaking nasa podium at patuloy itong nagsalita. Tumahimik ang lahat at mariing nakinig sa nagsasalita.
“In a while we will start the orientation, please make yourself comfortable” maikling wika nito.
“Ang gwapo nya….ehhh”, pabulong ni Sheila sa akin na tila kinikilig.
“Kahit naka executive dress mapapansin parin ang kakisigan…shiittt…”hagikhik pa nito ulit.
“Anu ka ba Sheila…baka merung makarinig sayo…nakakahiya…”pabulong kong saway sakanya at inilayo ang aking tingin mula sa nagsasalitang lalaki sa podium.
Ngunit tila kinikiliti si Sheila na di mapakali sa kinauupuan. At panay ang tingin sa lalaki ng malagkit at parang nang-aakit.
“Hoy para mo ng hinuhubaran si Sir sa gingawa mong pagtitig sakanya,” parang ako na ang nahihiya sa ginagawa niyang na pagtingin ng kaibigan kaya bahagya ko itong siniko.
“Aray naman Iyah…” hindi parin inaalis ang mga mata nito sa nagsasalita sa podium at parang nagde daydreaming pa ang loko. Gwapo nga naman ang lalaking nasa harapan namin pero wala akong interes na pagtuonan ng panahon ang makipaglandian.
Hindi naman ako pumunta dito para makipaglandian kundi ang maging ganap na VIPES. Pailing-iling nalang ako sa ginagawa ng kaibigan at itinuon ang aking paningin sa aking relo – 9:00 in the morning.
“Maya-maya siguro mag-uumpisa na ang orientation…” nasaisip kong wika.
Biglang namatay ang ilaw at lumiwanag ang wide screen sa aming harapan.
Nakasulat dito ang katagang “THE ELITE”
Nakaramdam ako ng biglang kaba sa aking nabasa. Kakayanin ko kaya ang mga pagdaraanan sa training.
Kaya ko kayang maging miyembro ng VIPES. Pagsisikapan ko talaga.