KABANATA 14

1487 Words
Sa loob lamang ng dalawampu't apat na oras, ipinakita ni Valerius Cavalcante kung bakit siya kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Gamit ang isang tawag at ilang pirma, gumuho ang imperyo ni Salazar. Ang mga illegal na transaksyon nito ay ibinunyag sa media, ang mga bank accounts ay na-freeze, at bago pa man lumubog ang araw, si Salazar ay pinaghahanap na nang mga pulis dahil din sa pang-aalipusta at pang-gagahasa sa ilang mga babaeng waitress sa resto nito. Mga babaeng pinatahimik niya gamit ang pera at dahas. “Tapos na si Salazar, Odette,” malamig na sabi ni Valerius habang inaayos ang kanyang kurbata habang nasa loob ng kanyang opisina. “Magpahinga ka na muna sa mansion. May pupuntahan tayong importante bukas. I want you to look your best.” “Saan tayo pupunta? At bakit kailangang 'best'?” tanong ni Odette, na hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang ganoon kabilis nagawa ni Valerius na burahin ang taong nagpahirap sa kanya. “Basta. Just follow my lead.” Hindi na lamang naging makulit si Odette upang alamin ang lakad nila bukas bagkus sumunod siya rito. Nagtungo siya sa kanyang silid at naligo muna ng mabilisan bago humiga sa malambot na kama. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Dapat ba siyang makampante dahil tinutulungan siya ng lalaking bumili sa katawan niya? O dapat siyang mas matakot dahil nakikita niya kung ano ang kaya nitong gawin na walang kahirap-hirap at hindi man lang pinagpawisan? Nanakit ang ulo ni Odette sa pag-iisipa kaya minabuti na lamang niya na ipikit ang mga mata at hinayaan ang sarili na dalawin ng antok. ~~ Kinabukasan, isang enggrandeng charity gala ang nagaganap sa Manila Diamond Hotel. Ang lahat ng "creme de la creme" ng lipunan ay nandoon. Nakasuot si Odette ng isang hapit na hapit na red velvet gown na may mataas na slit, habang si Valerius naman ay gwapong-gwapo sa kanyang itim na tuxedo. Habang naglalakad sila sa gitna ng bulwagan, napatigil si Odette. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Sa di-kalayuan, nakita niya ang limang pamilyar na mukha. Ang limang lalaking nambastos sa kanya sa restaurant noon—ang mga anak ng mga maimpluwensyang pamilya na naging mitsa ng pagkakatanggal niya sa trabaho. “Valerius... nandoon sila,” bulong ni Odette, pilit na humahawak sa braso ng lalaki. “I know,” sagot ni Valerius, isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “That’s why we’re here.” Naglakad sila nang diretso sa kinaroroonan ng lima. Nang makita si Odette, imbes na matakot ay nagtawanan pa ang mga ito. Hindi nila alam ang tunay na ugnayan ni Odette kay Valerius. “Uy, tingnan niyo! Ang magandang waitress, nakalusot sa party!” sabi ng pinuno nila, si Marco, na lango na sa alak. “Magkano na ang rate mo ngayon, miss? Balita ko, lumipat ka na ng field?” Hahakbang sana si Odette para lumaban nang biglang humakbang si Valerius sa harap niya. Ang aura nito ay biglang nagbago at mukha na itong makakapatay ng tao pero hindi man lang nasindak ang limang kalalakihan. Hindi kasi nila kilala kung sino si Valerius kaya ganito na lamang kalakas ang mga loob nila. “Ulitin mo ang sinabi mo,” hamon ni Valerius. “Bakit, totoo naman, 'di ba?” tawa ni Marco, hindi napapansin ang papalapit na sakuna na dala ng kaangasan ng pag-uugali nito. “Waitress lang 'yan na mahilig mag-iskandalo. Baka nga pati ikaw, Sir, naloko niyan—” Hindi na natapos ni Marco ang sasabihin dahil isang mabilis at malakas na suntok ang dumapo sa kanyang panga. Tumilapon ito sa lamesa ng mga pagkain, nagdulot ng malakas na kalabog at pagsigaw ng mga tao na naroon. Hindi pa nakuntento si Valerius bagkus lumapit pa siya sa nakahandusay na lalaki at kinubabawan ito. Walang kagatol-gatol na pinagsusuntok hanggang sa magdugo at mawalan ito ng malay. Natataranta naman na lumapit si Odette upang pigilan si Valerius pero hindi talaga niya ito mapigilan. “Valerius, tama na!” sigaw ni Odette, pero tila bingi ang lalaki. Hinila ni Valerius si Marco sa kwelyo at muling sinikmuraan. “Anumang bastos na salita ang lumabas sa bibig niyo laban sa kanya, ay katumbas ng buong buhay niyo,” bulyaw ni Valerius sa apat pang lalaki na nanginginig na sa takot. Agad naman lumapit ang mga magulang ng lima, pilit na nagmamakaawa. “Mr. Cavalcante, pakiusap! Mga bata lang sila, lasing lang!” ang mga magulang nila na kilalang-kilala kung sino si Valerius. Alam din nila ang kaya nitong gawain kaya ganoon na lamang ang takot nila ngayon dahil sa ginawa ng mga tanga nilang anak. “Mga bata?” tumawa nang nakakapangilabot si Valerius. “Then let me teach them a lesson they’ll never forget. Marshall!” tawag niya sa kanyang head of security. “Ilabas ang files. Sa malaking screen ng ballroom, biglang lumabas ang mga ebidensya ng mga krimen ng limang lalaki—mula sa drug involvement, hit-and-run cases na pinagtakpan, hanggang sa s****l harassment records. Nagkagulo ang buong party. Ang mga flash ng camera ay nakatuon na sa mga pamilyang akala mo ay malilinis. “You’re ruined,” huling sabi ni Valerius bago marahas na hinila si Odette palabas ng hotel. Hindi nanlaban o kumibo si Odette ng simulan siyang hilahin ni Valerius palabas ng hotel. Dahil maski siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari at hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan dahil nasaksihan at ang paulit-ulit na katanungan sa isip niya. Pagdating sa parking lot, pabalibag na binitawan ni Valerius si Odette sa tapat ng kanyang sasakyan. Hindi na nagulat si Odette pero ang mas kinagulantang niya ay ng sipain nito ang gulong ng sasakyan niya. “Putangina talaga!” malutong pa nitong mura. “Bakit mo ginawa 'yun?!” sigaw ni Odette habang hingal na hingal at kinakabahan. “Sira ka ba? Pwede ka nilang balikan! Hindi mo kailangang gawin 'yun para sa akin!” “Hindi dapat? Odette, nilapastangan ka nila sa harap ko!” bulyaw ni Valerius, ang kanyang mga mata ay nananatiling nagliliyab. “Gusto mo bang panoorin ko lang silang insultuhin ka?!” “Kaya ko ang sarili ko! Sanay na ako sa ganyan!” “But I’m not! Hindi ko kayang sikmurain na may ibang lalaking tumitingin sa'yo nang ganoon!” Huminga nang malalim si Valerius at sumandal sa kotse. “Magpasalamat ka na lang na hindi ko sila pinatay.” Natahimik si Odette ng mapagtanto ang gustong iparating ni Valerius. Lumapit siya nang bahagya, ang galit niya ay unti-unting nawala dahil iyon ang unang beses na may nagtanggol sa kanya kahit na galing pa ‘yon sa lalaking mababa din ang tingin sa kanya. “Salamat. Salamat sa pagtatanggol sa akin.” “Iyon lang?” tanong ni Valerius, ang kanyang boses ay biglang naging paos at malalim. Tumingin siya nang diretso sa mga labi ni Odette. “Anong... anong gusto mong gawin ko?” kuryosong tanong ni Odette, ang kanyang puso ay nagsisimula na namang magwala dahil sa mga tingin ni Valerius sa kanya ngayon. Ang mga tingin na iyon na para bang siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Mga tingin na uhaw na uhaw siya sa katawan o init na dala niya. Hindi niya maipaliwanag pero iyon na rin ang nararamdaman ni Odette sa mga oras na iyon. “Anong pasasalamat ba ang gusto mo?” ulit pa ni Odette pero sa pagkakataong ito buong tapang niyang sinalubong ang mga tingin ni Valerius. Hindi naman sumagot si Valerius. Sa halip, hinila niya si Odette palapit at siniil ito ng isang halik na puno ng gutom at pagkasabik. Isang halik na tila ba sinasabing sa kanya lang ang babaeng ito. Napakapit si Odette sa batok ni Valerius, habang tinutugon ang bawat galaw ng labi nito habang ang init ng kanilang mga katawan ay naglalaban sa ilalim ng malamig na hangin sa parking lot. Binuhat ni Valerius si Odette at isinandala sa pinto ng kotse, ang kanyang mga kamay ay gumagapang sa likod ng gown nito. “You drive me crazy, Odette,” bulong niya sa pagitan ng mga halik. “H-Huwag dito…” nahihiya pang sabi ni Odette ng makabalik sa ulirat at maalalang nasa parking lot pala sila. Ngumisi lamang si Valerius ng nakakaloko bago hinila ang pinto at itulak si Odette papasok ng SUV. Hindi na pinaghintay ni Valerius si Odette at muli niya itong siniil ng halik. Lumaban na si Odette at ganoon na rin ang ginawa niya, sinibasib niya ng halik ang labi ni Valerius. Tila ba uhaw na uhaw rin sa tubig na si Valerius lamang ang makakapagpunan n’on. “Ahhhh…. T-Teka…” aniya pa ng maramdaman ang malapad na kamay ni Valerius na basta na lamang pumasok sa loob ng suot niyang dress. “What the f*ck! You’re not wearing anything underneath simula ng magpunta tayo sa party? Baliw ka ba, Odette?” “H-Hindi sa ganun….” nahihiyang saad ni Odette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD