KABANATA 13

1895 Words
Ang unang araw ni Odette bilang "Special Assistant" sa Cavalcante Holdings ay hindi talaga magsisimula sa tahimik na paraan, kundi sa isang malamig na titig mula sa lahat ng makasalubong niya sa lobby. Nakasuot siya ng isang navy blue blazer at slacks—disente, propesyonal, at pilit na itinatago ang kaba sa kanyang dibdib. Pagpasok niya sa elevator, hindi pa man sumasara ang pinto ay pumasok ang tatlong babaeng empleyado na may makakapal na make-up at IDs na nagsasabing galing sila sa Marketing Department. “Girl, did you see her? Iyon ba 'yung babaeng kinaladkad ni Sir Valerius palabas sa boardroom kahapon?” bulong ng isa, sapat na para marinig ni Odette na nasa likuran lang nila. Hindi pa talaga nila itinago ang pakikipagtsismisan tungkol kay Odette bagkus lantaran pa talaga nila ito kung pag usapan. “Oo, siya 'yun. Ang kapal ng mukha, 'di ba? Balita ko, wala namang natapos 'yan. Galing daw sa kung saang bar sa Makati,” sagot naman ng isa pang may mahabang kuko at panay ang kusko niya ng pulang lipstick sa makapal na labi. "You know how Sir Valerius is. Baka flavor of the month lang. After a few weeks, itatapon din 'yan sa basurahan." “Sayang ang posisyon. Special Assistant? More like Special Bed Assistant,” humagikhik ang tatlo. Huminga nang malalim si Odette. Kung dati ay baka sinabunutan na niya ang mga ito, ngayon ay tiningnan niya lang ang kanyang repleksyon sa pinto ng elevator. Hayaan mo sila, Odette. Hindi nila alam na ang 'Special Bed Assistant' na 'to ay may hospital bill na binabayaran, saisip niya. Nang bumukas ang elevator sa 50th floor, lumabas si Odette nang may taas-noo. Ang mga babae ay napatigil at napaatras nang malamang nasa likod lang pala nila ang pinag-uusapan. Binigyan sila ni Odette ng isang matamis pero nakakalokong ngisi bago lumakad palabas. Pero bago siya naglakad paalis at bago nagsara ang pintuan ng elevator may pahabol siyang sinasabi sa mga babae kaya mas lalong umusok ang ilong nila. “At least ako tiningnan ni Valerius. Tinikman. Naka-upo sa positiong na hindi ko pinaghirapan, eh kayo? Hanggang ganyan na lang kayo. Bye, ladies. Mamatay kayo sa inggit.” aniya. Naglakad si Odette patungo sa opisina na pinaayos ni Valerius para sa kanya. Medyo kinakabahan siya dahil ngayon lamang niya mararanasan ang makapagtrabaho ng ganito—sa isang lugar kung saan dati ay pangarap lamang niya. Ang opisina ni Odette ay nasa labas mismo ng dambuhalang pinto ng opisina ni Valerius. Isang sleek na glass desk, ang pinakabagong model ng iMac, at isang ergonomic chair na mukhang mas mahal pa sa tatlong buwang renta niya sa apartment. Hindi makapaniwala si Odette kaya naman dahan-dahan siyang umupo sa swivel chair niya at hindi alam kung dapat ba niyang hawakan ang desktop na nasa harapan. "You're late. Three minutes," bungad ni Valerius mula sa intercom sa kanyang table. Hindi naitago ni Odette ang gulat at pagkainis dahil heto na naman ang demonyo para sirain ang kaligayahan niya. Napairap si Odette at pinindot ang button. "Traffic, boss. At saka, kailangan ko pang dumaan sa 'orientation' ng mga chismosa mong empleyado sa elevator." Magkasama sila sa iisang bubong pero napagpasyahan ni Odette na huwag sumabay kay Valerius papasok ng opisina dahil ayaw niya ng tsismis. Pero hindi pala niya dapat minaliit ang mga ito dahil kahit anong gawin niya ay magiging usapan talaga siya sa buong department. “Ignore them. Just do your work. Pumasok ka rito,” utos nito. Pumasok si Odette sa loob. Nakita niya si Valerius na nakasalamin habang nagbabasa ng mga kontrata. Mukha itong seryoso at walang balak makipagbiruan. Sandali siyang natameme dahil ang mokong ay nuknukan ng gwapo. Nakatayo lamang si Odette sa harapan nito bago ito may inilapag sa harapan niya. “Here is your schedule. You will handle my non-corporate appointments, filters my emails, and make sure no one enters this room without my approval. Especially my mother and Sabrina,” sabi ni Valerius nang hindi tumitingin. Iyon lang ang trabaho ko? Ang dali naman pala. Aniya sa isip. “Copy, boss. May kape ka na ba? O baka gusto mong lagyan ko ng lason para matapos na ang paghihirap ko?” Doon lang nag-angat ng tingin si Valerius. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanya. Ewan ba pero may kung anong excitement na naramdaman si Odette. Mukhang hindi naman magiging boring ang buhay niya rito. "Make it an espresso. No poison. I still need you for the 2:00 PM briefing." Mabilis pa sa alas-kwatro na sumunod si Odette at tumungo ng pantry. Magiging mabait siya ngayon sa lalaki dahil binigyan siya ng trabaho. Pero hindi niya maipapangako magtatagal ang kabaitan niya. ~~ Naging abala si Odette sa maghapon na ‘yon lalo na sa pag-aayos ng files nang biglang bumukas ang pinto ng elevator at iniluwa ang isang lalaking naka-unbutton ang unang dalawang butones ng polo, may suot na aviator shades, at may dalang wine. Napatayo si Odette. Pamilyar ang mukha ng lalaking pumasok, hindi nga lang niya maalala kung saan ba niya ito nakita. Hanggang sa maalala niya ang lalaking nakausap niya sa Bar ng gabing ‘yon. Nang makita siya nito ay bigla na lamang sumilay ang nakakalokong ngisi, kahit hindi pa ito nagsasalita ay alam na alam ni Odette ang iniisip nito. “Well, well, well... if it isn't the star of the show,” wika ng lalaki habang tinatanggal ang shades. Siya si Jaxson ‘Jax’ Rossi, ang kaisa-isang kaibigan ni Valerius na nakakaalam ng lahat ng dumi nito. “Sir Jax, nasa loob po si Sir Valerius,” bati ni Odette ng pormal. “Whoa, 'Sir'? No need for that, Odette. We're practically... business partners,” tumawa si Jax at lumapit sa table ni Odette. “I didn't believe Valerius when he said he hired you. Akala ko talaga, pagakatapos ka niyang tikman ay tapos na. But look at you, looking like a real lady.” “Kung nandito po kayo para mang-insulto, baka gusto niyong bumalik na lang sa bar niyo,” matapang na sagot ni Odette. “Easy, tiger! I'm here to see the cold-hearted bastard,” turo ni Jax sa pinto ni Valerius. “And maybe to check if you're being treated well. Kasi balita ko, naging 'knight in shining armor' ang kaibigan ko sa boardroom kahapon. Very unlike him.” Bago pa makasagot si Odette bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina ni Valerius at iniluwa nito ang lalaki. “Jax, stop harassing my assistant and get in here.” “Harassing? I'm just being friendly, Val!” lumingon si Jax kay Odette at kinindatan ito. “See you around, Odette. If he gets too bossy, alam mo ang number ko. Pwede ka laging bumalik sa bar—as a manager, of course.” “Over my dead body,” sabi ni Valerius habang hinihila ang kwelyo ni Jax pumasok sa loob. Bumalik na lamang si Odette sa upuan niya at tinapos ang trabaho. Subalit hindi pa siya nakaka-isang oras simula ng dumating si Jax ay hindi na rin natigil ang malalakas na tawa nito na nagmumula sa opisina ni Valerius. Hindi alam ni Odette na hindi pala ganoon ka-soundproof ang opisina nito dahil nakaka-distract ito sa pagtatrabaho niya. Hanggang sa humupa ang pagtawa nito at tumahimik, hindi man malinaw subalit dinig ni Odette na may iba silang pinag-uusapan. Dahil sa kuryosidad at hindi naman ganoon ka-tinted ang glass wall lumapit siya dito. Pinagsaklop ang kamay at inilapit ang mukha sa pader. Pinaliit ang mga mata at naaninag niya ang nangyayari sa loob. Nakita niya si Jax na may inilabas na folder at inabot ito kay Valerius. “Salazar is moving, Val,” narinig niyang sabi ni Jax. “He’s furious. Ang isandaang libo na kinuha ni Odette sa kanya bago mo siya 'binili' ay itinuturing niyang utang na may interest. He’s telling everyone in the underworld na ninakawan siya ng babaeng 'yan.” Kumabog ng mabilis ang puso ni Odette sa narinig—Si Salazar ang matandang panot na manager niya sa resto n’on. Hindi niya ito ninakawan bagkus nag-advance lamang siya ng sahod at alam niya at sigurado siyang bayad na ang lahat ng ‘yon. Atsaka, anong underground? Anong meron doon? “I already paid the hundred thousand to his account through a dummy,” sagot ni Valerius. “Hindi pera ang gusto ni Salazar, Val. Alam mo 'yan. Pride niya ang tinamaan. Pinahiya siya ni Odette sa harap ng mga kliyente niya. At ngayon, dahil nasa puder mo ang babae, ikaw ang puntirya niya.” Nanlambot si Odette sa narinig na sinabi ni Jax, wala siyang kaalam-alam na ganoon na pala ang nangyayari kay Valerius. Hindi niya akalain na ito rin pala ang nagbayad ng utang na hindi niya ginawa. Nanikip bigla ang dibdib niya lalo na sa isiping nadagdagan na naman ang utang na loob niya sa lalaki. Hindi pa agad nakabalik si Odette sa upuan niya at hindi napansin na kanina pa pala nakalabas ng opisina ang dalawa. Ngayon, nakatingin si Valerius sa kanya ang mga tingin na iyon na sobrang lamig pero palagi naman siyang tinutulungan. “Narinig mo ba?” tanong ni Valerius. Tumango si Odette habang nanginginig ang mga kamay. “Utang? Pero binayaran ko na ang utang na sinasabi niya. Pinagpaguran ko na kaya hindi ko alam kung para saan pa ang utang na sinasabi niya.” “Don't worry, Odette,” sabi ni Jax atsaka hinawakan siya sa balikat. “Valerius is the most dangerous man I know in the corporate world. He won't let that pig touch you.” “But at what cost?” tanong ni Odette pagkatapos ay tumingin nang diretso kay Valerius. “Dahil ba sa akin, malalagay ka sa panganib? Bakit hindi mo na lang ako ibalik doon? Bakit mo pa ako pinoprotektahan?” “Napag usapan na natin ito, Odette. Sabi ko sa'yo, you're my investment. At hinding-hindi ako pumapayag na mawalan ng investment.” “Pero hindi ko siya ninakawan kaya bakit niya ginagawa ito? Kasalanan ko ba na hindi ko siya gusto? Ayoko sa panot na ‘yon. Porket hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin ay gagantihan niya ako?” ani ni Odette. “Ano naman ang kailangan niya sayo?” usyoso naman ni Jax. “Gusto niyang bayaran ang isang gabi ko. Gipit na gipit ako noong nagtatrabaho ako sa kanya at halos alilahin ako dahil sa dami ng pinapaggawa niya. Humantong talaga sa puntong binastos ako ng customer pero ako pa ang pinagalitan niya at pinahiya.” “Ano naman ang ginawa sayo ng mga customer?” tanong muli ni Jax pero ang tingin nito ay sa kaibigan niya ng tahimik na nakatingin sa dalaga. Napangisi si Jax ng makita kung paano magtagis ang ngipin nito sa sinagot ni Odette. “Binibili nila ang isang gabi ko at hinipuan ako sa pwet. Hindi ko na napigilan kaya binuhusan ko ng wine sa ulo.” “Kilala mo ba kung sino ang gumawa sayo n’on,” sa pagkakataong ito si Valerius na ang nagtanong. Tumango si Odette parang batang nagsusumbong. Mas lalong napailing si Jax ng makita kung paano idinial ni Valerius ang numero ng makakatulong sa kanila upang makita ang CCTV footage. “Give me the goddamn CCTC Footage sa resto ni Salazar.” sabi ni Valerius sa nanggigigil na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD