Matapos ang mahabang negosasyon sa ospital na muntik nang mauwi sa panibagong round ng high blood para kay Valerius, sa wakas ay na-discharge na si Odette. Pero kung akala ni Valerius ay magiging madali ang pag-uwi nila, nagkamali siya. Dahil ang babaeng akala niya ay tupa, ay isa palang matigas ang ulo at hindi talaga nagpapatalo.
“Ano 'to? Bakit kailangang buhatin pa ang gamit ko? May kamay ako, Valerius. Hindi ako pilay,” reklamo ni Odette habang pilit na inaagaw ang kanyang maliit na backpack mula sa driver ni Valerius.
“Just let him carry it, Odette. You’re still weak,” malamig na utos ni Valerius habang naglalakad patungo sa kanyang itim na sasakyan.
“Weak? Nakita mo ba kung paano ko nilamon 'yung lugaw kanina? I’m strong! At saka, nakakahiya sa driver mo, baka isipin niya napaka-arte ko.”
Humarap si Valerius pero hindi tuluyang humarap, ang kanyang ulo ay bahagyang nakatagilid. “Ang driver ko ay binabayaran ko para sumunod sa akin, hindi para makinig sa pride mo. Sakay.”
Inirapan siya ni Odette bago padabog na sumakay sa sasakyan. “Bossy. Akala mo naman binili pati pati hininga ko.” bulong ni Odette. Padabog pang umupo sa leather na upuna. “Hindi lang paghinga mo ang binili ko kahit ang lahat ng balahibo mo sa katawan ay kasama. Kaya huwag ka ng magreklamo d’yan at sumunod kana lang,” ani ni Valerius bago din ito sumakay sa loob ng sasakyan niya.
Ilang oras din sila nagtatalo kanina ni Valerius dahil ayaw nga niyang tumira sa mansion nito. Ang makita nga ito ng saglit lang ay nagpupuyos na ang galit niya paano pa kapag nakasama niya sa iisang lugar hindi ba? Kahit na malaking advantage ito sa kanya ay hindi niya pwedeng asahan dahil demonyo parin ito at baka nga alilahin pa siya nito.
“Ano naman ang hinahaba-haba ng nguso mo d’yan? Ganyan ka ba talaga? Para ka laging may sayad? Minsan hindi naman masama tumanggap ng tulong sa mga taong gusto kang tulungan,”
“Galing pa talaga sayo ‘yan?”
“Why? Binili kita pero hindi ba pwedeng tulungan ka na hindi kasama sa bayad ‘yon?” tumaas pa ang isang kilay ni Valerius habang nakatingin kay Odette.
“Ewan ko sayo, huwag mo muna ako kausapin.” Bira niya at sumunod naman si Valerius. Sa loob ng tatlong oras na byahe ay hindi nga ito nagsalita. Nakaupo lamang siya habang may binabasa sa tablet nito na hawak.
Nang makarating sila sa mansion ni Valerius sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa may pasay, halos malaglag ang panga ni Odette. Hindi ito basta mansion; mukha itong modernong museo na gawa sa salamin, bakal, at puting semento. Napapaligiran ito ng matatayog na pader at tila ba ang bawat kanto ay may CCTV camera. Sino ba mag-aakala na ang mansion ay dinaig pa ang Malacanang Palace.
“Dito ka nakatira? Mag-isa?” tanong ni Odette habang bumababa ng sasakyan. Hindi talaga niya maalis ang tingin sa mansion ni Valerius lalo na sa napakalaking garden na napupuno ng mga mababango at magagandang bulaklak.
“Yes. Why? You planning to invite your friends for a slumber party?” pang-aasar ni Valerius.
“Friends? Wala akong friends na kasing-yaman mo. Baka kapag pumasok sila rito, himatayin sila sa amoy ng pera,” ganti ni Odette.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng isang matandang babae na nakasuot ng uniporme ng mayordoma. Siya si Aling Martha. Sa likod ni Aling Martha ay limang kasambahay na nakasuot din ng uniporme at nakayuko.
“Sir Valerius, welcome home po. Handa na po ang kwarto para kay Ma'am Odette sa second floor, tapat po ng kwarto niyo,” ulat ni Aling Martha.
“T-Teka, tapat ng kwarto niya?” singit ni Odette. “Bakit doon? Wala bang kwarto sa dulo? O kaya sa attic? O sa basement?”
Nilingon siya ni Valerius na may mapanuyang ngiti. “My mansion, my rules. Ayaw kong naglalakad pa ako nang malayo kung may kailangan ako sa secretary ko sa madaling araw.”
“Secretary? O baka naman gusto mo lang akong silipan?”
“Odette, look at me,” humakbang palapit si Valerius, sapat na para maamoy ni Odette ang mamahaling pabango nito. “With your messy bun and your hospital-scented skin, do you really think I’m that desperate?”
“Aba't—” sasapakin sana ni Odette ang braso ni Valerius pero mabilis itong nakaiwas habang tumatawa nang mahina.
“Aling Martha, paki-akyat ang gamit niya. And please, make sure she eats a real meal. Masyado siyang payat, baka liparin ng aircon ko,” bilin ni Valerius bago tuluyang umakyat sa hagdan.
“Hoy, Valerius Cavalcante! Hindi ako payat! Fit ako! Fit!” sigaw ni Odette sa paanan ng hagdan, pero tanging ang mapang-asar na kumpas ng kamay ng lalaki ang naging sagot nito.
Makalipas ang ilang oras, matapos makapag-shower at makapagpalit ng damit si Odette na binili rin ni Valerius dahil wala siyang dalang kahit anong magandang damit, nakaramdam siya ng gutom. Pababa na siya ng hagdan nang makita niya si Valerius sa kusina, nakasuot na lang ng puting t-shirt at pajama pants. Mukha itong tao sa pagkakataong ito, hindi ang nakakatakot na CEO sa boardroom. Isali mo na rin ang demonyong bumili sa kanya.
“O, gising na ang pusa,” puna ni Valerius nang makita siya. May hawak itong kutsilyo at naghihiwa ng mansanas.
“Saan ang pagkain?” tanong ni Odette, dedma sa pang-aasar nito.
“Nasa mesa. Aling Martha made adobo. Eat.”
Umupo si Odette at nagsimulang kumain. Masarap. Higit na mas masarap kaysa sa mga de-latang kinakain niya noon sa apartment. Habang kumakain, napansin niyang nakatitig sa kanya si Valerius.
“Ano na namang tinitingin-tingin mo?” tanong ni Odette habang puno ang bibig ng pagkain.
“You eat like a vacuum cleaner,” komento ni Valerius. “Saka, tungkol sa deal natin... I’m a man of my word. Hindi kita gagalawin. Pero huwag kang magpapakita sa akin na naka-tuwalya lang o nakasuot ng ganitong kaigsing shorts, dahil baka malimutan ko ang pangako ko.”
Biglang nabulunan si Odette. Mabilis siyang uminom ng tubig habang pinapalo ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay tumagos sa baga niya ang kinakain niya. “Ang kapal! Itong shorts na 'to? Maluwag 'to, 'no! Pambahay lang 'to!”
“Still. You have nice legs, Odette. Don't make things harder for me.”
Namula ang mga pisngi ni Odette dahil sa sinabi ni Valerius. “Alam mo, ang bipolar mo. Kanina lang, ang sama ng ugali mo sa boardroom, parang gusto mong pumatay. Ngayon naman, kung ano-anong kalandian ang lumalabas sa bibig mo.”
“That’s called ‘multifaceted’, Odette. Look it up,” tumayo si Valerius at lumapit sa kanya. Inilapag niya ang hiniwang mansanas sa harap ng dalaga. “Eat your fruit. Bukas, magsisimula na ang trabaho mo. I’ll have a desk set up for you in my home office. Hindi ka lalabas ng mansion na ito nang wala ako.”
“Ano ako, preso?”
“No. You’re my investment. At ang investment, kailangang pinoprotektahan.”
Hinila ni Valerius ang isang upuan at naupo sa tapat ni Odette. “May gusto akong itanong sa'yo. At gusto ko ng seryosong sagot.”
Napatigil si Odette sa pagsubo. “Ano 'yun?”
“Yung sinabi ni Mom tungkol sa Makati Bar Luxury... at 'yung sinabi mo tungkol sa kapatid mo,” ang boses ni Valerius ay bumalik sa pagiging seryoso. “Bakit hindi mo sinabi sa akin noong una? Bakit ganoon na lamang kalala ang pagpapanic mo? Ano ba ang kinakatakot mo?”
Umiwas ng tingin si Odette. “Dahil hindi ka naman nakikinig, Valerius. Atsaka bakit ka naman makikinig sa isang tulad ko, hindi ba? Ang tingin mo sa akin noon ay isang babaeng naghahanap lang ng easy money. Sa tingin mo ba kung sinabi ko kung anong buhay meron ako, maniniwala ka?”
Natahimik si Valerius. Alam niyang tama si Odette. Noong unang gabi, puno siya ng poot at panghuhusga. Sobra din niya iti hinusgahan dahil wala ngang matinong babae ang basta na lamang magbebenta ng katawan.
“Fair point,” aniya. “Pero tandaan mo 'to, Odette. Ngayong nandito ka na sa bahay ko, wala nang lihiman. Kung may lalapit sa'yo, kung may magbabanta sa'yo, kailangang alam ko. Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yo habang nasa puder kita.”
“Wow. Ang protective naman ng boss ko,” biro ni Odette para basagin ang tensyon. Dahil hindi sanay si Odette na ganito ito. Mas gusto pa niya na minamaliit siya nito kaysa sa ganitong ugali. “Baka mamaya, mainlove ka na niyan sa akin, ha?” bigla na lamang lumabas sa bibig niya na maski siya ay nagulat.
Ngumisi si Valerius, isang ngising nakakaloko. “In your dreams, Villareal. Mas gusto ko ang mga babaeng marunong mag-behave, hindi 'yung nanununtok ng driver at nagtatapon ng pasta sa isang babae na alam naman niyang hindi niya kakayanin.”
“Hmp! At mas gusto ko ang mga lalaking hindi mo katulad!”
“Good. Dahil sa deal na ito hindi dapat magkaroon ng kahit na anong feelings. Wala kang aasahan sa akin.” Iyon ang huling sinabi ni Valerius bago siya tumayo at naglakad paalis.
Samantalang si Odette ay sandaling natulala, biglang tumibok ang puso niya ng mabilis dahil sa sinabi ni Valerius. Hindi niya alam pero bigla na lamang siya kinabahan. Ano ba ang ibig sabihin n’on? Napiksi niya ang ulo sa naiisip na kalokohan bago ipinagpatuloy ang pagkain niya.