Ang bawat segundo na lumilipas ay tila nagbibigay ng matinding gigil kay Valerius. Lalo na nang maipit pa sila sa napakahabang traffic. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, ang kanyang mga buku-buko sa daliri ay pumuputi na sa tindi ng kapit. Sa passenger seat, nakasandal ang ulo ni Odette—maputla, walang malay, at bakas pa rin sa kanyang pisngi ang tuyong luha mula sa nangyari kanina.
“Damn it, Odette! Wake up!” bulong ni Valerius, ang kanyang boses ay naroon pa rin ang lamig subalit may kakaunting pag-aalala na. May bahid na ito ng takot—isang emosyong matagal na niyang ibinaon sa limot.
Pagdating sa St. Luke’s Medical Center, hindi na niya hinintay ang mga nurse at stuff na alalayan siya habang karga si Odette. Bagkus binuhat niya si Odette nang pa-bridal style at mabilis na pumasok sa Emergency Room. “I need a doctor! Now!” sigaw niya na yumanig sa buong lobby. Agad na rumesponde ang mga nurse at dinala si Odette sa loob ng ER.
Naiwan si Valerius sa labas, ang kanyang mamahaling suit ay gusot-gusot na at may mantsa pa ng luha ni Odette. Napasandal siya sa pader at napahilot sa kanyang sentido. Ang bawat salitang binitiwan ni Odette bago ito mawalan ng malay ay paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang isipan.
“Please… Huwag siya… huwag si Olin, please po, papa, please…”
Sino ang tinutukoy niyang ‘papa’? At bakit ganoon na lamang ang takot sa kanyang mga mata? Hindi lang ito takot dahil sa ina ni Valerius; ito ay isang trauma na tila matagal nang nakabaon sa pagkatao ni Odette.
~~
Makalipas ang isang oras, lumabas ang doktor. “Mr. Cavalcante? Are you the husband?”
“I’m her… employer,” matigas na sagot ni Valerius. “How is she?”
“She suffered from a severe panic attack leading to a vasovagal syncope. Masyadong mataas ang cortisol levels niya, sign ng chronic stress at trauma. Dagdag pa ang fatigue at hindi pagkain nang maayos. We administered a sedative to help her rest. She’s stable now, but she needs emotional and physical rest.”
Tumango si Valerius at pumasok sa private room kung saan inilipat si Odette. Ang katahimikan sa loob ay kabaligtaran ng gulo sa kanyang isip. Umupo siya sa tabi ng kama at tinitigan ang dalaga. Napasabunot din siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya at kung bakit halos liparin niya ang buong daan makapunta lamang agad sa hospital.
“Damn it! Bakit mo ba ako binabaliw na ganito, Odette.” kausap niya pa sa babaeng mahimbing na natutulog sa hospital bed.
Hanggang ngayon ay hindi mabura sa isipan niya ang nangyari at dapat ay wala siyang pakialam subalit ginugulo siya ng isipan niya. Upang hindi na mag-isip pa ng kung ano—pinili ni Valerius na kalimutan iyon. Sinubukan niyang sumandal sa isang single na sofa subalit bigla na lamang tumunog ang cellphone niya sa bulsa.
Nang makita niya ang pangalan ng ina ay halos magtagis ang panga niya sa galit. Oo, ang ina ang hindi niya maaaring suwayin at sa buong buhay niya ay ito lamang ang pinakinggan niya ngunit iba ngayon. Galit siya sa ginawa nito sa babae niya.
“Valerius, stop this madness,” bungad ni Doña Victoria. “Nasaan ka? I’m still at the office waiting for an explanation. Why did you carry that girl out like she’s some sort of princess?”
“She’s not a princess, Mom,” malamig na sagot ni Valerius. “But she’s human. Something you clearly forgot today.”
“Don’t talk to me like that! I did what I had to do to protect our legacy! Ang babaeng ‘yan ay isang opportunista—”
“Stop,” putol ni Valerius. “Kung may opportunista rito, ako ‘yun. Ako ang kumuha sa kanya. Ako ang nagpumilit na pumasok siya sa mundo natin. And if you ever threaten her brother again, Mom, I swear… I will burn Cavalcante Holdings to the ground myself. Subukan mo lang.” ito ang unang beses na lumaban siya sa ina at hindi niya na maintindihan ang sarili niya.
Mabuti na lamang may maliit na ref sa silid na iyon at mayroong mga mineral water. Mabilis niya iyon kinuha at nilagok ang laman upang kahit papaano ay maibsan ang mga iniisip niya.
Nang sa palagay ni Valerius ay kumalma na siya, muli siyang bumalik sa tabi ni Odette. Muli niyang pinakatitigan ang mukha nito na payapang natutulog ngunit paminsan-minsan ay umuungot at lumuluha.
Makalipas ang mahigit limang oras ay na roon lamang si Valerius, binabantayan si Odette. Pero sa pagkakataong ito ay naroon siya sa isang mahabang sofa. Nakaupo habang nagtitipa sa laptop niya na pinakuha pa niya sa isa niyang driver. Napabaling siya ng tingin sa direksyon ni Odette ng makita niya itong gumalaw.
Sandali niyang binitawan ang laptop at mabilis na lumapit kay Odette upang tingnan ito. “O-Olin…?” pabulong na tawag ni Odette. Ang kanyang mga mata ay pilit na bumubukas.
“He’s fine, Odette. Nasa kabilang hospital siya, ligtas,” agad na sabi ni Valerius atsaka niya hinawakan ang kamay ng dalaga para pakalmahin ito.
Nang makita ni Odette si Valerius, agad siyang napaatras at binawi ang kamay niya na hawak ni Valerius, ang takot ay muling bumalik sa kanyang mga mata. “Y-Yung mommy mo… sasaktan niya si Olin. Kailangan kong umalis. Kailangan kong kunin ang kapatid ko!”
“No one is touching your brother!” deklara ni Valerius, ang kanyang boses ay bahagyang tumaas. Napansin ni Valerius ang pagkislot ng katawan ni Odette at ang pamumuo ng mga luha nito kaya paulit-ulit siyang napamura sa isipan niya.
Lumayo siya ng bahagya upang hindi na lumala pa ang takot ni Odette. “Naka-deploy na ang security ko sa hospital ni Olin. Walang makakalapit sa kanya, kahit ang mommy ko. You are safe here.”
Pinakatitigan pa ni Odette ang mukha ni Valerius kung nagsasabi ba ito ng totoo. Doon lamang siya tumahan at inayos ang pagkakaupo niya sa hospital bed. Dahan-dahang humupa ang kanyang takot, pero ang mga luha ay tumahan na rin.
“Okay na ako, pwede na ba akong umalis?”
“Hindi ka aalis,” tipid na sagot ni Valerius. Bumalik siya sa sofa at isinara ang kanyang laptop. “The doctor said you need rest. At sa tingin mo ba, hahayaan kitang lumabas sa ganyang kondisyon?”
“Kailangan kong makita si Olin! Paano kung nagsisinungaling ka lang? Paano kung kinuha na siya ng mommy mo?” pilit na bumabangon si Odette kahit pa ramdam niya ang pag-ikot ng paligid. Ang trauma na dulot ng banta ni Doña Victoria ay tila isang lason na patuloy na kumakalat sa kanyang isipan.
“I don't lie about my business, and right now, you and your brother are my business. My men are stationed there 24/7. My mother is powerful, yes, but she knows better than to touch what I’ve already claimed.”
“Bakit... bakit mo 'to ginagawa?” mahina niyang tanong. “Sapat na ang isang gabi, 'di ba? Bakit kailangan mo pa akong protektahan? Isang hamak na waitress lang ako na binayaran mo para tikman.” hindi naitago ni Odette ang galit sa huling salitang binitawan niya.
Valerius stiffened. He didn't have an answer—at least, not one he was willing to admit to himself. “Dahil ayaw kong masayang ang limang milyon ko sa isang assistant na mamatay lang sa stress. You're staying with me, Odette. In my penthouse. Doon ka titira habang nagpapagaling si Olin.”
“Ano?! No! Hindi ako papayag!”
“It's not a request. It's a command.” Valerius' voice dropped, returning to its usual authoritative tone. “You’ll have your own room. Pero kailangan kitang mabantayan. My mother is not the only threat, Odette. Marami ka pang makikilalang mga taong gugustuhin kang makitang gumagapang sa putik. Iyon ba ang gusto mo?”
Hindi nakasagot si Odette dahil tama ito, marami pang tao na makakabunggo siya. Hindi lamang ang mga taong iyon na nasa boardroom kundi marami pa. Alam din niya na posibleng maging payin siya sa mga kaaway nito. “Paano ako makakasiguro na wala kang gagawin sa akin?”
“Gagawin? What do you mean by that? Binili kita,”
“Binayaran mo ako para makatalik mo pero hindi mo ako pag-aari,”
“Anong pagkakaiba ng dalawa?”
“Kailangan ko ba talagang sagutin ‘yan ah?” inis na tanong din pabalik ni Odette. “Hindi. Pero sa bahay ko na ikaw titira at ang kapatid mo ay ipapa-doble ko ang magbabantay sa kanya upang matutukan siya.”
“Paano nga ako makakasiguro.” Ulit ni Odette.
Huminga ng malalim si Valerius na nasa harapan niya bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Odette. “What do you want, then.” tanong nito pabalik.
“Hindi mo ako pwedeng galawin kung ayaw ko,”
“What the f**k is that? Wala kang karapatan na tumanggi sa akin,”
“Wala ka rin karapatan sa akin.”
“Odette.”
“Ito ang paraan ko para maniwala sayo. Kung ayaw mo ay aalis na ako at kailangan kong makita ang kapatid ko.” akmang tatayo sana muli si Odette ng pigilan siya ni Valerius.
Kitang-kita ni Odette ang pagtiim-bagang nito at ang pagkadi-gusto sa kondisyon niya subalit sa huli ay wala din itong nagawa. “Fine. Fine. You win. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo.” labas sa ilong pa nitong sabi. “Mangako ka.”
“Putangina! Kailangan pa ba ‘yon? Hindi ka pa ba masaya na pumayag ako?!” inis nitong bulyaw. “Mangangako ka ba o aalis ako.” pagbabanta ni Odette.
“Fine. Fine. Promise. Happy?” wala sa loob nitong pangako. Hindi napigilan ni Odette ang mapangiti na siyang kinatuod naman ni Valerius. “Thank you, pagkakatiwalaan kita sa pangako mo, boss.” sabi pa ni Odette sa masayang tinig.
Ang kaninang gulat na ekspresyon ni Valerius ay napalitan ng kakaibang dilim. Dilim kung saan may nag-uudyok sa kanya na sirain ang ngiting iyon lalo na nang maisip niyang may iba itong nginitian bukod sa kanya.