“T-Teka… anong gagawin niyo sa akin?”
Halos mapigtas ang boses ni Odette habang pilit siyang kinakaladkad ng limang tauhan sa loob ng isang VIP fitting room ng La Sposa Luxe. Ang bango ng lavender at mamahaling tela ang agad na bumungad sa kanya. Ang akala ni Odette si Valerius ang bibili ng masusuot nito subalit mali dahil heto siya at parang nakakaawang tupa habang pinapalibutan ng limang mga leon na handa na siyang sakmalin.
“Ma’am, kumalma ho kayo dahil aayusan lamang po namin kayo ayon sa utos ni Sir,” paliwanag ng isang babaeng may hawak na suklay at kung ano-anong brushes.
“Utos? Pero wala siyang sinabi sa akin!” sigaw ni Odette, pilit na hinahawakan ang kanyang gusot na damit dahil pilit itong hinuhubad ng isa pang babae na may katandaan naman at kulot ang buhok.
“Pasensya na po talaga, Ma'am, at ginagawa lamang po namin ang aming trabaho,” sabi ng isa pang staff na mabilis na nahubad ang kanyang blusa bago pa siya makapalag.
Sa labas ng fitting room, nakaupo si Valerius sa isang velvet armchair, kampanteng nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng espresso. Rinig niya ang pagrereklamo ni Odette, pero isang tipid na ngisi lang ang gumuhit sa kanyang labi. Alam niyang kailangan ni Odette ang matinding make over dahil ayaw niyang mapahiya at plano niya itong gawing secretary. Upang mapadali kung gugustuhin niya itong angkinin. Iyon talaga ang dahilan kung bakit niya ito kinuha upang maging secretary dahil may kasunduan sila at malaki din ang na-invest niya kung isang beses lamang niya ito matitikman.
Makalipas ang isang oras, bumukas ang pinto. Natigil si Valerius sa pagbabasa ng magazine na ngayon. Iniluwa nito ang isang bagong Odette. Nakasuot siya ng isang emerald green pencil skirt at isang cream silk blouse na hapit sa kanyang kurba pero napakasopistikadang tignan. Ang kanyang buhok ay naka-eleganteng bun, at ang kanyang mukha ay nilagyan ng kaunting make up na bagay sa feature niya. Hindi mo aakalain na ang babaeng mukhang gusgusin kanina ang kasama ni Valerius.
“I hate this,” bungad ni Odette, bagaman bakas sa salamin ang ganda niyang nakakahulog-panga. “You look... acceptable,” pagsisinungaling ni Valerius, kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niyang hubarin o ilihis ang pencil skirt na iyon na bumagay talaga sa mahahaba at magaganda nitong hita. “Let’s go. Late na tayo sa meeting.”
Makalipas ang ilang minuto lamang ay nakarating na sila sa kumpanya na pag-aari ni Valerius. Halos malula si Odette ng makita kung gaano ito kataas, ang kaisa-isang building na puro bintana at ito din ang kumpanyang hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado kundi ka rin pasado sa lahat ng interviews at test na ibigay dahil ang sahod dito ay hindi biro. Paulit-ulit na napalunok si Odette sa naiisip na magtatrabaho ang tulad niya rito.
Pagpasok pa lang nilang dalawa ay tinginan na ang mga empleyado na naroon. Ramdam ni Odette ang mga nanghuhusgang tingin subalit pinagkibit-balikat niya na lamang ito dahil hindi mababayaran ng mga panghuhusga nila ang hospital bills ng kapatid niya. Pumasok sila sa isang silver na pinto, pagpasok roon bumulaga kay Odette ang mga bigating tao na nakaupo sa mahabang mesa. Hindi niya sana ito papansinin subalit napukaw ang atensyon niya ng isang babae na masama ang tingin sa kanya.
Ang babaeng nakaupo sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na yelo sa kanyang pisngi na tila may pasa pa rin. Si Sabrina. Ang babaeng tinapunan ni Odette ng pasta sa hotel. “Valerius! What is the meaning of this?! Bakit kasama mo ang basurang 'yan?!” tili ni Sabrina at agad na napatayo at itinuro si Odette.
“She is my Special Assistant, Sabrina. Sit down,” malamig na utos ni Valerius.
“Assistant? Valerius, she’s a criminal! She assaulted me last night!” lumingon si Sabrina sa ibang board members. “Gentlemen, look at this woman. She’s uneducated, a commoner, and a violent one at that. Is this the kind of person we want in Cavalcante Holdings?”
Isang matandang board member ang tumikhim. “Mr. Cavalcante, may punto si Miss Sabrina. We heard about the scandal. This woman... does she even have a degree? Anong alam niya sa acquisition plan natin para sa Grand Luxora?”
Naramdaman ni Odette ang panginginig ng kanyang mga tuhod, pero naalala niya ang mukha ni Olin—ang nahihirapang mukha nito. Naalala niya ang lahat ng pang-iinsulto sa kanya. Hindi siya pwedeng mapahiya rito. Hanggang dito ba naman ay hindi siya palalagpasin ng mga taong matapobre?
“Excuse me,” singit ni Odette sa bulungan ng lahat ng naroon. Lumingon ang lahat sa kanya. Ngumisi naman si Sabrina. “Oh, look. The maid wants to speak. Tell us, Odette, saang kolehiyo ka ba nagtapos? Or should I say, saang eskinita ka nakatira?”
“Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo,” diretsong sagot ni Odette na ikinagulat ng lahat, maging ni Valerius. “Tumigil ako para magtrabaho. Pero kung ang itatanong niyo ay ang tungkol sa Grand Luxora acquisition, sa tingin ko ay mas marami akong alam kaysa sa inyong lahat na nakaupo rito.”
“How dare you!” sigaw ni Sabrina.
“Ang Grand Luxora ay bumabagsak hindi dahil sa kakulangan ng pondo, kundi dahil sa bulok na sistema ng mga manager na tulad ni Salazar,” patuloy ni Odette, humakbang siya palapit sa mesa, ang kanyang mga mata ay walang emosyon ngunit na roon ang lakas ng loob na baliin ang pang-iinsulto sa kanya ng mga ito. “Nagsilbi ako roon bilang waitress. Nakita ko kung paano nila nilulustay ang resources. Ang inyong 'acquisition plan' ay nakatutok sa renovation ng building, pero ang totoong problema ay ang 'customer leak' dahil sa pangbabastos sa mga staff at maling inventory. Kung itutuloy niyo ang planong nakasulat sa harapan niyo, mawawalan kayo ng 15% profit sa unang quarter pa lang dahil sa labor strikes na kasalukuyang binubuo ng mga empleyado roon.”
Natahimik ang buong silid. Maging si Valerius ay napasandal sa kanyang upuan, manghang-mangha sa detalyadong obserbasyon ni Odette. Pinagpapasalamat ni Odette na may alam siya sa problema ng kumpanyang ito at minsan na rin niyang narinig ang masamang plano sa restaurant na ‘yon na pinagsawalang-bahala niya lamang pero sinigurado niyang makakuha siya ng iilang ebidensya. Hindi niya inaakalang magagamit niya rito.
“You're just making things up!” depensa ni Sabrina, pero halatang kinakabahan na siya. Dahil siya na isang miyembro ng board meeting ay walang alam sa problema ng kumpanya.
“I have the names, the dates, and the internal memos na itinago ni Salazar,” ganti ni Odette. “Hindi kailangan ng diploma para makita ang katotohanan kung ikaw mismo ang nasa field. Kaya bago niyo ako tawaging basura, siguruhin niyo munang ang mga 'reputable' associates niyo ay hindi nagbubulag-bulagan sa lamat ng kumpanyang gusto ninyong isalba.”
“Enough!” Isang boses ang umalingawngaw mula sa pinto.
Lahat ay napalingon, kabilang na si Valerius na biglang napatayo at tila nawalan ng kulay sa mukha. Pumasok ang isang babaeng nasa 50s na, pero napaka-elegante at makikita sa mukha nito ang kapangyarihan upang tumayo ang lahat at magbaba ng ulo.
“Mom?” bulong ni Valerius.
Si Doña Victoria Cavalcante. Ang ina ni Valerius ang nag-iisang babaeng sinusunod lamang nito at kinakatakutan. Naglakad ito patungo sa gitna, hindi pinansin si Sabrina na lumapit rito upang magpakitang gilas sana, subalit tumigil ito mismo sa harapan ni Odette. Tiningnan niya si Odette mula ulo hanggang paa, isang mapanuring tingin na nagpatahimik sa buong boardroom.
“So,” wika ni Doña Victoria, ang boses ay malumanay pero nakakatakot. “Ito pala ang babaeng dahilan kung bakit nag-withdraw si Valerius ng limang milyon mula sa family trust fund sa loob lang ng isang gabi.”
Lumingon ang matanda kay Valerius bago muling tumingin kay Odette. Isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Interesting. I didn't know you were hiring 'Special Assistants' from the streets now, Valerius. Or should I say... from the Makati Bar Luxury?”
Nanlaki ang mga mata ni Odette. Alam ng matanda. Alam nito ang lahat.
“Mom, hindi ito ang tamang oras—” pigil ni Valerius sana sa ina.
“No, it's the perfect time,” putol ni Doña Victoria. Humakbang siya palapit kay Odette at hinawakan ang baba nito, pinilit itong patingalain. “Tell me, hija. Magkano ka ba talaga? Dahil kung ang anak ko ay handang magbayad ng limang milyon para sa isang gabi, baka mas malaki ang maibibigay ko... para lang layuan mo siya bago mo pa tuluyang madungisan ang pangalan namin.”
Napatulala si Odette, ang kanyang puso ay tila tumigil sa pagtibok. Sa gitna ng boardroom, sa harap ng lahat, ang kanyang pinakatatagong sikreto ay ibinuyangyang lamang ng ganoon kadali.
Nanigas si Odette sa kinatatayuan niya. Ang hapdi ng pagkakahawak ni Doña Victoria sa kanyang baba ay hindi kasing-sakit ng mga salitang binitiwan nito. Ang bawat mata sa loob ng silid—mula kay Sabrina na ngayon ay may mapanuyang ngisi, hanggang sa mga board members na nagbubulungan. Nanliit bigla si Odette.
“Mom, stop it!” mariing utos ni Valerius. Humakbang siya palapit at marahas na inalis ang kamay ng kanyang ina mula kay Odette. Inilagay niya si Odette sa kanyang likuran. “Hindi mo alam ang sinasabi mo. She is here for business.”
“Business?” Tumawa nang mapait si Doña Victoria. Bago hinaharap ang anak at si Odette na nakayuko na ngayon habang nanginginig ang mga kamay. “Valerius, don't insult my intelligence. Nakita ko ang bank records. Isang gabi sa Makati Bar Luxury, at kinabukasan ay may limang milyong pisong nawala sa account mo. Tapos ngayon, heto siya—bihis na bihis, nagpapanggap na eksperto sa acquisition?”
Lumingon ang matanda sa mga board members. “Gentlemen, is this the kind of leadership you want? Isang CEO na hinahayaan ang kanyang... 'libog' na magdikta sa kinabukasan ng Cavalcante Holdings?”
Isang nakakabingig na katahimikan ang namayani. Yumuko si Odette, nararamdaman ang panginginig ng kanyang buong katawan. Ang tagumpay niya kanina sa pagpapatahimik kay Sabrina ay biglang naglaho. Ngayon, isa na naman siyang basura sa paningin nila. “Sumagot ka, hija,” muling hinarap ni Doña Victoria si Odette, nilampasan ang anak na si Valerius. “Magkano pa ang kailangan mo para tuluyang mawala sa buhay ng anak ko? Ten million? Twenty? Just name your price. Sanay ka naman sigurong tumanggap ng bayad,'di ba?”
Hindi na kinaya ni Odette ang ginagawang pangmamaliit sa kanya ng ginang kaya buong tapang siya nagtaas ng ulo at tumingin ng diretso sa mga mata ng ina ni Valerius. “Sa tingin niyo ho ba, lahat ng bagay ay may katapat na presyo?” tanong ni Odette, ang kanyang boses ay nanginginig pero puno ng poot. “Sa tingin niyo ho ba, dahil lang mayaman kayo ay may karapatan na kayong tapakan ang pagkatao ng isang desperadang babae na ang tanging gusto lang ay iligtas ang kanyang kapatid na nag-aagaw buhay ngayon?"
“Desperada?” Sabat ni Sabrina habang humahagikhik. “Oh, please! Huwag ka nang magpa-victim, Odette. We all know you enjoyed that night. Sino ba namang hindi mag-e-enjoy sa kama ni Valerius, lalo na kung may limang milyon pagkatapos?”
“Enough!” Sigaw ni Valerius, ang kanyang boses ay yumanig sa buong boardroom. Ang kanyang panga ay napa-igting at ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit. “Sabrina, get out! Now! At kayong lahat,” turo niya sa mga board members, “the meeting is over! Lumabas kayong lahat!”
“Valerius, you cannot dismiss the board—” singit ng isang matanda.
"I said OUT!"
Dahil sa takot sa galit ni Valerius, isa-isang nagmadaling lumabas ang mga board members. Sumunod si Sabrina na irap nang irap, pero bago lumabas ay binigyan muna niya ng isang mapanirang tingin si Odette. Naiwan sa loob si Valerius, si Odette, at ang galit na si Doña Victoria.
“You're making a mistake, Valerius,” sabi ng kanyang ina habang inaayos ang kanyang Chanel jacket. “This girl is a liability. She will drag your name through the mud. Sa oras na malaman ng media na ang Special Assistant mo ay galing sa isang red-light district bar, babagsak ang stocks natin.”
“I don't care about the stocks, Mom,” malamig na sagot ni Valerius. “I care about the fact na binastos mo ang taong tauhan ko. Odette is under my protection. Any insult thrown at her is an insult thrown at me.”
Napatulala si Odette sa sinabi ni Valerius. Protection? Bakit siya ipinagtatanggol nito? Hindi ba't ito rin ang lalaking uminsulto sa kanya noong gabing iyon?
“Protection? O pag-aari?” Ngumisi si Doña Victoria. “Kilala kita, anak. You don't protect people. You keep trophies. At ang isang ito?” turo niya kay Odette. “She’s a broken trophy. Kung hindi mo siya palalayasin, ako mismo ang gagawa nun. At sisiguraduhin kong pati ang kapatid niya sa ospital.”
Doon na tuluyang bumigay si Odette. “Huwag ang kapatid ko! Pakiusap po... huwag si Olin. Ako na lang. Ako na lang ang saktan niyo, huwag lang ang bata.”
Lumapit si Doña Victoria kay Odette, ang kanyang mukha ay nanggagalaiti sa galit habang nakatingin sa luhaang mukha ni Odette. “Then leave. Ngayon din. Bago ko pa ipag-utos na itigil ang lahat ng makinang nagpapatibok sa puso ng kapatid mo.”
“Mom, don't you dare!” akmang susugurin ni Valerius ang ina nang biglang humarang si Odette sa gitna nila. Nanginginig ang buong katawan ni Odette na nakahawak sa nakakuyom na kamay ni Valerius.
Para bang may switch ng ilaw na sumindi sa utak ni Odette at bigla na lamang siya nagsisigaw. “T-Tama na! Maawa ka!” malakas niyang tili. Nagulat ang ina ni Valerius—maski na rin si Valerius sa inasal ni Odette.
“T-Tama na! Hindi ko na po uulitin! Please lang! Tama na!”
“H-Hey! Anong nangyayari sayo?” tanong ni Valerius bago hinuli ang dalawang kamay ni Odette na kanina pa pumapalo sa kanya.
“P-Please…. Huwag siya… huwag si Olin, please po, papa, please…”
Iyon ang huling nasambit ni Odette bago siya nawalan ng malay. Mabuti na lamang at mabilis siyang nasalo ni Valerius. Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas si Valerius habang karga ang babae. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at nagtungo sa pinakamalapit na hospital.