Naalimpungan si Odette dahil sa nakakasilaw at mainit-init na sikat nang araw na tumatama sa mga mata niya. Kinusot pa niya ito at dahan-dahan napangiwi ng maramdaman niya ang pagsakit ng buong katawan at p********e niya. Saka lamang niya naalala ang nangyari sa kanila ni Valerius. Hindi man gan’on kalinaw pero isa lamang ang alam ni Odette, naisuko na niya ang bataan. Mangiyak-ngiyak pa siyang lumingon sa lalaking umangkin sa kanya ng paulit-ulit. Mahimbing itong nakahiga na aakalain mong anghel pero demonyo pala.
Sinubukan ni Odette na gumalaw, isang matinding kirot ang gumuhit sa kanyang katawan. Nanigas siya. Ang bawat kalamnan niya ay sumasakit, at ang mas masahol pa, ang hapdi sa kanyang p********e na hanggang ngayon ay kumikirot. Pakiramdam niya ay nasugatan ata ang loob niya.
F*ck.
Maingat niyang inalis ang braso ni Valerius. Pigil ang hininga niyang gumapang palabas ng kumot, pilit na hindi lumilikha ng anumang tunog. Nang tuluyan siyang makatayo, muntik na siyang matumba dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod. Dinampot niya ang kanyang gusot-gusot na damit sa sahig, ang kanyang puso ay kumakaba nang mabilis. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang takbuhan ang kahihiyang ito na ginawa niya.
“Saan ka pupunta?”
Ang baritono at paos na boses ni Valerius ay tila kuryenteng gumapang sa likod ni Odette. Napapikit siya nang mariin bago dahan-dahang lumingon. Nakatagilid si Valerius, ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang kamay habang nakatingin kay Odette. Wala itong saplot maliban sa kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. Ang kanyang mga mata ay walang buhay— blanko lamang kung tumingin, tila kanina pa gising at pinapanood lang siya.
“Aalis na ako. Tapos na ang usapan natin, 'di ba?” matapang na sagot ni Odette. Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi ni Valerius dahil sa naging wika ni Odette. Oh marahil nakapaskil sa mukha ni Odette ang pagdududa na baka hindi nito tinupad ang usapan. Tila nabasa ni Valerius ang iniisip niya kaya naman mas lalo itong ngumisi ng nakakaloko. “Tumutupad ako sa usapan, Odette. Don't look at me like I'm going to rob you. The hospital has been paid. Your brother is safe.”
“Mabuti naman kung ganoon. Dahil iyon lang ang habol ko sa'yo,” ani Odette atsaka mabilis na sinuot ang kanyang damit. Nanginginig man ang mga kalamnan niya na roon ang ginhawa na hindi niya na kailangan pang isipin ang pera para sa gamutan kay Olin. Pero na roon ang pait ng katotohanang wala siyang pinagkaiba sa mga pokpok at bayaran sa tabi-tabi.
“Really? Para ngang wala ng bukas kung isigaw mo ang pangalan ko,” pang-aasar ni Valerius, ang kanyang boses ay puno ng kayabangan. Kaya naman naalala muli ni Odette kung paano siya naging wild dala na rin ng alak.
“Kaya pala hindi mo mapigilan ang sarili mong mapa-mura sa tuwing ibabaon ko ang kahabaan mo sa loob ko. Huwag mo akong yabangan, Valerius. Alam naman natin kung gaano ka kauhaw at kagutom sa katawan ko.”
“Hindi ko maitatanggi ang sinabi mo pero ako ba ang una mo?” tanong pa nito kaya bahagyang napakislot si Odette pero itinuloy pa rin niya ang paglo-lock ng bra niya sa likuran. “Importante pa ba ito? Kailangan ko bang sagutin ‘yan? Wala ka naman pakialam kung pang ilan kana, hindi ba?”
Hindi alam ni Odette pero may galit na dumaan sa mga mata ni Valerius kasabay ng malamig muli at walang buhay na mga mata nito. “Why? Masama bang alamin kung pang-ilan na ako sa mga lalaki mo? I bet maliliit ang mga kargada nila kaya ka dinugo ng ipasok ko ang akin,”
“So, sinasabi mo bang malaki ka?”
“Ikaw ang dapat na humusga at hindi ako dahil ikaw ang pinasukan ko,” mas lalong lumawak ang ngisi ni Valerius. Gustong-gustong burahin ni Odette ang ngising iyon pero hindi niya kailangan magalit. Ang kailangan niya ay umalis rito.
“Aalis na ako.” walang gana niya paalam.
Pero bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Valerius na nakapatong sa may side table. Hindi na niya dapat iyon papakinggan pa ngunit sinagot iyon ni Valerius ng nakatingin sa kanya. “Talk to me,” bungad ni Valerius. Ilang segundo siyang nakinig bago tumango. “Good. Tell the board I'll be there in thirty minutes. Prepare the presentation for the acquisition.”
Ibinaba niya ang cellphone at bumangon sa kama, walang pakialam kung makita ni Odette ang kanyang kahubaran. Odette immediately looked away, her heart racing. Nakita niyang muli ang ahas na iyon na halos bumiyak sa kanya kagabi. Totoo, malaki ito para nga itong large size ng d***o na ginagamit ni Margaret.
“Magbihis ka,” utos ni Valerius habang naglalakad patungo sa banyo.
“Ano? Bakit? Uuwi na ako sa ospital!”
Huminto si Valerius at lumingon. “No. Sasamahan mo ako sa kumpanya ngayong umaga.”
“Are you crazy?! Hindi ako sasama sa'yo! Tapos na ang usapan natin, Valerius! Strangers na tayo, 'di ba? Iyon ang napagkasunduhan natin.”
“The deal changed when I decided to pay for the full five million plus the transplant costs,” malamig na sabi ni Valerius. “I didn't just buy one night, Odette. I bought your time until I say otherwise. Pinaalala ko na sa'yo, 'di ba? You're mine now. So, magbihis ka o ako ang magbibihis sa'yo?”
Napatanga si Odette dahil bakit ba siya naniwala sa isang gabi lang? Hindi ba dapat magtaka siya kung isang gabi lang siya gagamitin nito para sa halagang limang milyon? Gusto pa sanang umalma ni Odette pero wala na siyang nagawa pa kaya naman sumundo siya sa gusto nito.
~~
Makalipas ang isang oras, lulan sila ng itim na Rolls-Royce. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay nakakabingi para kay Odette. Pero ang mas nakakahiya ay ang sikmura niyang kanina pa kumakalam. Hindi niya maalala kung kailan ang huli niyang kain, sanay na siyang hindi kumain kaya naman wala na sa kanya ito pero mukhang sumobra na siya ngayong araw kaya nakakaramdam na siya ng panlalambot. Pero nangnining ang mata ni Odette ng huminto sila sa isang marangyang restaurant malapit sa Cavalcante Holdings para mag-almusal. Pagpasok nila, agad na binigyan sila ng VIP table. Nakaramdam ng konting kahihiyan si Odette dahil sa magulo niyang buhok at gusot niyang damit. Kanina pa kasi siya pinagtitinginan ng mga customer samantalang si Valerius ay gwapo at mukhang mabango sa suot niya ngayon. Napa-ismid tuloy siya dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon ng makaligo at makapagbihis ng maayos.
“Kumain ka,” sabi ni Valerius habang binabasa ang ilang documents sa kanyang tablet.
“Wala akong gana,” sagot ni Odette habang nakatingin lang sa labas ng bintana kahit na nagmamakaawa na ang mga bituka niya sa loob. “Eat. Ayokong himatayin ka sa opisina ko at magmukha akong masamang amo.”
“Amo? Bakit, empleyado mo ba ako? Saka masamang tao ka naman talaga,” sarkastikong sabi ni Odette.
“Technically, yes. Dahil binabayaran kita ng halagang higit pa sa kinikita ng lahat ng empleyado ko rito,” sagot ni Valerius nang hindi tumitingin sa kanya. “By the way, nakahanap ka na ba ng trabaho? Bukod sa pagiging pagroronda mo palagi sa buong maynila?”
Napatingin nang matalim si Odette sa kanya. “Alam mong wala! Dahil sa'yo at sa dati kong manager, wala nang tumatanggap sa akin! Sinira niyo ang buhay ko!”
Ibinaling ni Valerius ang kanyang tingin kay Odette, isang seryosong ekspresyon ang nasa kanyang mga mata kaya sandaling nanahimik si Odette at tumitig ng masama sa masarap na pasta sa harap niya. “I didn't destroy your life, Odette. I just showed you the reality of it. You were struggling long before I met you. Ang pinagkaiba lang, ngayon ay may pambayad ka na sa ospital.”
“Sa tingin mo ba bayad na ang lahat dahil lang may pera ka? Ang kapal ng mukha mo,” bulong ni Odette.
“Wealth provides options, Odette. At ang option mo ngayon ay sumama sa akin nang maayos o kaladkarin kita. Which one do you prefer?”
Huminga nang malalim si Odette at kumuha ng isang pirasong tinapay. Marahas niya itong kinagat, tila ba si Valerius ang kinakain niya. “Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit kailangang kasama mo pa ako? May assistant ka naman, 'di ba?”
“I like having you around,” simpleng sagot ni Valerius atsaka muling ibinaling ang atensyon sa kanyang tablet. “It reminds me that everything has a price. Even pride.”
“You're pathetic,” ani Odette.
“And you're late for your first day of work,” ganti ni Valerius sabay sulyap sa kanyang relo. “Finish your food. Marami tayong gagawin sa kumpanya, at sisiguraduhin kong magiging 'worth it' ang bawat sentimong ibinayad ko sa'yo.”
“Ano bang sinasabi mo! Binibigyan mo ba ako ng trabaho?” doon nanlaki ang mga mata ni Odette. Oo at galit siya kay Valerius pero ibang usapan kapag marangal na trabaho ang usapan. “Ano? Binibigyan mo ba ako ng trabaho?”
Hindi sumagot si Valerius pero ngumisi lamang ito at sa unang pagkakataon nagustuhan ni Odette ang ngisi nito. Ngayon lamang siya natuwa sa lalaki at hindi siya impokrita para hindi iyon tanggapin.