Mabilis ang bawat yapak ni Odette palabas ng private hotel na ‘yon dala ang cheke na kabayaran ng pakikipaglaro niya ng apoy sa lalaking nakilala lamang ng gabing ‘yon. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya dahil sa matinding pandidiri din niya sa sariling katawan. Iyon naman ang ipinunta niya hindi ba sa ganoong lugar? Ang ibenta ang katawan at puri niya sa malaking halaga? Suot parin ang kanyang crimson silk dress na ngayon ay gusot-gusot na, yakap-yakap niya ang sarili habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa tsekeng nagkakahalaga ng isandaang libong piso. Isandaang libo. Malayo sa limang milyong kailangan niya, pero ito na lang ang tanging pag-asa niya para hindi tuluyang mawala sa kanya ang kapatid niya.
“M-Manong sa St. Jude General Hospital nga po,” aniya ng makasakay sa isang taxi. Tahimik lamang siya sa loob ng taxi hanggang sa makarating na siya sa hospital.
Pagdating niya sa St. Jude General Hospital, halos liparin niya ang hallway patungo sa billing section. Pawis na pawis siya, ang make-up niya ay hulas na dahil sa pag-iyak, at ang kanyang mga mata ay namumula.
“Miss, please... ito muna,” halos gumaralgal ang boses ni Odette habang inilalapag ang tseke ni Valerius sa counter. “Ito muna ang maibibigay ko. Isandaang libo. Pakiusap, simulan niyo na ang procedure kay Olin. Hahanap pa ako ng kulang, pangako. Huwag niyo lang siyang pabayaan.”
Tiningnan ng nasa billing ang tseke, pagkatapos ay ang itsura ni Odette. Bakas sa mukha ng empleyado ang pagdududa, ngunit nang makita ang pirma ni Valerius Cavalcante ay namutla ito at mabilis na kinuha ang steke na dala ni Odette. Sino bang hindi nakakakilala sa isang Cavalcante? Ito rin ang nagmamay-ari ng kalahati ng shares ng hospital kaya hindi na nagdalawang isip pa ang babae.
“Sandali lang po, Ma'am. Ipapasa ko lang ito sa administration para sa clearance ng surgery,” sagot ng babae.
Makalipas ang tila isang oras na paghihintay, lumapit sa kanya si Dr. Arnaldo na mabilis ang bawat lakad patungo sa kanya. “Odette, tinanggap ng management ang paunang bayad. We are preping Olin for the emergency procedure now. Hindi ito sapat para sa kabuuan, but it’s enough to buy him time.”
Napaupo si Odette sa sahig ng waiting area. Buying time. Iyon lang ang nagawa niya. Ipinagpalit niya ang kanyang dangal, tiniis ang insulto ng isang bilyonaryong walang puso, para lang sa ilang oras o araw na dagdag na buhay para sa kanyang kapatid.
Lumipas ang limang oras. Limang oras na tila bawat segundo ay kutsilyong sumasaksak sa dibdib ni Odette. Hindi siya umalis sa tapat ng operating room. Nakatulala lang siya sa pintuan, iyon na ata ang pinakamatagal na oras sa buhay niya. Wala pa rin siyang kain ni hindi na nga niya naayos ang mga make up niyang kumalat na sa mukha niya. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao o ibang pasyente na naroon. Pero wala siyang pakialam dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang malamang maayos si Olin.
Makalipas ang dalawang oras at kalahati ay sa wakas muli din bumukas ang pinto ng OR at lumabas si Dr. Arnaldo, agad na napatayo si Odette at mabilis na lumapit sa doctor. “Doc? Doc, kumusta po siya?”
Tinanggal ng doktor ang kanyang mask at nagpakawala ng isang mahinang butong-hininga kasabay ng pagsilay ng tipid at totoong ngiti. “The procedure was a success, Odette. Olin is stable for now. Nailabas na namin ang fluid sa baga niya at na-stabilize ang heart rate niya. He’s a fighter, your brother.”
Parang nabunutan ng tinik si Odette. Napahawak siya sa pader para hindi matumba. “Salamat, Doc. Maraming salamat po.”
“He's in the recovery room now. Pwede mo siyang silipin sa bintana mamaya, pero kailangan niya ng matinding pahinga. And Odette... kailangan pa rin natin ang balanse para sa susunod na gamutan, pero sa ngayon, makakahinga na tayo.”
Tumango si Odette. Sa ngayon. Iyon muna ang mahalaga. Buhay ang kapatid niya. Hindi niya muli napigilan ang pagbulusok ng mga luha. Hapong-hapo siya napaupo at lumuha sa harapan ng doctor na matagal na rin tumutulong sa kanya. Paulit-ulit siyang nagpasalamat hanggang sa magpaalam na ito at naiwan siya roon.
Madilim na ang paligid nang lumabas si Odette ng ospital. Nakaramdam na kasi siya ng matinding gutom kaya nagpasya siyang bumili ng makakain. Naglakad siya sa tapat ng isang convenience store upang tumingin ng makakain ng makita niya ang iba’t ibang klase ng alak kaya naman iyon ang binili niya. Isang murang alak upang kahit papaano ay makalimutan niya ang nangyari ngayong gabi.
Umupo siya sa isang bench sa gilid ng kalsada, malayo sa ingay, kung saan ang tanging liwanag ay ang malamlam na poste ng ilaw. Diresto niyang ininom ang alak mula sa bote. Napangiwi siya sa pait, at sa bagsik nito na nanalatay sa lalamunan niya pero nagbigay din ng kakaibang sensasyon.
“Hayop ka, Valerius,” bulong niya sa hangin nang muli niya itong maalala. Naalala niya ang pandidiri at pangmamaliit sa mga mata nito. Ang paraan ng paghila nito sa kanyang buhok at paghawak sa katawan niya na para bang wala siyang halaga. Ang bawat salitang binitawan nito na tila ba napakababa niyang uri ng babae. Sa bawat lagok ng alak, sinusubukan niyang burahin ang pakiramdam ng labi nito sa kanyang balat,lalo na ang nangyari ngayong gabi.
“Sana hindi na tayo magkita. Sana mabulunan ka sa lahat ng pera mo,” sabi niya habang umiiyak na naman. “Sana hindi mo maranasan ang mawalan ng taong mahalaga sa'yo para lang malaman mo kung bakit ako nandoon at nagmamakaawa sa gaya mong walang puso.”
Tiningnan niya ang kanyang mga palad. Nanginginig pa rin ang mga ito. Kahit ligtas si Olin, alam ni Odette na hindi pa roon natatapos ang problema niya. Subalit kailangan niya munang unahin kung paano siya makakahanap ng bagong trabaho. Iyon ang kailangan niyang solusyonan.
Samantala, sa kabilang banda naman sa suit pa rin ng Makati Luxury Bar. Isang baso ng mamahaling whiskey ang lumipad at nabasag sa pader, ang mga bubog ay kumalat sa sahig kasabay ng pagtilapon din ng ilang gamit.
“F*ck!” sigaw ni Valerius.
Nakatayo siya sa gitna ng sala habang nakabukas ang robe niya at bakas ang matinding galit sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. He had everything. He had the power, the money, and any woman he wanted. Pero ang itsura ni Odette habang umiiyak—ang takot at determinasyon sa mga mata nito—ay ayaw siyang tantanan.
“Whoa, easy there, Tiger. Ang mahal niyan, 'wag mong sayangin sa pader.”
Pumasok si Marcus, ang kanyang kaibigan, na may dalang panibagong bote. Nakita nito ang kalat sa sahig at ang galit na mukha ni Valerius.
“So, nasaan na ang 'fresh meat' mo? Pinatalsik mo na agad? Sabi ko naman sa'yo, ang mga virgin, madalas boring sa kama. Masyadong maraming drama, masyadong maraming arte,” asar ni Marcus habang tumatawa. “Anong nangyari? Hindi ba 'worth it' ang five million? O baka naman hindi mo kinaya ang pagda-drama niya kaya binayaran mo na lang para umalis?”
Lumingon si Valerius, ang kanyang panga ay napa-igting sa tindi ng panggagalaiti. “Shut up, Marcus. Kung wala kang sasabihin na maganda ay umalis ka rito bago pa sa mukha mo mabasag ang hawak mong alak.”
“C'mon, Val. First time kong makitang ganyan ang itsura mo matapos ang isang gabi. Normally, you’re satisfied and smug. Pero ngayon? You look like you just lost a business deal worth billions. Bakit? Masarap ba masyado kaya hindi mo matanggap na pinaalis mo?” patuloy na pang-aasar ni Marcus.
Hindi nakasagot si Valerius. Sa totoo lang, hindi niya alam ang isasagot. Galit siya dahil pakiramdam niya ay nalinlang siya, pero mas galit siya dahil hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang malambit na labi ni Odette sa kanyang sariling bibig. Ang bango nito na hindi pa rin mawala-wala. At ang mas malala, ang huling tingin ng babae sa kanya—ang tingin na tila siya ang pinaka-demonyonng tao na pinagsasamantalahan siya. Hindi niya iyon makalimutan mas lalo lamang siya nababaliw, gusto niya itong sirain hanggang sa makita niya ulit kung paano ito umiyak sa ilalim niya.
“She's a fake,” madiing sabi ni Valerius. “Ginamit niya ang kwento ng kapatid niya para perahan ako. She’s just a high-class manipulator.”
“O baka naman totoo? Sa itsura ng babaeng ‘yon mukha siyang hindi gagawa ng isang bagay na makakasira sa dangal niya kung hindi lamang sa kagipitan.” seryosong sabi ni Marcus bago nagkibit-balikat. “Valerius, kilala kita. You hate being played. Pero kung ganoon siya kagaling na artista, bakit ka nagkakaganyan? You gave her a hundred thousand for nothing. That’s not like you.”
“I paid her to leave! I couldn't stand the sight of her!” sigaw ni Valerius, pero kahit siya ay hindi kumbinsido sa sarili niyang dahilan.
Lumakad siya patungo sa mesa at kinuha ang folder kung saan nandoon ang impormasyon tungkol kay Odette. Tinitigan niya ang litrato nito—ang inosenteng mukha na kinuha mula sa kanyang employee ID sa hotel. Ito ang nagagawa ng isang makapangyarihang tulad niya kaya niyang malaman ang lahat sa isang pitik lamang. Pero wala siyang nakuha na impormasyon maliban sa tinanggal ito sa trabaho dahil sa paglaban niya sa mga lalaking bigatin. Mga anak at apo ng mga senador at mayor.
“I want to know everything,” utos ni Valerius kay Marcus. “Alamin mo kung nasaan ang kapatid niya. Alamin mo kung totoo ang sinasabi niya. I want to see how deep her lies go.”
“At kapag nalaman mong totoo?” hamon ni Marcus.
Valerius tightened his grip on the folder, his knuckles turning white. “Then I’ll make sure she realizes that she sold herself to the wrong man. Because once I own something, I don’t just let it go because of a few tears.”