Tatlong araw na ang nakalipas mula nang gabing iyon sa bar. Nakalimutan at natanggap niya na pero sa tuwing sumusulpot iyon sa isipan niya ay hindi niya mapigilan na sapakin ang sariling ulo. Pero heto siya ngayon at kanina pa naglalakad sa kainitan ng hapon, pudpod na nga ang suot niyang sapatos pero hindi pa rin siya nakakahanap ng magandang trabaho. Mula call centers hanggang sa mga maliliit na karinderya, bawat pasa niya ng resume ay nauuwi sa "Wait for our call." Alam ni Odette ang dahilan. Manager Salazar. Ang demonyong iyon ay siniguradong "blacklisted" siya sa mga hotel at restaurant na hawak ng network nito. Wala naman siyang ibang sisihin kung hindi ang kalbong manager dahil maganda naman ang background niya pero hindi pa rin siya matanggap-tanggap.
Pagod na pagod na rin siya at gutom pero kailangan niyang tiisin dahil sapat lamang ang pera niya para sa isang linggo na budget. Kung kakain siya o mamasahe ngayon panigurado magigipit siya. Dahil nga sa pagiging OMAD niya o One meal a day ay na-achieved niya na ang apat na pandesal. Hindi iyon nakakabilib dahil sexy siya kundi dahil sa wala talaga siyang pambili ng pagkain. Kaya naman naisipan niyang dalawin ang kaibigan niyang si Margaret. Si Margaret ang tipo ng kaibigan na ang tanging pangarap sa buhay ay makahanap ng asukal-de-papa—isang bilyonaryong uugod-ugod na at malapit nang mamatay para manahin ang yaman nito.
Hindi pa man nakakatok si Odette ay narinig na niya ang kakaibang ingay mula sa loob. Ang impit na tili na may kasamang ungol at ang kalabog ng kama. Lord, pati ba naman dito? isip ni Odette. Hinintay niya munang tumahimik bago kumatok nang malakas. Pagbukas ng pinto, bumungad ang isang pawisang Margaret na naka-bathrobe lang, habang isang matandang lalaki ang nagmamadaling lumabas bitbit ang sapatos nito.
“Gaga ka, Odette! Panira ka ng momentum! Malapit na akong mabilhan ng condo nun!” bulyaw ni Margaret habang pinapaypayan ang sarili.
“Pasensya na, Margaret. Wala na kasi akong matuluyan at kailangan ko lang ng kausap,” matamlay na sagot ni Odette habang nauupo sa sofa na puno ng damit.
Napangiwi pa nga si Odette ng makita ang isang condom na gamit na sa lapag kaya mabilis ‘yon pinulot ni Margaret at itinapon sa trashcan. “Sinabi ko naman sayo loka kung kailangan mo ng makakausap ay nandito lamang ako. Hindi mo nga lang ako maasahan sa usaping pera dahil naibigay ko na rin sa pamilya ko,”
“Hindi naman ‘yon ang ipinunta ko rito, loka,”
“Mabuti naman pero ipagtitimpla muna kita ng juice or kape? Mukhang mahaba-haba ang magiging usapan natin,”
“Kape na lang nang lumakas naman ang loob ko na harapin ang pagsubok,” biro ni Odette kahit na mabigat na rin ang dinadala niya.
Mabilis lamang nakapagtimpla ng kape si Margaret at habang nagtitimpla ito ay nasimulan na rin ni Odette na ikwento ang nangyari sa kanila ni Valerius. Simula sa paano niya ito nakita, magkano ang inalok nito sa kanya hanggang sa paalisin siya ng gabing iyon. Halos malaglag naman ang panga ni Margaret na tahimik lang din na nakikinig.
“Ano?! Five million for one night?! At tinanggihan mo?!” tili ni Margaret. “Gaga! Kung ako 'yun, ibubuka ko ang perlas ko hanggang sa magmukhang tunnel sa luwag! Valerius Cavalcante 'yun, Odette! He’s the king of the jungle! Isandaang libo lang ang nakuha mo? Napakamura naman ng iyak mo, girl!”
“Hindi ko kayang ibigay ang katawan ko sa lalaking hindi ko naman mahal, Margaret,”
“Ayan na naman tayo sa pagmamahal eh, sa panahon ngayon at sa kalagayan natin ang salitang love ay wala ng halaga. Kung sakaling makilala mo ang taong para sayo, pagkatapos ano na? Ibibigay mo ba ng libre ang katawan mo? Alam ko naman na masama pero wala din kasi tayong ibang pagpipilian,” seryoso at tagos sa butong sabi ni Margaret.
Si Margaret na may maduming mundo din, ibinebenta ang sarili sa mga matatanda na kaya siyang suportahan. Alam niyang mali, alam niya rin na napakadumi niya pero anong magagawa niya kung ito ang paraan upang hindi siya maghirap gaya ng dati.
“P-Pero hindi ko kaya,”
“Ibigay mo ang kipay mo sa lalaking milyon ang kayang bayaran kaysa naman ibigay mo ng libre sa lalaking aanakan ka lang,”
“Hindi ka ba napapagod sa ganitong buhay?” tanong ni Odette kaya naman napatigil si Margaret sa pagsusuklay ng buhok.
“Hindi, hindi ako pwedeng mapagod. Kailangan ako ng pamilya ko.”
Sandaling nanahimik silang dalawa hanggang sa halos masubunutan na ni Odette ang sarili sa stress na nararamdaman. “Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“Sa susunod na may mag-offer sayo loka tanggapin mo. Kailangan mong tanggapin at tiisin para sa kapatid mo.”
Hindi agad nakasagot si Odette bago niya inubos ang huling laman ng baso niya. “Hindi ko alam bahala na siguro si batman. Pero susubukan ko pa rin maghanap ng maayos na trabaho, magpapasa pa rin ako bukas. Kahit tagahugas ng pinggan, papasukin ko.”
Gabi na nang lisanin ni Odette ang apartment ni Margaret. Habang naglalakad pauwi, napadaan siya sa tapat ng The Grand Diamond Hotel. Isang marangyang hotel na madalas pagdausan ng mga gala night. Sakto namang huminto ang isang itim na Rolls-Royce sa tapat nito. Bumaba ang isang lalaking pamilyar ang tindig. Si Valerius. Nakasuot ito ng navy blue tuxedo na nagpapatingkad sa kanyang ka-gwapuhan at pagiging makapangyarihang tao. May kalong itong isang babaeng animo’y model ng Victoria’s Secret—matangkad, maputi, at balot ng mamahaling alahas.
Nagkatitigan sila ni Valerius. Isang segundo. Dalawa. Hanggang sa mabilis na nag-iwas ng tingin si Odette. Itinuring niyang hangin ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Naisipan ni Odette na baka ito na ang pagkakataon niya. Baka pwedeng magpasa ng resume sa HR ng hotel na ito dahil hindi ito hawak ni Salazar. Pumasok siya sa loob, pilit na inaayos ang sarili kahit mukha siyang basang sisiw kumpara sa mga taong nandoon.
Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Sa pagmamadali niya patungo sa b****a ng hotel, hindi niya napansin ang babaeng kasama ni Valerius na biglang huminto para tignan ang kanyang reflection sa salamin.
BOGSH!
Nabunggo ni Odette ang babae, sapat na para malaglag ang mamahaling clutch bag nito at tumalsik ang ilang gamit. “Oh my God! Are you blind?!" sigaw ng babae. Ang pangalan niya ay Sabrina, isang sikat na socialite na kilala sa pagiging matapobre. “Pasensya na po, hindi ko sinasadya,” mahinahong sabi ni Odette habang pinupulot ang gamit nito.
“Don't touch my things! Your hands look like they've been in a sewer!” asar na sabi ni Sabrina bago inagaw ang mga gamit niya sa kamay ni Odette. Tumingin ito kay Valerius na nasa gilid lang, nanonood at may kakaibang kislap sa mga mata. “Val, look at this girl! She ruined my mood! Is she even allowed to be here? She looks like a beggar!”
Hindi sumagot si Valerius. He just crossed his arms, leaning against a marble pillar, looking amused. Gusto niyang makita kung paano lalaban ang babaeng umiyak lang noong nakaraang gabi.
“I said sorry, Ma'am. Hindi ko naman sinasadya,” ulit ni Odette. Sanay na siya sa ganito. Mas malala pa ang inabot niya kay Salazar noong nagtatrabaho pa siya sa bulok nitong restaurant.
“Sorry is for cheap people!” Biglang hinila ni Sabrina ang buhok ni Odette nang akmang tatalikod na ito. “You don't just walk away from me!”
Dahil sa gulat at lakas ng hila, sumubsob si Odette sa carpeted floor. Nagtinginan ang mga tao. Narinig ang mga bulungan. Nakaramdam si Odette ng matinding hiya, pero higit sa lahat, galit. Hindi pa nakuntento si Sabrina. Kumuha siya ng isang baso ng red wine mula sa dumaan na waiter at nang walang kaabog-abog ay ibinuhos niya ito sa ulo ni Odette.
Ang malamig na alak ay gumapang sa mukha ni Odette, dumaloy sa kanyang leeg, at nabasa ang kanyang tanging maayos na damit. Halos mabulag siya sa pait ng alak. “There. Now you look like the trash you truly are,” tawa ni Sabrina.
Nanatiling tahimik si Valerius. His eyes were fixed on Odette. He expected her to cry. He expected her to beg again. But instead, nakita niyang dahan-dahang tumayo si Odette. Pinunasan nito ang alak sa kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang kamay. Walang emosyon ang kanyang mukha. Isang nakakatakot na kalmado. Lumingon si Odette at nakita ang isang buffet table. May isang malaking bowl ng Spaghetti Aglio Olio doon. Nilapitan niya ito habang ang lahat ay nakatingin. Dinampot ni Odette ang isang malaking serving ng pasta—puno ng mantika, bawang, at herbs. Lumapit siya kay Sabrina na kasalukuyang tumatawa pa rin. “Anong gagawin mo, you poor—”
Bago pa matapos ni Sabrina ang sasabihin, ngumiti si Odette—isang ngiting pakatamis-tamis bago niya buong lakas na isinampal ni Odette ang tumpok ng pasta sa mukha ni Sabrina. Ang mantika ay kumapit sa buhok nito, ang mga piraso ng bawang at pasta ay pumasok sa loob ng kanyang gown, at ang mukha nito ay punong-puno ng sauce.
“An eye for an eye, Ma'am. Red wine for garlic pasta. Fair enough, right?” malamig na sabi ni Odette.
“AHHHHHHHH! MY HAIR! MY DRESS! VALERIUS, DO SOMETHING!” tili ni Sabrina habang sinusubukang alisin ang pasta sa kanyang mukha.
Tumingin si Odette kay Valerius. For a split second, she saw it—the smirk on his face. He wasn't angry. He was impressed. “Enjoy your night, Mr. Cavalcante. Sana masarap ang hapunan niyo,” ani Odette bago tumalikod nang may taas na noo.
Akmang susugurin na ulit ni Sabrina si Odette na may galit na galit na mukha ng pigilan na ito ni Valerius. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa braso ng babae ay napa-angil ito kaya doon lamang niya binitawan.
“Enough, Sabrina,” malamig na utos ni Valerius.
“But Val! Look at me! Ipapapulis ko ang babaeng 'yan!”
“You started it,” sagot ni Valerius, ang kanyang paningin ay nakapako pa rin sa likuran ni Odette na palabas na ng hotel. “And frankly? You look better with pasta on your face. Go to the powder room and clean yourself up. We're leaving.”
Nauna nang pumasok si Valerius sa loob ng hotel pero hindi pa rin mawala-wala sa isip niya si Odette. Hindi mawala sa mga labi niya ang tuwa at excitement dahil akala niya ay talunan at mahina ang babae pero nagkakamali pala siya.
“Odette Villareal,” bulong niya sa sarili. “You're starting to get interesting.”