KABANATA 6

1578 Words
Mabilis ang lakad ni Odette palayo sa hotel naghihimutok pa rin siya sa inis dahil sa ginawa ng matapobreng babae. Ang mas kinaiinis niya ay wala man lang ginawa si Valerius upang pigilan ang babae niya. Nakatayo lamang ito roon habang pinapahiya siya at mas lalo nagpa-init sa ulo niya ay kung paano siya nito tingnan na may ngisi sa labi. Basang-basa pa rin ang kanyang buhok mula sa malagkit na alak, at ang amoy nito ay nakakasakit sa ulo sa dahil halatadong mataas ang percentage ng alcohol nito. Ramdam niya rin ang panginginig ng kanyang mga kamay—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa adrenaline na hindi pa humuhupa matapos niyang sampalin ng pasta ang babaeng kasama ni Valerius. “Akala mo kung sino,” bulong ni Odette sa sarili dahil gigil na gigil talaga siya. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang dahan-dahang umaandar sa kanyang gilid. Ang pamilyar na sasakyan na kanina lamang niya nakita. Naningkit ang mga mata niya ng huminto ang sasakyan at bumaba ang bintana. “Nice performance back there, Miss Villareal. Hindi ko alam na marunong ka palang gumamit ng pasta bilang sandata,” bumungad sa kanya si Valerius na may ngisi pa rin sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Kung minamalas ka nga naman. Inismiran niya si Valerius at nagpatuloy sa paglalakad pero ang loko ay sinusundan talaga siya nito. Mas binilisan pa niya ang lakad pero subalit humahabol pa rin talaga ito sa kanya at dahil sa inis niya ay hinarap niya ito habang naniningkit ang kanyang mga mata. “Wala akong oras makipag-bolahan sa'yo, Cavalcante. Bumalik ka na sa girlfriend mong mukhang clown.” Tumaas pa ang kilay ni Odette ng bumukas ang pinto at lumabas si Valerius. Maglalakad sana siyang muli ng bigla itong lumapit sa kanya. “Bakit ka bumaba sa mamahaling mong sasakyan, aber? Kung may plano kang makipag-kwentuhan sa akin, aba! Wala akong oras!” himutok ni Odette. ‘She’s not my girlfriend. She’s an associate. And you just ruined a million-peso dress,” wika ni Valerius, na ngayon ay mas malapit na sa kanya. “Associate? Whatever. At kung nasira man ang damit niya, baka gusto mong bayaran ko rin ‘yon? Oh wait, wala na pala akong pera next time na lang! Ubos na rin ang baryang ibinayad mo sa akin. Aalis na ako dahil wala naman akong sasabihin sayo.” “Isandaang libo is not 'barya' for someone like you, Odette,” malamig na tugon ni Valerius. “And what are you doing here anyway? It’s midnight. Ang ganitong lugar ay hindi para sa mga babaeng 'marangal' na katulad mo.” “Naghahanap ako ng trabaho! Dahil ang bilyonaryong katulad mo ay sinira ang gabi ko ng shonget mong girlfriend, kailangan kong magdouble-time para sa kapatid ko! Happy now?” “Sa Grand Diamond? You think they’d hire someone who smells like a brewery and looks like a street fighter.” Valerius scanned her from head to toe, a smirk playing on his lips. “You’re desperate.” “Oo, desperate ako! Kesa naman sa'yo na walang ibang alam kundi bumili ng tao!” Inirapan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi talaga siya nilubayan ni Valerius dahil nakasunod pa rin ito kay Odette hanggang sa mapadpad sila sa isang madilim na parte ng kalsada, kung saan ang mga ilaw ng poste ay pundi at ang tanging liwanag ay ang buwan. Huminto si Odette at muling hinarap ang lalaki. Galit na galit na siya. “Ano ba talagang kailangan mo, Valerius?! Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi mo ba nakuha ang gusto mo sa babaeng kasama mo kaya naman ako ang pine-peste mo? Sinasabi ko na sayo at wala akong oras para makipaglaro.” Valerius stepped into the shadows, his gray eyes glinting. “I want to know where the money went. Isandaang libo. Sabi mo kailangan mo para sa kapatid mo. Sigurado ka bang hindi mo lang iyon ipinangsugal o ibinili ng mga ganitong klaseng damit?” “How dare you!” akmang sasampalin siya ni Odette pero mabilis na nasalo ni Valerius ang kanyang kamay. Mahigpit ang hawak nito, ramdam ni Odette ang init ng balat ng lalaki. “Answer me, Odette. Anong gagawin mo sa pera? Anong sakit ng kapatid mo?” “Hindi mo na dapat malaman pa, Valerius. Kung saan ko ginamit ang ibinayad mo sa akin atsaka ano bang pakialam mo ah? Bayad ‘yon at gagawin ko kung anong gusto ko!” hiyaw ni Odette dahil inaamin niya na masakit sa kanya ang mga salitang lumabas sa bibig nito. “Gusto ko lang malaman ang totoo at wala akong masamang ibig sabihin doon. I’m sorry pero gusto ko lamang malaman.” Pinakatitigan muna ni Odette si valerius at napansin niya ang sinseridad sa mga mata nito kaya huminga siya ng malalim bago binawi ang kamay niya na hawak-hawak nito. “Heart failure. He needs a transplant eventually, pero sa ngayon, kailangan niya ng emergency surgeries para lang mabuhay araw-araw. Every breath he takes costs thousands. At ang isandaang libong ibinigay mo? Nagamit na 'yun para sa deposit ngayong gabi. Isang gabi lang ang binili nun, Valerius. Isang gabi.” “Saang hospital?” “St. Jude General Hospital. Bakit? Pupuntahan mo para ipamukha sa kanya na ang ate niya ay nagbenta ng sarili sa isang demonyong katulad mo?” “Hindi ako demonyo, Odette. I'm just a realist.” Muling hinawakan ni Valerius ang kamay niya at humakbang palapit, sapat na para maamoy ni Odette ang bango ng kanyang mamahaling perfume. “What if I offer you a way out? I'll pay for everything. Ang transplant, ang recovery, lahat. No more walking in the streets looking for jobs you won't get.” Tumingala si Odette sa lalaki dahil hindi hamak na napakatangkad nito at hanggang balikat lamang siya, pagkatapos ay isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. “At ano na naman ang kapalit? Isang gabi? Isang buwan? Isang taon na gagawin mo akong laruan? No thank you, Valerius. I’d rather scrub toilets than go back to that room with you.” “Are you sure? Your pride over your brother's life?” “Ang pride ko ang tanging natitira sa akin! At hindi ko hahayaang pati 'yun ay kunin mo. Hindi lahat ng bagay nabibili mo, Valerius Cavalcante. Umalis ka na.” Tinalikuran na siya ni Odette at naglakad patungo sa madilim na eskinita. Pinanood siya ni Valerius hanggang sa lamunin siya ng dilim. Hindi ito gumalaw, nanatili lang siyang nakatayo sa ilalim ng pundi na poste ng ilaw at pinagmamasdan ang papawalang bulto ni Odette hanggang sa mawala na ito sa paningin ni Valerius. Nang masiguradong wala na si Odette, kinuha ni Valerius ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang tuxedo. Ang kanyang mukha ay wala nang bakas ng kahit na anong kapilyuhan. It was the face of a man who was about to close a deal. Sa harapan lamang talaga ni Odette siya nakakangiti at nagiging totoo. Hinanap niya ang numero sa kanyang contact list at nang makita ito ay agad niyang pinindot upang tawagan. Mabilis lamang sumagot ang nasa kabilang linya kaya naman wala ng sinayang pa na sandali si Valerius kaya sinabi niya agad ang pakay niya. “Hello? This is Valerius Cavalcante. Put me through to the Hospital Director of St. Jude General Hospital. Now.” Ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang kabilang linya. “Mr. Cavalcante! What a surprise to hear from you. How can we help you?” “I have a patient there. Olin Villareal,” malamig na simula ni Valerius. “I want his account frozen. Don't accept any more partial payments. Any deposits made by his sister, Odette Villareal, should be rejected under the guise of 'administrative changes' or 'new hospital policy'.” “But Mr. Cavalcante, that’s—” “I’m not finished,” putol ni Valerius, ang kanyang boses ay mas lalong lumamig kaya ang taong kausap niya ay pinangilabutan at hinintay na lamang na matapos ang sinasabi ng binata. “I will be the one to pay for everything. Every cent. But you are not to tell her. Instead, I want you to tell her tonight that the surgery failed to meet the financial requirements and that the child will be discharged or transferred to a public facility if the full five million isn't paid by tomorrow morning.” “Are you sure about this, sir? That’s very... drastic.” “Gawin mo ang sinasabi ko. I’ll double the hospital’s funding for the next five years if you do this right. If she asks, tell her the 'benefactor' pulled out or the donor list has changed. Make her feel like she has no other choice.” “Understood, Mr. Cavalcante. We will call her in an hour.” Ibinaba ni Valerius ang telepono at tumingin sa direksyong dinaanan ni Odette. Isang madilim na ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. “You said I can't buy everything, Odette,” bulong niya sa hangin. “But I can certainly buy the air your brother breathes. Let’s see how long your pride lasts when you’re staring at a heart monitor that’s about to flatline.” Sumakay si Valerius sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito, may malaking ngising demonyo sa mga labi samantalang si Odette na walang kamalay-malay sa paparating na problema na siyang gigipit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD