KABANATA 7

2255 Words
Halos hindi pa natutuyo ang alak sa damit ni Odette nang makarating siya sa kanilang maliit na paupahan. Pagod na pagod siya, ang bawat kalamnan niya ay sumasakit, ngunit bago pa man niya mahubad ang kanyang sapatos ay muling umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone. Ang tawag na kinatatakutan niya. Ang St. Jude General Hospital. “Hello? Nurse Clara?” bungad ni Odette, ang kaba sa kanyang dibdib ay muling bumalik nagkaroon na talaga siya ng trauma sa tuwing tatawag ang hospital sa kanya. “Ms. Villareal, I’m sorry to inform you, pero kailangan niyo pong pumunta rito sa ospital ngayon din. May problema po sa account ni Olin,” seryosong sabi ng nurse. “Problema? Kakabayad ko lang ng isandaang libo noong isang araw, 'di ba? Sabi ni Dr. Arnaldo stable na siya!” “Hindi ko po pwedeng ipaliwanag sa telepono. Ang Director po ang gustong makausap kayo. Ngayon na po, Ma'am.” Mabilis na dinampot ni Odette ang kanyang bag at lumabas ng apartment nila ni Olin. sa bilis nga niyang maglakad ay inunahan niya na ang isang ale na pasakay ng traysikel. Hindi niya inalintana ang putak nito at sinabi sa driver na ang address ng hospital. Habang na sa byahe hindi mapigilan ni Odette ang mag-isip ng kung anu-ano dahil akala niya ay makakahinga na siya kahit papaano pero heto na naman ang problema. Pagdating ni Odette sa hospital, sinalubong siya agad ng malamig na aircondition kaya mas lalo siyang nanginig sa takot. May isang nurse din ang naghihintay sa kanya na tumulong upang dalhin siya sa opisina ni Dr. Mendoza, ang Hospital Director. Kasama nito si Dr. Arnaldo na nakayuko lamang at hindi makatingin nang direkta kay Odette. “Anong ibig sabihin nito, Doc?” tanong ni Odette, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit at takot. “Sabi niyo sisimulan na ang full treatment dahil sa paunang bayad ko!” Huminga nang malalim si Dr. Mendoza. “Ms. Villareal, nagkaroon ng biglaang pagbabago sa administrative policy ng hospital. Ang mga kaso ni Olin na nangangailangan ng high-maintenance life support at specialized transplant list ay hindi na pwedeng tumanggap ng partial payments. We need the full five million pesos for the surgical bond and the organ reservation. Otherwise, we have to transfer him.” “Transfer? Saan?! Sa public hospital?” sigaw ni Odette. “Alam niyo namang hindi sapat ang mga gamit doon para sa kalagayan ni Olin! Mamamatay ang kapatid ko sa byahe pa lang!” “I’m sorry, but we are a private institution. We cannot sustain his treatment without the funds. You have until tomorrow morning to settle the balance, or we will have no choice but to facilitate the transfer,” sabi ni Mendoza na tila ba binabasa lang ang isang listahan ng grocery. “Wala kayong puso!” sigaw ni Odette bago pinalo ang ibabaw ng mesa gamit ang sariling kamay. Sa sobrang sama ng loob niya ay hindi niya naramdaman ang sakit n’on. “Buhay ng bata ang pinag-uusapan natin dito!” Nagtinginan si Mendoza at Arnaldo. Maya-maya ay sinenyasan ni Mendoza ang ibang staff na lumabas muna. Nang silang tatlo na lang ang naiwan, lumapit si Mendoza kay Odette at pasimpleng bumulong. “Ms. Villareal, may alam akong paraan. Isang paraan na hindi dadaan sa record ng hospital.” Napatigil si Odette. “Ano?” kahit alam ni Odette na maaaring masamang tulong ito ay hindi niya napigilan ang sarili niyang alamin. Desperada na naman siya at gagawin niya na kung anong makakabuti para sa kalagayan ng kapatid niya. Para na rin matapos ang problema niya. “May mga ‘benefactors’ kami. Mga taong sobrang yaman na gustong tumulong pero ayaw nilang malaman ang identity nila. Isang ‘Anonymous Donor’ ang naghahanap ng mapaglalaanan ng pondo kapalit ng... sabihin na nating, ‘special assistance’. He is looking for someone like you. Isang gabi ng pagsisilbi sa kanya, at bukas na bukas din, cleared na ang buong bill ni Olin hanggang sa operasyon.” Nanlamig ang buong pagkatao ni Odette. Alam niya ang ibig sabihin nito. “Anong klaseng tulong?” Gusto niyang matawa kasabay ng pag-iyak dahil ano bang inaasahan niya? Tulong na galing lamang sa pagiging bukal ng loob nila at walang kapalit? Hindi sa gan’ong bagay umiikot ang mundo lalo na ngayon na sentro ang pera sa kasamaan ng mga tao. “I think you’re smart enough to know, Odette,” sabi ni Mendoza sabay abot ng isang maliit na papel. “Nakasulat diyan ang hotel at ang room number. 10 PM sharp. Kung pupunta ka, maliligtas ang kapatid mo. Kung hindi... ihanda mo na ang transfer papers ni Olin mamayang madaling araw.” Nakatulala lamang si Odette habang tinitingnan ang papel na inabot sa kanya ng director ng hospital. Naroon lamang siya nakatayo at hindi gumagalaw hanggang sa lumabas na rin roon ang doctor ng kapatid niya. Hindi na napigilan ni Odette ang mapa-upo sa malamig na tiles at humagulgol. Hindi na natapos ang problema niya at hindi rin niya alam kung paano pa niya ito malalampasan pero kung ang papel na ito ang mag-aahon sa kanya sa problema na ito gagawin niya. Pinunasan muna ni Odette ang kanyang mga luha bago nagtungo sa silid ni Olin. naabutan niya ang kapatid na nakangiti habang binabahasan ng isang nurse ng libro. Nang makita siya ng kapatid ay mabilis na kumislap ang mga mata nito. “A-Ate…” mahinang tawag pa kay Odette gamit ang boses na namamaos. Mabilis na lumapit si Odette upang yakapin ang kapatid niya. “Kamusta naman ang baby ko na ‘yan? Nagiging mabait ka ba kay Nurse Nica?” malambing pa niyang tanong. “O-Opo, binabasahan niya po ako ng story,” “Mabuti naman kung gan’on, dumalaw lang si ate ah? Aalis din ako maya-maya dahil may trabaho ako.” saka niya hinimas-himas ang buhok ni Olin. lumungkot ang mga mata ng kapatid ni Odette gusto man niyang burahin ‘yon ay hindi niya magawa dahil para din ito sa ikakabuti ng bata. “A-Ate… k-kailan po kaya ako gagaling? Gusto ko na pong mag-play sa labas, gusto ko na po mag-aral ulit,” “Malapit na. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang magpaggaling,” “G-Gagaling pa ba ako, ate?” “Oo naman, gagaling ka at gagawin lahat ni ate para gumaling ka,” saka niya hinalikan ang uluhan ni Olin. Mabilis din pinunasan ni Odette ang luha niya dahil ayaw niyang makita siyang ganito ng kapatid niya. Kailangan niyang maging malakas, kailangan niyang lumaban. “Oh siya, aalis na ako, magpapakabait ka rito okay?” “Opo, ate.” nakangiting sagot ni Olin bago tuluyang nagpaalam si Odette. Muling bumagsak ang mga luha niya, ni wala na siyang pakialam kung tinitingnan na siya ng ibang tao. Kahit na mahirap ay pinilit niyang makalakad paalis ng hopsital, nalamukos pa niya ang kapiraso ng papel na nas kamay niya tila roon na lamang humuhugot ng lakas. ~~ Tuliro na nagtungo si Odette sa bahay ni Margaret. Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng kanyang problema at sama ng loob. Naaawa man ang kaibigang si Margaret subalit wala din siyang magawa dahil napakalaking pera ang kailangan ni Odette. “Gaga! Ito na 'yung sinasabi ko sa'yo!” sigaw ni Margaret habang hinihimas ang likod ng kaibigan. “Benefactor na ang lumalapit, Odette! Huwag mo nang pairalin ang pride mo dahil hindi niyan ililigtas si Olin!” “Pero Margaret, nakakadiri na ako! Pakiramdam ko ay basura na ako!” hagulgol ni Odette. “Ano ba ang mas mahalaga? Ang pagiging malinis mo o ang t***k ng puso ni Olin? Isang gabi lang 'to. Pagkatapos nito, tapos na ang problema mo. Malay mo, matandang uugod-ugod 'yan na gusto lang ng kasama!” Hindi sumagot si Odette. Alam niyang wala na siyang choice. Doon din pala ang bagsak niya sa ganoong bagay din pala siya muling babalik. “P-Paano kung mabuntis ako? Paano kung may asawa pala itong taong ito? Hindi lamang dangal ko ang masisira pati na rin ang buong pagkatao ko.” “Ayoko maging masamang ehemplo sayo dahil magkaibigan tayo, ako na lang ang malugmok sa putik pero wala rin kasi tayong magagawa. Sa mundong ito kailangan mo ng pera, ang ibang tao ginagamit ang pera para makuha ang gusto nila. Alam kong masama ito pero kailangan mo ng pera at sa panahong ito hindi na mahalaga ang dangal.” seryosong sabi ni Margaret. “K-Kung tinanggap ko na lang ang alok ni Valerius? Paano kung…” bigla na lamang lumabas sa bibig ni Odette. Natahimik din ang kaibigan. “Kung tinanggap mo ang alok niya siguro tapos na ang problema mo ngayon. Pero gusto mo ba siyang hanapin at makipag-deal sa kanya?” tanong ni Margaret. “P-Paano? Ilang beses ko siyang tinanggihan,” “Wala na tayong magagawa dito. Ano ba ang pasya mo? Itutuloy mo ba o hindi?” Hindi agad nakasagot si Odette bago niya kinuha ang tuwalya na nakasabit sa may sandalan ng kahoy na upuan. Hindi na rin nagsalita pa si Margaret at pinanood na lamang ang kaibigan. Naaawa siya at hindi niya alam ang maitutulong ngunit kung ang sarili nga niya ay hindi niya maahon sa putik na kilalalagakan. Pumasok si Odette sa banyo at nag-ayos. Galit siya sa kanyang sarili habang minamasdan ang kanyang repleksyon. Nagsuot siya ng isang manipis at sexy na black lace dress na hiniram niya kay Margaret. Naglagay siya ng dark red lipstick, at makapal na make up upang kahit papaano ay maitago niya pagkakakilanlan. “I hate this. I hate myself,” bulong niya habang tinitignan ang kanyang katawan na muling nakabalandra para ibenta. ~~ Eksaktong alas-diyes ng gabi nang makarating siya sa The Sapphire Suites. Isang ultra-exclusive na hotel na mas marangya pa sa Makati Luxury Bar. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang papel. Room 888. Pagdating niya sa harap ng pinto, huminga muna siya nang malalim. Pinunasan niya ang huling luhang pumatak sa kanyang pisngi. Para kay Olin. Huling beses na ito. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto na hindi naka-lock. Pagpasok niya, bumungad ang isang malawak na suite na puno ng amoy ng mamahaling perfume na lavender at amoy ng after shave ng isang lalaki. Ang tanging liwanag sa loob ng hotel suite ay mula sa isang table lamp sa gilid. Sa may gilid sa napakalaking bintana na roon ang isang lalaki na nakatalikod—pamilyar na pamilyar kay Odette. Ang nakatalikod na lalaki na nakatingin sa nagliliwanag na skyline ng Makati. Nakasuot lamang ito ng itim na silk robe, hawak ang isang baso ng whiskey. “I’m here,” pabulong na sabi ni Odette. “Gawin na natin ang dapat gawin. Bayaran mo lang ang hospital, at gawin mo sa akin ang lahat ng gusto mo.” Dahan-dahang humarap ang lalaki. Ang kanyang mga mata na kulay abo ay kumislap sa dilim, at isang pamilyar na nakakalokong ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi. Halos mapatid ang hininga ni Odette sa nasaksihan. Bigla na lamang nanlambot ang kanyang mga tuhod at napahawak siya sa pader upang suportahan ang sarili at hindi mahimatay sa takot na mas lumukob sa kanya. “V-Valerius?” “Welcome back, Odette,” malamig na sabi ni Valerius habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. “Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Sa akin ka pa rin babalik.” “Ikaw... ikaw ang may gawa nito? Ikaw ang nag-freeze sa account ni Olin? Ikaw ang nag-utos sa Director?!” “I told you, I’m a businessman,” Valerius whispered as he reached out and traced the line of her jaw. “Gusto mong makipaglaro ng pride, 'di ba? Ngayon, tignan natin kung gaano kataas ang lipad mo ngayong putol na ang mga pakpak mo.” “You're a monster! You're a literal demon!” sigaw ni Odette, akmang sasampalin niya ito ngunit mabilis na nahuli ni Valerius ang kanyang mga kamay at idinikit siya sa pinto. “Isang gabi, Odette. Pero sa pagkakataong ito, walang iiyak at mag-iinarte sa akin. Dadalhin kita sa langit hindi lamang ang kapatid mo pero sana ay sumunod kana sa usapan dahil kung hindi pa? Mapipilitan akong paalisin ang kapatid mo sa hospital na pag-aaari ko.” “B-Bakit mo ba ito ginagawa ah! Ano bang kasalanan ko sayo para gawin sa akin ito! Para pahirapan ako ng ganito!” malakas na sigaw ni Odette sa mismong pagmumukha ni Valerius. Kaysa masindak at maawa sa kanya ang binata ay mas lalo lamang itong ngumisi ng nakakaloko. Isang ngising alam ni Odette na walang gagawing matino. Mas lalo lamang siya nito isinandal sa pader, ang mga mata nito na sumusuri ngayon sa katawan niya at pumirmi sa nakaluwa niyang dibdib. “Wala kang ginawang mali,” tipid na sagot ni Valerius. “Wala naman pala pero bakit mo ito ginagawa sa akin! Anong kasalanan ko ah? Sabihin mo sa akin kung ano ba ang gusto mo sa akin!” “Gusto mong malaman?” may panunuya pa sa tindi ni Valerius bago siya binitawan. Muling naglakad si Valerius patungong sofa bago nagsalin ng alak sa baso nito. “Simple lang dahil gusto kong makita na nasasarapan ka habang paulit-ulit kitang inaangkin. Gusto kong makita ka kung paano umiyak habang nilalabas-masok ko sayo ito,” sabay hawak sa tigas na tigas at tayong-tayong pagkalalake. Napalunok si Odette sa nakikita pero hindi rin niya maalis ang mga tingin niya roon. “Kaya naman hindi ako titigil hangga’t hindi iyon nakikita ng mga mata ko.” dagdag pa ni Valerius.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD