Ang init sa loob ng kusina ng Grand Luxora Hotel ay halos hindi na makayanan ni Odette, pero ang mas hindi niya masikmura ay ang bigat sa dibdib niya na araw-araw niyang dala. Sa edad na dalawampu’t dalawa, dapat sana ay nag-e-enjoy siya sa kanyang kabataan, pero heto siya—suot ang hapit na uniform ng isang waitress, tinitiis ang pagod para sa bawat sentimong kikitain.
“Odette, seriously, look at me,” bulong ng kaibigan niyang si Sheila habang nag-aayos sila ng mga kubyertos sa side station. “You’re beautiful. You have the face, you have the body. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo rito? One night, Odette. Isang gabi lang na sasama ka sa isa sa mga VIP guests natin, kikitain mo na ang sahod mo ng tatlong buwan. Extra lang naman, girl. Hindi naman malalaman ng management.”
Huminga nang malalim si Odette at matalim na tiningnan ang kaibigan. “Sheila, we’ve talked about this. Hindi ako pumasok dito para maging ‘side dish’ ng mga mayayamang matatandang ‘yan. Nandito ako para magtrabaho nang marangal.”
“Marangal? Girl, your brother is in the hospital! St. Jude is not cheap!” giit ni Sheila na medyo tumaas ang boses nito. “Dangal ba ang magbabayad ng ICU bills ni Olin? Dangal ba ang pambili ng gamot niya? Wake up, Odette! In this world, pride is a luxury you can’t afford.”
Kumirot ang puso ni Odette sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang kapatid. Olin was only seven, and he was fighting for his life. Pero kahit gaano siya kadesperada, hindi niya kayang ibenta ang sarili niya.
“Kaya ko pa, Sheila. Mag-o-overtime ako. Kakausapin ko si Manager para sa cash advance,” matigas na sabi ni Odette.
“Cash advance? Kay Manager Salazar? Good luck, sis. Alam mo namang kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom—o baka sa kama niya—bago ka bigyan n’un,” irap ni Sheila bago tumalikod.
Hindi pa nakakasagot si Odette sa sinabi ng kaibigan nang umalingawngaw ang boses na pinaka-ayaw niya. Ito na naman ang demonyo na nagpapahirap sa kanya sa trabaho. Huminga siya ng malalim bago pinakinggan ang sasabihin nito sa kanya.
“Villareal! Anong tinatayo-tayo mo dyan? Are we paying you to gossip?” sigaw ni Manager Salazar, isang lalakeng amoy tabako na may onting amoy sibuyas at palaging mukhang galit sa mundo dahil sa palaging pag-sigaw nito sa kanya. “Table 5! VIP guests. Serving of Beef Lasagna and wine. Bilisan mo, bago pa magreklamo ang mga ‘yan!”
“Yes, sir,” tipid na sagot ni Odette. Kinuha niya ang tray at mabilis na naglakad patungo sa main dining area.
Ang Table 5 ay binubuo ng apat na lalaking mukhang mga spoiled rich kids na wala pang muwang sa mundo pero puno ng kayabangan dahil sa pera ng mga magulang nila. Paglapit ni Odette, naramdaman na niya ang malalagkit na tingin ng mga ito.
“Here is your Beef Lasagna, sirs. Enjoy your meal,” malumanay na sabi ni Odette habang maingat na inilalapag ang mga plato.
“Wait, Miss. Is the lasagna the only thing on the menu?” sabi nung lalakeng nakasuot ng designer shirt, habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. “O kasama ka rin sa babayaran namin?”
Nagtawanan ang mga kasama nito. Odette bit her lip. Patience, Odette. For Olin.
“I’m sorry, sir. I’m just here to serve your food,” sagot niya nang hindi tumitingin sa kanila.
“Don’t be so cold, babe. Magkano ba?” dagdag pa nung isa, sabay hawak sa kamay ni Odette. “Kahit triplehin pa namin ang tips mo, basta tabihan mo lang kami rito.”
“Sir, please let go of my hand. I have other tables to attend to,” mahinahon pero may diin na sabi ni Odette.
Nang matapos niyang mailapag ang huling plato, mabilis siyang tumalikod para umalis. Pero hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niya ang isang malakas na palo sa kanyang puwitan. Isang bastos na pagpalo na narinig ng buong kumpol ng mga lalaki.
PAAAK!
“Nice. Firm,” hagalpak nang lalaki na puno ng alahas sa katawan. Nagsigawan pa ang iba pa at pinuri ang bastos na lalaking pumalo sa pwet’an ni Odette. Mga walang pakialam kung nakakabastos na sila ng babae at tila mga walang kapatid na babae at hindi babae ang mga ina nila.
Doon na nagdilim ang paningin ni Odette. Ang pagod niya, ang puyat niya, at ang lahat ng stress niya para sa kapatid niya ay biglang sumabog. Nang hindi nag-iisip, kinuha ni Odette ang huling platong lasagna na kakalapag lang niya at buong lakas na ipinaspas ito sa mukha ng lalakeng pumalo sa kanya.
Ang malapot na sauce, cheese, at pasta ay humalik sa mukha at mamahaling damit ng lalaki. Namayani ang katahimikan sa buong restaurant bago ito napalitan ng malakas na mura.
“YOU B*TCH! DO YOU KNOW HOW MUCH THIS SHIRT COSTS?!” sigaw nung lalaki habang pilit na pinupunasan ang mukha niya gamit ang tissue.
“Alam mo din ba sir na kabastusan ang ginawa mong pagpalo sa pwet’an ko?” balik tanong ni Odette.
“Kasalanan ko ba kung nirarampa mo ‘yang katawan mo?! kasalanan ba namin kung inaakit mo kami, miss?!”
“Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na inaakit ko kayo! Narito ako para magtrabaho ng marangal! Kasalanan ko ba kung hindi kayo napalaki ng maayos?” panunuyam naman ni Odette kaya mas lalo lamang nagalit ang limang lalaki.
Agad naman tumakbo si Manager Salazar palapit sa kanila, pawis na pawis sa takot na mawalan ng VIP clients. Hindi pa niya halos madala ang malaking tiyan, hinawi na rin niya ang iba pang waitress at waiter na roon upang pigilan ang nagbabadyang gulo.
“What happened here?! Villareal! Are you crazy?!” sigaw ni Salazar.
“He touched me, sir! Binastos niya ako!” depensa ni Odette, nanginginig ang buong katawan sa galit dahil mukhang hindi siya kakampihan ng demonyo niyang manager.
Tumingin si Salazar sa customer at pagkatapos ay kay Odette. Sa halip na ipagtanggol ang kanyang tauhan, isang mapanuyang tingin ang ibinigay niya rito.
“Touched you? O baka naman nilalandi mo kaya nag-react ang customer? Look at you, Villareal. Alam ko namang gipit ka, pero huwag mo namang gawing biktima ang mga guests ko para lang makakuha ng attention!” sabi ni Salazar sa harap ng maraming tao.
Nanliit si Odette. “Ano? Sir, ako na nga ang nabastos, ako pa ang mali?”
“Huwag kang sasagot sa akin! You’re fired! And don’t expect any pay because it’ll go to this gentleman’s dry cleaning!” bulyaw ni Salazar.
Doon na tuluyang bumigay ang huling hibla ng pasensya ni Odette. Tumawa siya nang mapait, isang tawang puno ng sarkasmo. “Alam n’yo, Manager Salazar, kaya walang nagtatagal na waitress dito dahil sa katulad n’yong walang bayag!” sigaw ni Odette na naging dahilan kaya narinig ng lahat ng customers ang sinabi niya. “Lagi n’yong pinag-iinitan ang mga empleyado n’yo kapag hindi kami pumapatol sa mga manyak na katulad n’yo! At ikaw?” turo niya sa customer na puno ng lasagna ang mukha. “Pera lang ang meron ka, pero ang pagkatao mo, mas mababa pa sa dumi sa sapatos ko!”
Marahas na inalis ni Odette ang kanyang apron at itinapon ito sa mukha ng manager niya. “Keep your job! At sa lahat ng nandidito, huwag na kayong kumain sa resto na ito kung ayaw n’yong ma-poison sa bulok na sistema ng manager na ‘to!”
Nag-walk out si Odette habang nakataas ang noo, kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang umiyak dahil nawalan siya ng trabaho. Ito na lamang ang huling makakatulong sa kanya para sa pagpapagamot ng kapatid pero paano siya magtitiis sa isang lugar na isang alipin ang turing sa kanya? Pinunasan ni Odette ang mga luha niya at sandaling pinakalma ang sarili, wala na siyang magagawa dahil nangyari na. Paglabas niya ng hotel, sinalubong siya ng nakakapapasong init ng araw. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kanyang likod habang naglalakad siya sa bangketa. Wala na siyang trabaho. Wala na siyang pambayad sa hospital.
“22 years old, jobless, and broke. Happy birthday to me,” bulong niya sa sarili na puno ng pait.
Naglalakad siya nang walang direksyon, iniisip kung paano niya sasabihin sa doktor na wala siyang maibibigay na deposit para sa bagong gamot ni Olin. Ang bawat hakbang niya ay parang may kasamang mabigat na bato na nakapasan sa kanya. Napaupo siya sa isang bench sa gilid ng kalsada at tinakpan ang kanyang mukha. Doon niya inilabas ang lahat ng problema niya dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan o matatakbuhan. Bakit ang hirap ng buhay? Wala sa loob niyang tanong.
Napahinto sa pag-iyak ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Nang makita niya ang caller ID, agad siyang kinabahan. St. Jude General Hospital.
“Hello? Si Odette Villareal po ito,” mabilis niyang sagot, pilit na pinapatatag ang boses.
“Ms. Villareal, this is Nurse Clara from the Pediatric ICU,” sabi ng boses sa kabilang linya. Malungkot ang tono nito, at iyon ang pinaka-kinatatakutan ni Odette.
“Bakit po? Ano pong nangyari kay Olin?”
“Kailangan n’yo pong pumunta rito agad. Bumagsak ang vital signs ng kapatid n’yo at hindi gumaganda ang respond niya sa gamot. We need to perform an emergency procedure, but we need the clearance and the downpayment as soon as possible.”
Halos manlumo si Odette sa narinig sa nurse sa kabilang linya, pinanlamigan siya ng buong katawan at hindi alam kung saan siya kukuha ng pera. Kung kailan nawalan siya ng trabaho, pinaparusahan ba siya ng diyos?
“Wait, nurse… how much?”
“Initially, we need five hundred thousand pesos for the procedure alone, Ms. Villareal. Minutes matter right now. Please hurry.”
“N-Nurse, saan po ako hahanap ng gan’on kalaking pera?”
“I’m sorry, Ms Villareal, pero iyon kasi ang nakalagay dito at pasensya na at hindi kita matutulungan pa,”
“N-Nurse, pwede ko po kayang hulugan na lang?”
“I’m sorry,” iyon lamang ang nasabi ng nurse bago nito pinatay ang tawag.
Kasabay ng pagpatay ng linya ay siyang pagkalugmok niya ng malaman ang halaga ng pera na kailangan ng ospital. Saan siya kukuha ng kalahating milyon sa loob ng ilang minuto?
Doon pumasok sa isip niya ang sinabi ni Sheila kanina. “In this world, pride is a luxury you can’t afford.”
Tumingala siya sa langit,pinagmasdan ang dahan-dahang pagbabago ng nito hanggang sa unti-unting pumatak ang mga butil ng ulan kasabay ang mga luha niya na kanina pa umaagos sa kanyang mga pisngi. Sa sandaling iyon, alam ni Odette na kailangan na niyang pumasok sa impyerno para lang mailigtas ang kanyang kapatid. Sa isang lugar na pinangako niya noon na hinding-hindi niya pagtatangkaang pasukin pero ano nga ba ang magagawa niya? Walang-wala siya at desparadang-desperada na siyang iligtas ang kapatid niyang si Olin.