KABANATA 2

2750 Words
Ang amoy ng disinfectant at ang nakakabinging katahimikan ng hallway ng ospital ang sumalubong kay Odette pagdating at pagdating niya. Sa bawat hakbang niya patungo sa Pediatric ICU ay parang naglalakad siyang pasan ang mundo at hindi alam kung ano ba ang madadatnan na naman niya roon na kalunos-lunos na sitwasyon ng nakakabatang kapatid. Nang makarating siya sa harap ng malaking salaming bintana, halos gumuho ang mundo ni Odette. Sa loob, nakahiga ang pito-taong-gulang na si Olin. Napakaputla nito, payat, at hinang-hina. Napakaraming tubo ang nakakabit sa maliit nitong katawan, at ang tanging nagpapatunay na buhay pa ito ay ang mahinang pagtunog ng heart monitor. “Ms. Villareal.” Napaigtad si Odette nang lumapit ang attending physician ni Olin, si Dr. Arnaldo. Malungkot ang mga mata nito—ang uri ng tingin na ibinibigay ng mga doktor kapag wala na silang magandang balita. “Doc, kumusta po ang kapatid ko? Sabi sa tawag kanina…” Nanginginig ang boses ni Odette sa matinding takot na nararamdaman niya ngayon. Huminga nang malalim ang doktor. “I’ll be blunt, Odette. Olin’s heart is failing faster than we anticipated. The emergency procedure is his only chance. But even with that, the medications he needs are expensive and not covered by the initial deposits. We need to move now, or we might lose him tonight.” “Ano pong ibig sabihin n’un? Ang laki po ng perang hinihingi ninyo sa akin! Doc, okay naman siya kahapon, ’di ba? Sabi n’yo stable siya!” Nagsisimula nang tumaas ang boses ni Odette dahil sa halo-halong takot at pagod. “Stability is a luxury for a child with his condition, Odette,” mahinahong sagot ng doktor. “His body is giving up. Ang tanging paraan na lang para mabigyan siya ng pagkakataon ay ang emergency surgery at ang specialized life support unit. Pero…” “Pero ano, Doc? Gawin n’yo! Ngayon na! Please!” pagmamakaawa ni Odette. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ng doktor; ang kanyang mga kuko ay halos bumaon sa suot nitong white coat. “Kapatid ko ’yun, Doc. Kaming dalawa na lamang ang magkasama sa buhay. Huwag n’yo siyang hayaan na mawala sa akin dahil baka hindi ko kayanin!” “Odette, makinig ka.” Hinawakan ng doktor ang magkabilang balikat niya. “I want to help. My team is ready. Pero ang administration… they won’t release the equipment and the surgical team without clearance from billing. You have an outstanding balance of three hundred thousand, and the surgery alone will cost another five hundred thousand. Plus the recovery fund… you need at least five million pesos to sustain his treatment for the next few months.” Nabitawan ni Odette ang braso ng doktor. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Five million? Doc, waitress lang ako! Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera sa loob ng isang gabi? Hindi ba pwedeng operahan muna? Magbabayad ako. Magtatrabaho ako hanggang sa mamatay ako, mabayaran ko lang ’yan. Please, Doc… parang awa n’yo na.” “I’ve tried, Odette. Kinausap ko na ang board, pero negosyo ang ospital na ito,” frustrated na sagot ng doktor, bakas din ang pait sa boses nito. “They see patients as accounts. At ang account ni Olin ay red na. Kung hindi ka makakapag-deposit ng kahit partial payment sa loob ng susunod na tatlong oras, I’m afraid we can’t proceed with the surgery. At sa lagay ni Olin… he won’t last until sunrise without it.” “Tatlong oras?!” sigaw ni Odette, ang kanyang boses ay nanginginig sa matinding frustration. “Buhay ng bata ang usapan dito! Isang pito-taong-gulang na bata ang mamamatay dahil lang sa papel? Dahil lang sa pera?!” “I’m sorry, Odette. I really am.” Napaluhod si Odette sa gitna ng hallway, sa harapan mismo ng doktor. Hindi niya inalintana ang mga taong nakakakita sa kanya sa ganoong lagay. Ang mahalaga kay Odette ay iligtas ang kapatid niya, hindi ang pride na meron siya ngayon. Ang kanyang mga kamay ay nakakuyom at nakahawak sa kanyang dibdib, tila ba sinusubukang pigilan ang sariling puso na huwag sumabog sa sakit. “Doc, please… baka may iba pang paraan. Ibebenta ko ang mga gamit ko, hihiram ako ng pera pero kanino… pero hindi sapat ang tatlong oras.” “Kung ganoon, kailangan mo ng milagro, Odette,” huling sabi ng doktor bago ito malungkot na tumalikod at bumalik sa opisina. Naiwan si Odette na mag-isa. Ang bawat beep ng makina ang naririnig niya mula sa loob ng ICU ay tila isang countdown sa buhay ng kapatid niya. Iyak lamang siya nang iyak. Wala siyang magawa. Wala siyang matatakbuhan. Walang makakatulong sa kanya. Paano niya ililigtas ang kapatid niya? Sa paanong paraan? At doon lamang muling pumasok sa isipan ni Odette ang sinabi ng kaibigan niya kanina. Gamit ang nanginginig na mga kamay, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at hinanap ang numero ni Sheila. Mabilis niya itong idinial habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. “Sheila…” pabulong niyang sabi nang sumagot ang kaibigan. “I’m doing it. I’ll do anything. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bar na sinasabi mo. Ngayon na.” “Odette? Are you sure? Once you sell your soul, you can’t buy it back,” babala ni Sheila. “Wala na akong kaluluwa, Sheila. Namatay na ’yun kasabay ng bawat luhang iniyak ko rito sa ospital. Just give me the address.” Nang huminto ang taxi sa tapat ng Makati Bar Luxury, tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Odette dahil heto na, kailangan niyang gawin ito para sa kapatid niya. Ang gusali ay napakataas, malaki at maingay. Huminga muna siya nang malalim, pilit na inayos ang laylayan ng kanyang crimson silk dress. Ang tela ay hapit na hapit sa kanyang balat, bumabakas sa bawat kurba na dati ay itinatago niya sa maluwag na mga damit. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa entrance ng bar at ang unang nakita niya ay ang malalagkit na tingin ng mga lalaking naroon habang nagyo-yosi. Idagdag na rin ang mga bouncer na napapakagat labi habang nakatitig sa nakaluwa at naglalakihan niyang dibdib. Hindi niya iyon pinansin. Bagkus nagtungo siya sa loob ng bar at ang unang bumulaga sa kanya ay ang mga taong nagsasayaw sa dance floor—mga babaeng walang saplot habang gumigiling roon. Pinagpipiyestahan ng mga matatandang lalaki at mga babae. Kabado man ay lakas loob siyang lumapit sa bar counter upang umorder ng maiinom nang biglang makarinig siya ng bulungan. Sa totoo lang hindi ‘yon bulong kundi sigaw dahil na rin sa lakas ng tugtog. “Who is she? Is she new?” “I’d pay double just for a glimpse of her under those lights.” Hindi niya na lamang pinansin ang mga bulungang iyon at minabuti na maka-order ng ladies drink dahil may dahilan kung bakit siya nagpunta rito. Pero hindi pa niya nauubos ang alak ng biglang lumapit sa kanya ang isang lalaki. “Ms. Villareal? Sheila’s friend?” tanong nito. “Yes,” tipid na sagot ni Odette. “Follow me. We need to finalize things before you can enter the ‘floor.’” Dinala siya nito sa isang silid sa pinaka-likod ng bar. Malayo sa ingay ng musika, ang silid ay balot ng katahimikan at amoy ng lumang leather at alak. Sa gitna ng kwarto ay isang lamesang mahogany kung saan nakapatong ang isang piraso ng papel. “Sign this,” utos ng lalaki sabay lapag ng isang papel at fountain pen.Binasa ni Odette ang nakasulat sa papel: WAIVER OF LIABILITY AND NON-DISCLOSURE. “Ano ‘to?” tanong ni Odette,hindi niya alam kung para saan ‘yon dahil ang sabi ng kaibigang si Sheila ay basta lamang siya pupunta dito para maghanap ng lalaking bibili ng puri niya. “That is your ticket to five million pesos, Odette,” sagot ng lalaki habang nagsisindi ng sigarilyo. “Sa loob ng bar na ito, ang mga kliyente namin ay mga lalakeng kayang bilhin pati ang batas. Ang waiver na ‘yan ang nagsasabing anuman ang mangyari sa loob ng silid—anuman ang gawin sa’yo, anuman ang hingin sa’yo—ay ginagawa mo sa sarili mong kagustuhan. Hindi ka pananagutan ng bar, at wala kang karapatang magsumbong sa pulisya.” Nabitawan ni Odette ang panulat. “Anuman ang mangyari sa akin? Kahit… kahit patayin nila ako?” Tumingin ang lalaki sa kanya, direkta sa mga mata. “Patayin? Masyadong mahal ang limang milyon para sa isang bangkay, Odette. Pero ang dignidad mo? Iyon ang siguradong mamamatay sa gabing ito. You are entering a den of lions. If you’re scared, the door is behind you. Go back to your hospital and watch your brother take his last breath.” “Huwag mong idamay ang kapatid ko!” sigaw ni Odette, ang galit niya ay ang panandaliang tumalo sa kanyang takot. Nagulat siya ng sabihin iyon ng lalaki dahil hindi niya alam na bubulatlatin pala ng mga ito ang buhay niya. “Then sign it!” balik na sigaw ng lalaki. “Stop acting like a saint in a house of sinners! Walang puwang ang moralidad dito. Dito, ang tanging batas ay ang pera at ang pagnanasa ng mga kliyente namin. Pinirmahan mo na ang tadhana mo noong isuot mo ang damit na ‘yan. Ngayon, gawin mong legal.” Kinuha ni Odette ang panulat ng marahas at walang sabi-sabing pinirmahan ang waver at padabog na ibinaba ang ballpen sa lamesa. Ang lalaking nasa harapan ay ngumisi lamang ng nakakaloko habang nakatingin sa kanya. “Good,” sabi ng lalaki, sabay hablot sa papel na hawak pa rin ni Odette. “Now, go out there. Show them that you’re worth more than the gold on these walls. At isa pang babala, Odette… kapag lumapit na ang ‘Leon’ sayo, huwag kang magkakamaling tumanggi. Dahil wala ng atrasan sa oras na pinirmahan mo ito. Enjoy the night, missy.” Lumabas si Odette mula sa madilim na silid patungo sa maliwanag na bar. Ang kaba niya kanina ay napalitan ng isang malamig na pakiramdam. Wala na siyang pakialam kung anong tingin ang ibigay ng mga lalaki sa kanya.Itinaas niya ang kanyang noo, hinayaan ang kanyang mahabang buhok na sumasayaw sa kanyang likuran, at naglakad nang may banayad na giling sa kanyang balakang. She looked expensive. She looked untouchable. Agad siyang pinaligiran ng isang grupo ng mga lalakeng naka-suit, mga lalakeng amoy pera pero masangsang ang pag-uugali. Isa sa kanila ay isang matandang may malaking tyan at makintab na ulo, ang naglakas loob na humarang sa kanyang daan. “Whoa, easy there, sweetheart. Ngayon lang kita nakita rito," wika nito sabay haplos sa hubad na balikat ni Odette. "You’re too beautiful to be walking alone. Why don't you join us? We have the best champagne in the house.” Sa halip na umiwas, isang mapanuksong ngiti ang iginuhit ni Odette sa kanyang mga labi. Inilapit niya ang kanyang mukha sa lalaki, sapat na para maamoy nito ang kanyang vanilla na pabango. “Champagne? Is that all you can offer, Sir?” malanding niyang bulong, habang ang kanyang daliri ay dahan-dahang gumapang sa ibabaw ng coat ng matanda. Nagkatinginan ang mga lalaki, tila nagulat sa pagiging palaban ni Odette. “Oho! Palaban si Miss Gorgeous. Sige, sabihin mo... ano ba ang gusto mo? Diamond necklace? A trip to Paris?” Tumawa nang mahina si Odette, isang tawang puno ng sarkasmo at pait na binalot ng tamis. “I don't need jewelry, and I can book my own flights. Kung gusto niyo ako... kailangang malalim ang bulsa niyo.” “Name it, babe,” hamon nung isa pang lalaki na may hawak na sigarilyo. “Five million pesos,” seryosong sabi ni Odette. “Five million for one night. Cold, hard cash.” Sandaling natahimik ang paligid bago sumabog ang isang malakas at mapang-insultong hagalpak ng tawa mula sa grupo. “Five million?! Hahahaha! Ano ka, ginto? Birhen?” tawa nang matandang kalbo, halos mabulunan sa sariling laway. “Miss, ang limang milyon ay pambili na ng isang luxury condo. Bakit ko naman gagastusin 'yun sa isang gabi lang kasama ang isang katulad mo? You're just a girl in a red dress, hindi ka si Aphrodite.” “Exactly,” dagdag nung isa pa sa grupo na kulay orange ang buhok, ang mukha pa niya ay puno ng pangungutya na nakatingin kay Odette. “Baka nga 'yang suot mong dress ay rentado lang. Masyado mataas ang tingin mo sa sarili mo. Baka limang libo, pwede pa.” Doon naramdaman ni Odette ang muling pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo. Ang kanyang flirty na anyo ay napalitan ng talim dahil na rin sa pang-iinsulto ng mga ito sa kanya. “Then you clearly can't afford me. Huwag niyong aksayahin ang oras ko kung barya lang ang kaya niyong ilabas. Your egos are bigger than your wallets, and frankly? It’s pathetic.” Natigil ang tawa ng mga lalaki. Ang mapanuyang ngisi ay napalitan ng galit. Binasag ni Odette ang kanilang ego sa harap ng maraming tao. Ang lalakeng humawak sa kanya kanina ay namula ang mukha sa pagkapahiya. “You little b*tch!” sigaw nito. Marahas nitong hinablot ang braso ni Odette. “Sino ka para pagsalitaan kami nang ganyan? We own this city! Isang tawag ko lang, mawawala ka sa mundong ito!” Itinaas ng lalaki ang kanyang kamay, akmang sasampalin si Odette sa harap ng maraming tao. Kaya naman napapikit si Odette, hinahanda ang sarili sa sakit—ngunit hindi iyon nangyari. “I wouldn't do that if I were you. Unless you want to lose that hand before the night ends.” Isang boses ang umalingawngaw—malamig, baritono, at may dalang awtoridad na tila nagpatahimik sa buong bar. Ang mga lalakeng nanggugulo kay Odette ay tila naging mga basang sisiw. Putlang-putla at takot. Si Odette naman ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa pagitan nila. Nakasuot ng itim na suit na bumagay sa maputi nitong balat at magandang pangangatawan. Ngunit ang pinaka-kapansin-pansin ay ang kanyang mga mata—mga matang kulay abo na kasing lamig ng yelo at kasing talim ng patalim kung tumingin. Ang presensya niya ay nakakasakal, tila ba lahat ng oxygen sa kwarto ay hinihigop niya. Iyon si Valerius Cavalcante. “M-Mr. Cavalcante…” utal na sabi nung matandang mataba, agad din niyang binitawan ang braso ni Odette. “N-naging bastos lang po kasi ang babaeng ito—” “She wasn't being rude. She was stating her price,” malamig na putol ni Valerius. Ang kanyang tingin ay hindi man lang lumipat sa mga lalaki; nananatili itong nakapako kay Odette, tila sinusuri ang bawat parte ng mukha ni Odette. “And if you can't afford it, get out of my sight. You’re polluting the air.” Hindi na nagdalawang isip ang mga kalalakihan at mabilis na nagtakbuhan paalis ng bar. Naiwan si Odette na nakatayo sa harap ni Valerius. Ang kaba na naramdaman niya sa mga bastos na lalaki kanina ay walang-wala sa takot na nararamdaman niya ngayon sa harap ng lalakeng ito. May kakaiba kasi sa lalaki at hindi iyon maipaliwanag ni Odette. Kinikilabutan siya sa tuwing titingin ito sa kanya. “Five million?” panimula ni Valerius. “That’s a very specific amount, Miss Villareal.” Napaatras si Odette. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Isang tipid at nakakatakot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Valerius. “I know everything that enters my place. At ang isang tulad mo? Hindi ka nababagay rito. You look like a saint trying to play a sinner, and it's... intriguing.” Inilapit ni Valerius ang kanyang mukha sa tainga ni Odette, sapat na para maramdaman ng dalaga ang init ng hininga nito. “Five million for one night? I'll pay it. In fact, I'll double it. But in exchange... I don't just want your night. I want to own the very air you breathe until the sun comes up. Deal?” Napalunok si Odette. Sa harap ng mga abuhing mata ni Valerius, alam niyang wala na siyang takas. Kailangan na kailangan din niya ng pera. “Pero gusto kong makuha ang pera ngayon mismo at ibayad agad sa hospital bills. Pagkatapos ay saka lamang ako papayag sa lahat ng gusto mo.” matapang na sabi ni Odette. Mas lalo lamang sumilay ang demonyong ngisi sa labi ni Valerius bago nagsalita. “Deal. Brace your p***y my baby. Hindi kita titigilan ngayong gabi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD