Marco-4

925 Words
Kinabukasan, masakit pa rin ang buong katawan niya pagbangon. Halos ayaw na nga niyang bumangon. Nais pa niyang ipahinga ang nananakit na katawan. Sinulyapan niya ang orasan sa side table. Pasado alas nueve na ng umaga. Kailangan na niyang bumangon at mag-ayos para makabalik na ng Maynila. Kukunin pa niya ang kotse at mga gamit sa bahay ng demonyong si Ramon. Naligo siya ng mabilis. Dahil wala namang ibang masusuot na underwear, no choice. Sinuot niya ulit ang kahapon. Magpapalit na lang siya mamaya pagkuha sa mga gamit niya sa bahay ni Ramon. Habang nagsusuklay ng buhok, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Malungkot at walang buhay ang mga mata niya. Kahit sabihing napakaganda ng mukha niya, kung nababakas naman ang kalungkutan sa mga mata, wala rin. Isa pa rin siyang malungkot na babae. Tila ba nakakaawa at miserable. Mabilis niyang pinahid ang luhang pumatak sa pisngi. Saka pinilit na ngumiti. Kailangan niyang maging matapang sa hamon ng buhay. "Kinaya ko na nga ng ilang taon. Mas kakayanin ko ngayon," bulong niya. Inayos niya ang sarili. Suot pa rin niya ang puting damit ni Marco. Wala pa rin siyang bra. Bakat na bakat tuloy ang malalaking dibdib niya. "Wala naman akong choice. And hindi naman ako lugi kung makita ni Marco," bigla siyang napangiti sa naisip. Iniling niya ang ulo. Sa dinami-raming lalaking nakakasalamuha niya, parang si Marco lang ang nagpangiti sa kanya ng ganito. Well, gwapo eh. Malakas ang s_x appeal. Tila ba first time niyang makakita ng kasing perfect ni Marco. Yes. Marco Leonardo is one hell perfect. Pababa pa lang siya sa malaking hagdan nang may marinig siyang ingay mula sa baba. Tinig ng isang babae. Kumunot ang noo niya. Sosyal ang tinig. Pa-English pa. Sabi ni Marco, wala itong kasama sa bahay kundi mga kasambahay lang. At hindi naman tonong kasambahay ang kausap nito ngayon. "Baka girlfriend?" bulong niya. Hindi niya naisip na posibleng may girlfriend na ang lalaki. Kung sa bagay, sa gwapo ba naman nito. Niyuko niya ang sarili. Inayos ang basang buhok at tinakpan ang dibdib gamit iyon. Saka humugot ng malalim na paghinga. Nagtaas siya ng mukha at lumakad. Tulad ng lakad niya pag rumarampa. Ayaw niyang matalbugan ng kung sino mang babaeng kausap ni Marco. Nang makababa siya, wala sa sala si Marco at ang kausap nito. Namataan niya ang mga ito sa may mini bar. Kapwa nakatalikod ang dalawa. Kaya hindi pa siya nakikita. Malaya niyang pinagmasdan ang malapad na likuran ni Marco. At ang babaeng naka-dress na litaw na litaw ang buong likod. Halos umabot na sa pang-upo ang pagka-backless ng dress nito. Walang dudang may magandang katawan ang babae. Likod pa lang, halata na. "I am Savannah Cortez," bulong niya sa sarili. Ilang beses na ba siyang naging Number 1 sa mga men's magazine bilang pinaka-seksing babae sa bansa. Ngumisi siya at humakbang palapit sa dalawang nagkakatuwaan. "Good morning," bati niya. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Nagtama ang mga mata nila ni Marco. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap nito sa kabuuan niya. Tulad ng ginawa nito kagabi. Nagtagal pa ang mga mata nito sa dibdib niya bago nag-iwas ng tingin at uminom sa kopitang hawak. Nalipat naman ang mga mata niya sa babaeng katabi ni Marco. Nanlalaki ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya. Bahagya siyang kumunot ng noo. Pamilyar kasi ang mukha nito. Pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita. "Savannah Cortez!" malakas na sabi nito sa pangalan niya. Tila gulat na gulat. Ganoon din ang ekspresyon ng mukha nito. Sino ba ang babaeng ito? Bakit tila hindi ito ang unang pagkikita nila? Oo, pwedeng kilala siya nito. Kilala naman siya ng lahat. Pero ang gulat na gulat na tingin nito sa kanya, kakaiba. "What is she doing here, Marco?!" bulalas pa ng babae. Tumayo ito mula sa kinauupuan. Hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Oh gosh!" bulalas pa rin nito habang pinagmamasdan ang kasuotan niya. Imbes na mahiya sa suot, confident siyang nakatayo sa harapan ng mga ito. Alam niyang kahit anong suot niya, kaya niyang dalhin. "Don't tell me, Marco, kinuha mo ang serbisyo ng babaeng ito this weekend?" panunuya ng babae sa kanya. Hindi niya nagustuhan iyon. Nagtaas siya ng kilay. Sino ba ang babaeng ito at ganoon na lang kung magsalita sa harapan niya? "Hazel! What are you saying?!" sita ni Marco. May pagkadismaya sa tinig nito. Hazel? Ulit niya sa isip. Pamilyar ang pangalan at mukha. Kiniling niya ang ulo at pinakatitigan ang babae. Maganda. Maganda rin ang katawan. Maikli ang blonde na buhok. Maliit. Medyo chubby ang cheeks pero hindi mataba. "s**t," mahinang mura niya nang makilala ito. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Marco. Naghihintay kung ano ang sasabihin ng dalawa. Ito si Hazel. Ang fiance ni Francis. Her ex-boyfriend. Kaya pala pamilyar ang matabang cheeks nitong pulang-pula. Minsan na siyang sinugod nito sa studio. Dahil sa pag-aakalang nakikipagkita pa siya kay Francis. Pero anong ginagawa ng babae sa bahay ni Marco? Bakit magkakilala ang dalawa? Ganito na ba kaliit ang mundo para sa kanya? Kahit saan siya magtungo, sinusundan siya ng mga taong galit sa kanya. Galit na galit at selos na selos sa kanya si Hazel. Noong sinugod siya nito, kung anu-anong masasamang salita ang sinabi. Pinahiya siya sa mga staff na naroon. Pinagsisigawan. Halos sabunutin pa siya dahil lang kay Francis. Si Francis na unang nobyo. Na hindi rin tumagal dahil napakababaero. Hindi makuntento. "This sl_t," sabi ni Hazel. Tinuro pa siya. Napangiwi siya sa ginamit na salita. "Hazel!" sita muli ni Marco sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD