DIANE’s POV Nandito na kami sa complex at nagsimula na kaming tumakbo. Nagpahinga muna ako at hinihingal na ako. Sabay kami pero nauna na siya sa akin. Isasama ko siya sa fun run kaya need niya rin mag-practice. Kahit na ang totoo ay banat naman ang katawan niya. Malaya ko siyang napapagmasdan ngayon habang tumatakbo ito. Ang bilis niya at pabalik na siya ulit dito sa aking kinauupuan. Wala ka na talagang hahanapin pa sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Napapatingin nga sa kanya ang mga babae na tumatakbo rin. Tinitingnan ko kung tumitingin siya sa mga seksing babae na kasabayan namin sa pagtakbo. “Kung iniisip mo na titingnan ko sila, nagkakamali ka. Dadaan lang sila sa paningin ko pero hindi ko para sila titigan. Kung may gusto akong titigan ay itong kasabay ko. Kaya lang ay ba

