SHADON’s POV Kung iniisip ni Diane na titigil ako sa ginagawa ko ay nagkakamali siya. Sa araw-araw na nagkikita kaming dalawa ay mas lalo kong gusto na makita at makasama siya. Nabanggit ko na ito kanila Mommy pero hindi ko pa siya maipakilala dahil gusto ko may label na kaming dalawa. Maaga akong umalis ng bahay at nagulat pa nga ako dahil nasa bahay ang kapatid kong si Shador. Nag-iinom sa alanganing oras. Hindi ko namalayan ang pagdating niya kagabi. Baka late na rin siyang dumating. Maaga akong nagpahinga dahil nga sa lakad namin ni Diane ngayong araw. Ito ang araw ng fun run na sasalihan naming dalawa. Dapat si Mae talaga ang kasama niya kaya lang ay bigla akong sumulpot kaya ako na at saka mababawasan ang kasama ni Aling Donielyn sa palengke. Si Diane naman ay nagpaalam sa pi

