SHADON’s POV May tahimik na lugar na nadadaanan kasi rito. Mapuno at bihira ang mga sasakyan. Natunton ko lang ang lugar na iyon dahil sa pagsunod ko sa aking kapatid na si Shador. Madalas ko kasing pagkatuwaan ang kapatid kongi yon. Pilyo at maloko ang isang iyon. Alam kong asawa naman niya ang kasama niya kung bakit mas gusto pa sa ganoong lugar. May pera naman at may bahay sila. Kaya lang ay ako ang naman ang susubok sa lugar na iyon. Hindi naman akin ang sasakyan na ito kundi kay Shalom. Hiniram ko lang at wala naman siya sa bahay. Mabait iyon at hindi magagalit. Lilinisan ko na lang mamaya pag-isinauli ko sa bahay. “Malayo pa ba ang pupuntahan natin, Mister?” tanong ng aking Misis. Kung alam lang niya na gusto kong paliparin ito at magkasarilinan na kami ay kanina ko pa ginaw

